[Megan's POV]
"Oh! lucky, Ikaw pala yan!"
"Malamang ako to. Sino pa ba?" Masungit niyang sagot sakin.
"Haay! kahit kelan ang sungit sungit mo talaga!"
"Psh!" Yan lang ang sagot nya sa akin habang hinahanap ko pa din yung pangalan ko sa bulletin board. At sa wakas, Nakita ko din ung pangalan ko. At nakita ko din naman yung pangalan ni lucky. At nakakatuwa dahil pareho kami ng section.
"Hoy! lucky! magkaklase ulit tayo! WEEEE! APIR!"
"Apir mo mukamo. Sawang sawa na akong kaklase kita eh!"
"Ano sabi mo!?"
"WALA. tara na nga, Malate pa tayo eh." Pag aaya niya sa akin at sabay na kaming pumunta sa room namin. Habang naglalakad kami sa corridor, may mga babae doon na tili ng tili at nagsisigawan kasi nakita na naman nila si lucky.
"HI LUCKY!" Sabay sabay nilang sinisigaw. Chorus pa ha. kala mo naman artista tong kasama ko. Ay boplaks. Oo nga pala, Sa araw araw naman atang pagpasok ni Lucky normal na sa kanyang nakakakita at nakakarinig ng ganitong mga pangyayari eh. Kaso as usual, Hindi niya pinapansin ang mga babaeng yun at tuloy lang siya sa paglalakad with a POKER FACE. Oo tama! poker face tong bestfriend kong to. Hindi mo nga malaman kung meron ba tong emotions eh. Napaka no reaction kasi eh.
"Hoy bestfriend! Mag Hello ka naman sa kanila! kanina ka pa nila binabati eh!"
"De ikaw mag Hello sa kanila kung gusto mo."
"Sus! wala namang mawawala sayo kung mag-gi-greet back kadin sa kanila diba?"
"Eh sa ayaw ko eh! Bakit ba!"
Nakarating na din kami sa room. Hindi kami late! WOOOHOOO! kasi nga naman, First day kaya busy pa lahat ng tao. Hindi agad nagsisimula yung orientation hanggat wala pa yung ibang students. Nga pala, hindi na ako pinansin ni Lucky simula nung sabihin ko sa kanyang mag greet back man lang siya sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Tuloy Tuloy lang siya sa pag pasok sa room at umupo. Syempre, First day. Free pa kaming umupo kung saang seat ang gusto namin. Tinabihan ko siya. Baka kasi nagtatampo yung bestfriend ko sa akin eh.
"Bestfriend! Galit ka ba?"
Hindi na siya nakasagot dahil dumating na yung adviser namin. Lahat kami ay nagsitayo at Nag good morning sa teacher namin. Dahil nga orientation pa lang, Half day lang yung klase namin. Nagkecrave ako sa ice cream kaya naman inaya ko si lucky. Sabay kaming umuuwi lagi simula nung 1st year kami. pero minsan hindi pag may kanya kanya kaming meeting na kailangang attendan.
"Lucky! Ice cream tayo! dali!"
"Ayoko. Wala ako sa mood mag ice cream."
"Sige na, Please? Please? Minsan lang naman mag aya eh."
"Hayyy nako, Tara na nga!"
Sabi na eh! di din ako matitiis ng bestfriend ko eh. At ayun nag punta nga kami sa malapit na ice cream parlor sa school.
"Ate, Bubblegum ice cream nga po. Palagyan na din po ng caramel syrup tska po palagyan toppings. yung nips po."
"Kakaiba din taste mo sa pagkain eno?" Sabi sakin ni lucky.
"Masarap kaya! Try mo din to."
"Ayoko, Mukang di masarap eh."
"Sige na, Tatry mo lang naman. Treat ko. :) "
BINABASA MO ANG
Lucky, I'm inlove with my Bestfriend (ONGOING)
Teen FictionMadalas, Andyan na ung nararapat sa harap mo. Kaso di mo pa pinapansin. Tinatakbuhan mo pa nga minsan eh. Naghahanap ka pa ng iba. What if you missed the chance? What if, He's really the one for you and He is the one who can give you the real meanin...