Bakit gustong magpakasal ni Callix kay Elisa?
Ang pagkabigla sa katotohanang narinig ay ngayon lang tinangkang gapangin ang sistema ko
Kamuntik nang mag-histerya ang mga reporters sa loob dahil sa ekslusibong balitang sila mismo ang nakarinig. Kung hindi lamang sila sinaway ng ilang guwardiya ay baka dumugin na si Callix sa harap
"This is for the sake of Albuera's economy and status. The idea of arrange marriage is the key to my plans, that's why." Pahabol nito
Hindi ko alam kung gusto bang pagaanin ni Callix ang loob ko sa sinabi niya. Gusto niyang isipin na wala siyang kahit anong pagtingin kay Elisa, naiintindihan ko ang pinararating nito
Ngunit paano nalang kung nasa normal ang lahat?
Paniguradong itutuloy ni Mayor Valbuena ang kasalan. At kung hindi mangyayari ang lahat ng ito, hindi ko malalamang si Callix ang panganay na anak ng makapangyarihang Esdrelon, na ikakasal kay Elisa
Nabawi ng isang reporter ang aking atensyon, hindi pa rin ako nakakaahon sa biglaang pagkalunod sa rebelasyon ni Callix
"Sir! Paano po namin ma-c-confirm na ikaw ang anak ni Senator Esdrelon? The senator didn't mention anything about this, ni hindi niya binanggit na may anak siya."
Nagtaas naman ng kamay ang isa
"Ano na lamang ang reaksyon ng mga Alegre dito?"
Ganoon din ang ginawa ng isa pang reporter
"Is it really for the sake of economic factors? Hindi mo ba gusto ang namayapang anak ng mga Valbuena? Why are you sacrificing your personal interests for Albuera?"
Hindi ko napigilan ang sarili sa pagtataka.
Sa aming lahat, si Callix ang pinaka-mahirap basahin. Isang misteryo ang pagkakatuklas sa kung ano ang iniisip niya o ang takbo ng utak niya
Itinaas ni Callix ang kamay niya upang pahintuin ang mga 'yon sa pagtatanong ng mga sumunod pang katanungan
"My father, Senator Esdrelon found us first. Sa parteng hindi niya sinabi sa lahat ang tungkol sa nawawala niyang mga anak..." Saglit siyang huminto at umiling "I don't know anything about that too. Maybe he wanted everything to be confidential dahil kulang ang mga ebidensyang nagpapatunay na kami ang mga anak niya."
Tumango ang mga reporters at nagpatuloy sa pagsusulat
Bumuntong hininga ako at humarap sa gawi nina Argael na ngayo'y kunot ang noo. Si Ruan ay may ekspresyong hindi ko nakikitaan ng galak o tuwa sa balita, habang si Ara naman ay mistulang alam na nilapag na rebelasyon dahil sa normal na reaksyon nito
"My Alegre family was very casual about it. And If you will ask about what my reaction is, masasabi kong hindi tanggap noong una. Who would, right?"
Nakitaan ko ng bahagyang pagka-mangha ang reaksyon ng mga bisita. Tutok na tutok sila sa anunsyong ito sa puntong nakalimutan na nila ang binanggit ni Argael kanina
Ito ba ang paraan ni Callix upang takpan ang kaso ko at ang mga balak ni Argael sa akin na gusto niyang i-bulgar sa madla?
"Regarding my personal interests.." Huminto siya at bahagyang tumingin sa gawi ko
Kunot ang noo ko at siryosong tumagos ang mga titig ko sa kanya. Nag-iwas ito ng tingin at binaling ang atensyon sa gawi nina Ara
"I do have someone I admire the most. But since my mind actually wanted politics as a center, I'd rather sacrifice my personal endeavors, than do nothing on how can I improve Albuera's image to become a civilized place."
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Misterio / Suspenso[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...