Hindi ko napigilang ilabas lahat ng kinain ko kanina nang subukan kong kolektahin ang dugo ni Anton mula sa nilalangaw niyang bangkay. Nanghihina kong isinandal ang dalawa kong kamay sa abandonadong tipak ng pader sa kakahuyan at doon ibinuhos ang resulta ng pandidiri sa imaheng naiisip
Ilang minuto akong ganoon, at ilang minuto kong sinubukan ang pagkolekta ngunit ganoon pa rin ang resulta.
Nilakasan ko ang loob ko nang lumapit muli ako sa bangkay ni Anton.
Nanginginig na inilabas ang pendant mula sa loob ng damit at dahan-dahang lumuhod upang mas malapitan ang pagkuha sa dugo na ngayo'y patuloy pa rin sa pagdaloy sa kanyang leeg
Tumango ako, kinukumbinsi ang sarili na hindi na ako muling makakaramdam ng diri sa nakikita. Ako ang gumawa kay Anton nito, kaya dapat lang na hindi ako natitinag sa itsura niya ngayon
Nang matanggal ang takip ng sungay na pendant, sinubukan kong ilapit ang bukana nito sa direksyon kung saan dumadaloy ang dugo ni Anton pababa sa mga tuyong dahong hinihigaan niya
Dumaing ako sa inis nang bigo kong nakuha ang dugo nito dahil sa dikit ito sa kanyang balat. Buong tapang na pinisil ko ang leeg niya at nakaramdam ako ng bahagyang satispaksyon, hindi alintana ang daliri kong na dinaanan din ng umaagos na dugo
Kaagad napuno ang pendant kaya dali-dali ko itong tinakpan at isinilid sa loob ng damit.
Aminadong nakaramdam ako ng galit, ngunit hindi nagbabaga, galit ngunit kulang pa. Parang may kulang, parang hindi tama, hindi pa sapat at tila naghahanap pa ng ibang dahilan para umalab
Ito na ba 'yon, Elisa?
Napatay ko na ang taong humamak at kumitil ng buhay mo. Ngunit bakit hindi pa ako nakukuntento, bakit pakiramdam ko hindi ko pa nakakamit ang ninanais na hustisya para sayo?
Mabibilis ang ginawa kong hakbang. Nalampasan ko ang gitna ng kakahuyan at ang mansyon ng mga Balderama. Naroon pa rin ang langitngit na galit ni Argael at ang mayuming pag-aalo ni Ruan sa kanya
Nasaan na kaya ang iba? Nandyan din ba sina Callix at Ara sa loob? Tahimik kong hiniling na sana ay hindi sila nasasaktan sa nangyayari sa akin. Na sana ay hindi sila nag-aalala sa kaibigan nilang umikot ang mundo sa iisang babae. Ngayong wala na si Elisa, huminto na rin ang mundo na rin ang mundo ko
"Goodness! Mabuti naman at nakakolekta ka!" Paghihisterya ni Matilda nang itinaas ko sa ere ang kwintas na nakasabit pa rin sa leeg ko
Tumayo siya upang kunin ang kwintas ngunit iniwas ko lamang ito sa kanya. Naglaho ang ngisi niya at napalitan ito ng unti-unting paglukot ng kanyang noo
"Anong kapalit nitong dugo?" Siryoso kong tanong nang iabot sa kanya ang pendant saka umupo sa upuan na kaharap ng kanya, gaya ng madalas kong gawin
Masayang tinanggap iyon ni Matilda na tila ba ang dugo ni Anton ang bubuo sa araw niya ngayon. Gaya ng ginawa ko ay umupo siya sa kanyang upuan at kinilatis ang pendant na may nangingiting mata
Nilapag niya ito sa mesa at tumingin sa akin
"Pakiramdam ko kukulangin pa ako. Hindi bale, kapag nainom ko na, sa pagtulog mo masasagot ang katanungan mo."
Umangat ang isa kong kilay nang bumalot ang kuryosidad sa isipan ko.
Sa pag tulog ko?
"Siya nga pala, wala bang umaaligid sayong...kakaibang tao?" Kunot ang noo ni Matilda ngunit nanatiling kalmado ang nakapalibot na awra sa paligid niya
Huminga ako ng malalim at hinayaang isandal ang likod sa upuan. Humalukipkip ako at nang inisip na walang kakaibang tao ay kaagad na umiling
Lumipad ang atensyon ko sa mga patalim na nakapaskil sa dingding ng salas. Tumayo ako at malapitang kinilatis ang mga 'yon at sa unang tingin ay hindi ako nagkamaling magagandang klase ito
BINABASA MO ANG
Blood For Soul
Misteri / Thriller[Book 2 of Blood For Beauty: Origin of Marchosias] Ang inakalang pang habang buhay ay nasira nang mawala sa mundo ang isa sa magkasintahang Marchosias at Elisa. Ang malinis at puting kaluluwa ay sapilitang dinumihan at nabahiran ng dugo. Sino ang ma...