Protecting Her..

51 0 0
                                    

[Lucky's POV]

♫ Do you hear me,


I'm talking to you

Across the water across the deep blue ocean

Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams

I feel your whisper across the sea

I keep you with me in my heart

You make it easier when life gets hard


I'm lucky I'm in love with my best friend

Lucky to have been where I have been

Lucky to be coming home again

Ooohh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh ♫


Ginising ako ng music ng alarm clock ko. Ganda no? HAHAHAHA. Cellphone ko lang gamit ko dyan. Pero teka, Hoy. Walang malisya yan ah! Ang sarap lang kasi pakinggan niyang kantang yan. Kalmado lang. Tska laging binabanggit yung pangalan ko. HAHAHAHAHA! 



Nga pala, First day ng simbang gabi. Kukumpletuhin ko to. Sabi kasi nila pag nakumpleto mo to, Matutupad yung wish mo eh. :) KAEXCITE.


Nag ayos na ako at nagmadaling mag lakad. Kasi baka hinihintay na ako ng babaeng yun sa labas ng village. Madilim pa kasi, baka madisgrasya yun..


Habang nag lalakad ako, May nakita akong babaeng sumisigaw. Pero muka namang hindi humihingi ng tulong..



Mukang nakikipag away.



"HOY! MANONG! yan naba trip nyo ngayon ha? Mag aabang kayo sa Dilim para makabiktima? Tae naman manong. Kung wala kayong cellphone bibigyan ko nalang kayo tska pera? magkano ba? Eto oh, Bente! pantaho din yan. malamig ngayon. Mamaya may mag dadaang magtataho dyan. Os----" narinig kong sabi nung babae.. pero teka..


pamilyar yung boses ah! Tumakbo ako para makita kung sino yun. At nang malapit na ako, Hindi ko alam kung nananaginip pa ako or what. Pero nakikita ko si Megan! At sinasakal siya ng isang lalaki! Ano ba to! nasa trouble ata siya! 


"Hoy bata! Wag mo nga ako paglolokohin! At wag mo din akong libangin. Ibigay mo na sabi yang cellphone at wallet mo! Kundi, Malalagot ka sa akin."  narinig kong sigaw nung lalaki. lalo akong kinabahan. nilapitan ko sila 


"ANO BA! Hindi mo ba ibibigay sa akin?" yan ang huling sinabi ng lalaki. Hindi na ako nag atubiling sugurin sila.


"HOY MANONG! ANONG GINAGAWA NYO DYAN?" sigaw ko sa kanila.


"At sino naman tong epal na to ha?" Tanong nung holdaper. Ako lang naman po ang tagapagligtas nitong babaeng to. ako ang superman nya! TENENENTENTEN! (AN: SMILE TAYO! ) Pero seryoso talaga ako at bigla ko nalang pinagsusuntok yung lalaki. Nakaganti yung lalaki sa akin ng isang suntok na nagpahilo sa akin. Buti na lang at nakatulong din tong babaeng to. Pinukpok niya ng bote yung ulo ng lalaki. Kaya tumakbo na lang ito. 


Kinausap ko si Megan, Kaso.. Tulala siya. baka di padin niya maabsorb yung mga pangyayari.


"Huy! Megan! bat ba tulala ka dyan? Wala na yung holdaper!" kasabay ng palo ko sa noo niya. mukang takot na takot pa din siya. Kala mo naman kasi ang tapang tapang. Eh kahit ano namang gawin niya, babae pa din siya. Bigla na lang niya akong niyakap at sinabing ako daw ang lifesaver niya. YAKKKK! Lifesaver. Ang panget. parang lifeguard lang ah!

Lub-Dub-Lub-dub

Bakit bumibilis yung heartbeat ko? Haiishhh! Ano ba naman to. Ang late reaction naman ng katawan ko. bakit ngayon pa ako kinabahan ng malupit eh wala na naman ung holdaper.. odikaya, dahil sa pag yakap sa akin ni megan kaya ako ganito.. ANO BA! Makapagsimba na nga lang..

Sumakay na kami ng jeep. Di pa din siya umiimik, Halatang natatakot pa din siya..

Haay! ayokong nakikita siyang ganito.. Hindi ako sanay na hindi siya maingay.. bakit ganito, Sobrang affected ako pag nakikita ko siyang natatakot...

"Hoy megan!" Sigaw ko sa kanya pero hindi pa din niya ako pinapansin..

hanggang makarating kami sa simbahan.

Hayy ipagdadasal ko na nga lang na mawala na yung takot ng babaeng to. Nakakainis naman kasi yung holdaper na yun. Wag na wag siyang magpapakita sa akin, KUNDI! Patay talaga siya sa akin. Mukang di maganda yun, Ah basta! pagdadasal ko nalang to.. Sana mamaya bumalik na ulit si Megan sa dati..


Lucky, I'm inlove with my Bestfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon