Chapter 17: The Conscience

1.8K 90 12
                                    

"Maraming kuro-kuro sa kung ano ang nilalang na pumatay sa bise alkalde ng Albuera, Leyte na si Felix Balderama. Sinasabi ng nakasaksi na pang tao ang bulto at nangibabaw ang makinang na pulang lente ng mata nito sa dilim--"

Pinatay ko ang radyo at diretso ang tingin kay Matilda. Hindi ito nagsalita at nanatiling pikit ang mata, naantala lang ang iniisip nang hindi ako gumawa ng kung anong ingay 

Sa kanyang pagdilat ay kaagad niyang nahanap ang mga mata ko

"Nilalang?" Ang siryosong tensyon sa paligid ay pilit na nawala ng suminghal siya at hindi makapaniwalng humalakhak, hindi makapaniwala sa narinig na balitang nagmula sa radyo

Umigting ang panga ko at hindi natinag sa pang-aasar na ginawa ng mangkukulam sa harapan. Nanatiling siryoso ang reaksyon ko habang pinipilit ikalma ang sarili ko

"Hindi ka na tao sa paningin nila, Marchosias." Umiiling-iling na saad niya gamit ang buo at kargado ng tensyon na boses

Ang pakiramdam ng tinraydor at pinagtaksilan, ang pinaghalong pakiramdam na mistulang nag-aalab sa kung anong hindi magandang sensasyon ang kaloob-looban ko ay ang tanging gumagawa ng ingay sa tahimik kong pagkatao. Hindi ko 

Bumuntong hininga ako at hindi na inabala ang sariling patulan ang mapanuksong mungkahi ni Matilda 

"Bakit pula na ang mata ko?" Siryosong tanong ko

Nagtaka siya sa tanong ko at kaagad na tumayo upang lapitan ako at inspeksyunin ang mga mata ko. Bumalik siya sa kaninang puwesto niya at humalukipkip, naroon pa rin ang pagkunot ng noo niya 

"Pula ang mata? Hindi ko nakikita 'yon." Ang boses niya ay may halong panunuya 

Marahang sinapo ng nanlalamig na kamay ang nag-iinit na mukha ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng mangkukulam gayong kitang-kita ko na ang mga mata niyang nabahiran ng tensyunadong pagsisinungaling 

Ilang beses kong pinakalma ang sarili dahil alam kong hindi ako makakakuha ng tamang sagot kay Matilda 

"Ito ba ang parusa kapag hindi agad ako nakapatay at nakakuha ng dugo?" Diretsong tanong ko ngunit hindi nakatakas sa bahid ng namumuong iritasyon ang boses ko 

Unti-unti kong inintindi ang lahat, na baka ito ang panakot niya sa akin hindi ko kaagad nabigay ang gusto niya, na baka gawin niya akong isang hindi kilalang nilalang kapag hindi ako nagtagumpay sa misyon na ito

Hinawi ni Matilda ang mahabang buhok na malayang nagpapahinga sa harapan ng katawan niya. Ang buntong hiningang iginawad niya ang sa tingin ko'y tanda ng pag suko sa kung ano mang kasinungalingang sinubukan niyang ibuo 

Sinundan ko ng tingin ang galaw niya papunta sa dating inuupuan. Naroon ang pendant na iniwan ko kaninang umaga bago umalis at pumuntang karinderya 

Nanatili ako sa pwesto ko habang siya'y naka-upo na at siryoso ang nakapalibot na enerhiya sa kanya 

"Mabuti't alam mo na," Siryoso niyang sabi matapos ay ipinahinga ang dalawang siko sa mesa "Hindi ito mangyayari kung hindi ka nag-sayang ng oras." 

"Paano ako mababalik sa normal?" Pag-agap ko, ang boses ay nabahiran ng biglaang desperasyon

Bumuntong hininga siya at tinapik ang mesa, umayos ito ng upo at pinapatay lahat ng ilaw sa salas. Ngayon, tanging ang kandila na lamang ang tanging nagbibigay liwanag sa buong lugar. Muli niyang tinapik ang mesa at siryoso ang tingin sa akin 

Kunot noo akong naglakad papalapit sa mesa. Nang naroon na ay kaagad akong umupo sa dating pwesto at walang emosyong hinarap ang siryosong mangkukulam sa harap 

Blood For SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon