"Ayos ka lang?"
Kuminang ang mata ni Arabella ayon sa rumihistrong reaksyon na namataan ko mula sa kanya. Dumapo ang tingin ko sa salaming nasa gitna ng sasakyan kung saan nagtama ang tingin namin ni Callix na siyang nagmamaneho ngayon
Bumuntong hininga ako at tumango bilang sagot sa tanong nito
"Gutom ka ba, Marco?" Tamad na tanong ni Callix habang ginalaw ang manibela dahil sa paparting na kurba sa kalsadang tinatakbuhan ng sasakyan na gamit namin
"Hindi." Maikling sagot ko
Kaagad na napuno ng katahimikan ang buong espasyong namagitan sa aming tatlo habang patuloy na nangibabaw ang ingay na nagmumula sa makinarya ng kotse.
Sumandal ako sa upuan at ipinahinga ang katawan habang walang sawang dinadama ang mabilis na pag-ragasa ng imahe ng mga nagtataasang puno at masukal na gubat sa gilid ng daan
Noong huling pagkikita namin nina Callix at Ara ay pinaalalahan nanaman nila ako sa susunod na pagkikita naming tatlo, ngayon ang araw na 'yon kaya nagpasya akong sumama sa kanila kung saan man sila pupunta
Wala akong alam sa kung ano ang nilalaman ng pag-uusapan namin, siguro ay magandang sumunod nalang ako sa kanila.
"So," Pagsisimula ni Ara matapos ang ilang minutong katahimikan "Tito Felix died."
Kaagad akong namutla sa sinabi niya. Ang kaninang malayang pag-upo ko ay napalitan ng bahagyang pagka-lumo ng buong katawan ko. Dapat ay inasahan ko nang bubuksan ni ara ang usaping ito ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang kaba
Namataan ko ang pagtango ni Callix at ang kanyang malalim na pagpapakawala ng buntong hininga na dala ng hindi ko malamang kadahilanan
"Yeah, heard of that." Mabibigat ang tamad na boses nito habang abala ang mga mata sa imahe ng mabilis na takbo ng kalsada
"Nabalitaan ko rin." Walang emosyong saad ko, sinusubukang labanan ang takot na nagbabadyang lumabas sa bukana ng pagkatao ko
Inayos ni Arabella ang takas na buhok at maingat na inipit ito sa kanyang tainga. Mukha itong nanlulumo at hindi makapaniwala sa sinabing balita. Samantalang nanatiling tikom si Callix sa harap
"Ang sabi sa balita kung anong nilalanang daw ang pumatay sa kanya." May sumilip na takot sa mayuming boses ni Ara habang ang kanyang kamay ay mistulang may sariling buhay at hindi m
Suminghal si Callix at napa-iling, namataan ko ang pag ngiti ng kanyang mata
"Or so they say, the red eyed demon." Pahabol ni Ara
Bumalikwas ako sa inuupuan ko at naguguluhang itinuon ang atensyon kay Ara na ngayo'y nagulat sa biglaang kilos ko
"Red-eyed? Pula ba ang mga mata ng taong 'yon?" Kunwari'y naguguluhan ang reaksyon habang inabangan ang magiging sagot nito sa akin
Itinaas baba ni Ara ang balikat niya at bahagyang nalukot ang noo. "Hindi ko alam, Marco." Nababahalang sagot niya sa tanong
Saglit na dumaplis ang paningin ko sa harapang salamin ng sasakyan, kalauna'y nag-iwas ako ng tingin nang tamad na hinanap ni Callix mula sa salamin ang mga mata ko, mistulang inaabangan ang reaksyon ko o kung ano man
"Well, I don't think it's true." Maikling sagot nito
Tumango ako at marahang sinuyod ng bawat daliri ang buhok ko. Muli nanamang nanahimik ang sasakyan, samantalang nagpakawala ng maiingay na tibok ang puso ko habang ako'y palihim at hirap na kinakalma ang sarili
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Mystery / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...