Ang chapter na ito ay para sa inyo—sa aking readers na kahit napagod sa kaka-antay ng matagal na update ay hindi pa rin sumuko sa pagbabasa at pag-aabang ng panibagong chapters sa loob ng isang taon. Kayo at ang rants niyo (charing!) ang naging dahilan kung bakit natapos ko 'to. Muli, thank you so much!
Kung may katanungan patungkol sa libro, do not hesitate to send me a personal message or a comment below.
Nagmamahal,
Dobichen.
---------------------
Pinagmasdan ko ang modernong kisame sa oras na dumilat ako. Pinahupa ko ang naramdamang sakit nang ulo bago umupo sa kama
Nilibot ng mapanuri at naniningkit kong mga mata ang kabuuan ng lugar.
Ang pinaghalong kulay ng puti at itim ang primerong kulay ng kwarto, sa tabi ng pinto ay ang malapad na telebisyong nakasabit sa pader, sa ibaba noon ay naroon ang lalagyan ng iba't-ibang hanay ng dokumento at sa gilid ay ang lalagyan ng makakapal na libro
Ang malaki at malambot na kama ay kumportable. Itim ang kulay ng bedsheet at punda. Ramdam ang buong lamig na nanggagaling sa puting makina, na sa palagay ko'y modernong paraan upang palamigin ang kuwarto, pamilyar sa akin 'yon ngunit hindi lang ganoon ang disenyo nito noong panahon ko
Maaliwalas ang kabuuang pakiramdam ng kwarto kahit pa'y dalawa lang ang kulay na makikita rito
Sa ibabaw ng aking uluhan ay may isang malaking larawang nakalagay sa isang glass-frame. Sariwang bumalik ang hapdi at ang malalim na kirot sa aking dibdib ng mamataan ang maamong ngiti ng aking ina
Luma na ang kulay ng larawan ngunit na-aayon pa rin ang ganda ng kalidad nito
Kunot ang noo ko upang pigilan ang nagbabadyang pag-apaw ng mga luha sa aking mata. Sa loob ng napakatagal na panahon ay ngayon ko na lamang nakita si mama
Ilang minuto kong dinama ang ganda ng tanawin. Siya ang unang taong nakita ko nang imulat ko ang aking mata, magandang simula sa panibagong buhay
Sa aking pagtayo ay kaagad kong tinungo ang pinto. Pinihit ko ang malamig na door knob, lumabas ako at pinagmasdan ang malinis na salas, may iilang halaman sa sulok noon at ang malinis at eleganteng kusina ay nakalagay sa kabilang gilid, sa tabi noon ay ang hapag kainan na dalawa lamang ang upuan
Ang buong sahig ay nababalot ng abo at malambot na alpombra, may coffee table sa gitna ng salas na natapat rin ng isa pang malaking telebisyon.
Naniningkit ang mga mata ko, hindi ko mapigilan ang pagtataka kung nakaninong tahanan ako
Sa pagsara ng pinto sa kwarto ay tinungo ko ang makapal na puting kurtina sa kabilang dulo ng may kalakihang kwarto. Sa pag-hawi ko nito ay nanlaki ang mata ko at namataan ang napalawak na tanawin ng urban na siyudad
Nasa itaas ang tahanang ito at kitang-kita ko mula sa kinaroroonan ko ang tingkad ng mga ilaw mula sa matatayog na gusali, mga sasakyang nadawit sa trapiko at ilaw mula sa iba't-ibang billboard
Nang matapos akong tingnan 'yon, bumalik ang tingin ko sa salas, mula roon, pumukaw sa aking atensyon ang larawan ko suot ang itim na toga
Salubong ang kilay ko nang lumapit ako roon
"Ako nga ito." Mahinang bulong ko sa sarili
Matapos manibago ay napag-alaman kong isang taon na noong nakatapos ako sa pag-aaral, may maayos na trabaho at sa wakas ay nakaangat ako sa buhay. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon ngunit isa lang ang masisiguro ko, ito dapat ang buhay na mayroon ako
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Mystery / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...