Abot-abot ang tahip ng aking dibdib. Nanatili paring matigas ang pinanghahawakan kong galit at sama ng loob. Dahil hindi ko inaasahan ang mga narinig ay nanumbalik ang sariwang bugso ng mga pinaghalong pandidiri at kilabot
Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Callix at kay Ara, ang isang kilay bahagyang nakataas habang hindi ko kaagad nabawi ang awang ng aking bibig
"Sa amin nanggaling ang tape na ipinakita mo." Buo pa rin ang boses ng animal sa harapan ko, mistulang hindi naapektuhan sa sariling pag-amin
Walang tamang salita ang makakalahad ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapangalanan ang emosyong siguradong ikasisira ng bait at katinuan ko
Hindi ko matanggap ang katotohanang naging madali ang lahat ng ito para kay Callixto. Naging madali para sa kanila ang paglaruan ang mga buhay ng mga tao sa paligid nila, naging madaling manipulahin ang kagustuhan kapag may kapangyarihan, yaman at kasamaan
Sa simula't sapul, sila na ni Arabella ang dahilan ng paghihirap ng lahat dahil...dahil lang gusto nila ako para sa sarili nila at hindi sa ibang tao? Hindi kay Elisa?
Kahibangan!
"M-Marco...I...I'm.."
Sinubukang basagin ni Arabella ang mapaglarong katahimikan ngunit nabigo ito. Nang magtama ang tingin namin ay kaagad itong umiwas at bahagyang yumuko sa gawi ng walang malay na si Argael
Sigurado na ako ngayon.
Dahil sa inggit, nagawa nina Callixto at Arabella na magpalamon sa kasakiman
Ang inggit para kay Arabella ay ang hindi nito pag-tanggap na mas higit ang ganda at kakayahan ni Elisa kumpara sa kanya. Ano pa ba ang hihiingin ni Arabella? Na sa kanya na ang lahat ng mabubuting katangian: Ganda, talino, yaman, abilidad at marangyang kaugalian. Ngunit hindi nito tanggap na mas mapupuri ng iba si Elisa dahil higit ito sa kanya
Ang inggit para kay Callixto ay ang hindi nito pagtanggap na mas may kakayahan si Elisa na pumosisyon at bigyan ng puwang ang sarili dito sa aking puso. Dahil sa babae ito, at dahil mas katanggap-tanggap siya kumpara kay Callixto sa panahon ngayon. Hindi nito matanggap na nakuha ni Elisa ang damdamin ko habang wala siya
Dahil sa makamundong pagnanasa, nagawa ni Argael na lamunin siya ng maruming pag-iisip
Ang makamundong pagnanasa para kay Argael ay ang kaisipang: Dahil hindi niya nakuha si Elisa, mabuti pa na unahan niya akong makuha ang iniingatang pagkababae nito. Tunay ngang hindi pag-ibig ang nararamdaman nito para sakanya.
Sa pagbabalik tanaw, tumindi lalo ang poot sa akin
Hindi ibang tao ang gumawa nito sa buhay. Sariling mga kaibigan ko. Pangalawang pamilya at higit sa lahat, sila ang mga taong naging parte na ng buhay ko
Hindi ba nila gusto na maging masaya ako?
"Ano, nandidiri ka na sa akin? Dahil iba ako?" Nag-angat ako ng tingin sa kunot noong si Callix.
Namataan ko ang bahagyang pagkinang ng mga mata niya. Umangat ang isa niyang kilay nang hindi ako sumagot
"So, you're now calling me 'faggot' inside your head, huh?" Natatawang saad niya "Just what I thought, hindi mo tanggap ang nararamdaman ko para sa iyo!" Bulalas niya
"Hindi ko matatanggap dahil masamang tao ka." Singhal ko pabalik
Humalakhak siya at napa-iling "And what about you? Mabuting tao dahil pinatay mo ang mga taong nang-agrabyado sa mahal mo?!" Natatawang saad niya
Nanginginig na hinawakan ko ang karambit nang makaramdam ng panibagong alon ng gigil
"Fuck you, Marchosias Aragonza!" Umalingawngaw ang buong boses ni Callixto sa kabila nang biglaang pag-agos ng kanyang mga luha
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Mystère / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...