Sabi nga..
Mahirap mag expect, Minsan kasi.. nag eexpect tayo.. tapos ang kalabasan, Ayun. Fail.
Minsan mas okay na lang hayaan na natin kung ano mangyayari
Mas masarap naman kasi yung feeling na, Nasusuprise tayo diba??
Kesa nadidisappoint..
Pero, Walang koneksyon yang pinagsasabi ko sa chapter na to? PWAHAHAHA
Pero may koneksyon sa mga susunod na mangyayari.
[Lucky's POV]
Ilang araw na din makalipas yung gabing yun..
Masyado ko bang minadali? O ayaw lang talaga ni Megan? Sa tingin ko kasi yun na yung pagkakataon para sabihin ko sa kanya yun e. Pero sinabi ko naman sa sarili ko na tatanggapin ko kung ano yung kalalabasan eh. Psh, Basta Sana di mabago yung pakikitungo nun sakin. Nabalitaan ko na nga din pala na sila na ni Troy. Malamang naman mababalitaan ko yun, Mga kaklase ko lang yun e. AHHH BASTA! Sana lang maging masaya si Megan dun. Kapag nalaman ko lang na niloloko nung lalaking yun si Megan, Hindi talaga ako magdadalawang isip na upakan yun.
Matagal tagal ko na din pala di nakakausap yun. Maya nga mapuntahan sa bahay nila. Okay na din siguro yung magbestfriends na lang kami.. Kailangan kong kalimutan yung babaeng yun. hay
Pindot ng doorbell
Walang nagbubukas..
Isa pa,
Pindot ulit ng doorbell
Ayun sa wakas may nagbukas na, Si tita pala.
"Hello Tita" Sabi ko sabay mano.
"Oh lucky kaw pala yan tara pasok ka." Tita
"Sige po, Ahhhhh tita andito po ba si Megan?"
"Wala pa nga eh. Nagpaalam siya kanina aalis daw sila ni Troy." Tita
"Ah ganun po ba? Sige hintayin ko na lang po."
Nagpunta muna ako sa sala nila.
"O teka dyan ka muna maghintay ah, Kukuha lang ako ng makakain."
"Nako tita, Wag na po. Okay lang po."
Umupo na lang din si tita at nagkwentuhan kami.
"Sus nahiya ka pa sa akin Pero kung ayaw mo ede sige.. Maiba ako, Alam ko na nga pala nangyari sa inyo ni Megan. Pero hindi sa nangengealam ako, Sana ganun pa din yung friendship niyo. Hindi na din ako nagdalawang isip na payagan si Megan kasi, Wala namang ginawang masama yung anak ko sa amin ng daddy niya. Siguro ganyan talaga pag nagdadalaga na. Ayoko naman pagbawalan kasi baka lumayo yung loob niya sa amin. tska mukang masaya naman siya. Pero ikaw, Lucky ayos ka na ba?" Tita
"Ahmm.. siguro po, Kelangan ko naman din po kasi tanggapin na si Troy po gusto niya. Tska sabi niyo nga po dun siya masaya. Kaya okay na din ako dun.. Medyo iba pa din po yung feeling pag nakikita ko sila. ganun po."
"Normal lang yan, Nako basta gusto ko di masira ang friendship niyo ni Megan." Tita
"Opo kakausapin ko nga po siya ngayon eh, Kasi di naman po pwedeng maapektuhan yung pagkakaibigan namin dahil dun."
"Tama yan, Pero bakit mo nga naman naisipan gawin yun? Kahit ako nagulat eh. kala ko bestfriend lang talaga turing mo sa anak ko eh. Haha" Tita
"Hindi ko nga din po alam eh, basta lang po one day narealize ko na iba na yung pagtingin ko sa kanya. Hindi na po basta bestfriend lang eh. Yung parang gusto ko lagi akong nasa tabi niya. Kasi lagi po napapahamak si Megan. Parang gusto ko ako yung poprotekta sa kanya, Tska pag nakikita ko po siya,, parang kumpleto na agad yung araw ko. Basta po kakaiba aish" napapakwento tuloy ako. amp
BINABASA MO ANG
Lucky, I'm inlove with my Bestfriend (ONGOING)
Teen FictionMadalas, Andyan na ung nararapat sa harap mo. Kaso di mo pa pinapansin. Tinatakbuhan mo pa nga minsan eh. Naghahanap ka pa ng iba. What if you missed the chance? What if, He's really the one for you and He is the one who can give you the real meanin...