We don't feel the same way.

83 0 0
                                    

[Megan's POV]

Araw araw na nga pala ako sinusundo ni Bestfriend dito sa bahay. Sabay na kaming naglalakad palabas ng village namin. Baka daw kasi may mangyari na namang masama. Tska hiningi na ding favor ni Mommy kay Lucky ung pagsundo sa akin. Nakwento ko kasi yung nangyari ehh.

Malapit na nga din pala matapos yung simbang gabi. At ang masaya dun, Wala pa akong na mi miss na mass. lahat naattendan ko. Sacrifice ko to eh. :)

Pag uwi namin ni Lucky ng bahay..

"Osige Lucky! Bye bye! Thanks again."

"Sure, Ge." Sabay umalis na siya.

Natulog muna ako kasi nakakaantok talaga gumising ng maaga. kaya binabawi ko na lang yung tulog ko pag dating sa bahay. nang kumatok yung mommy ko sa kwarto ko..

"Anak, May naghahanap sayo." sino naman kaya yun..

"Sino naman yan ma?" Tanong ko sa kanya.

"Troy daw yung pangalan anak, Classmate mo daw."

"Ano!? T-TROY!? Nananaginip lang ba ako!?" Sabay kurot ko sa muka ko baka sakaling nananaginip lang talaga ako. 

"AWWWWW ARAY ANSAKIT!" Nasaktan ako nung kinurot ko sarili ko. That means totoo to! HUWAAAAAAAAAAAAAAT!?

"Anak, Kanina pa naghihintay sayo to. Lumabas ka na dyan."

"Opo Mommy!" Nag ayos muna ako konti. Suklay suklay at nagmadaling bumaba. at nakita ko nga si Troy. WAAAAAAAAAAAAAAA! I can't believe it! Nagpunta pa talaga siya sa bahay namin! WEEEEEE.

"Hi megan!" Bati niya sakin.

"Ayy hello Troy! What brings you here?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhhhmmm. I just wanna ask you out. A small talk maybe." Weee. di kaya date to?? YAY!!

"Uhhh Sure, Wala naman ako gagawin ngayon eh."

So ayun na nga pumunta kami sa park. bumili din kami ng ice cream. Yung favorite ko. Pinatry ko din sakanya yun kahit alam kong mukang di niya gusto. HAHAHAHAHAHA! Basta ako kaen lang ng kaen ng ice cream. Yum yum! favorite ko talaga to! :D

"You're so cute! HAHAHAHAHAH!" Sabi niya sa akin.

"Hah?" Sabay punas nya sa bibig ko gamit yung panyo niya. Siguro napansin din niyang ang dungis ko kumain ng ice cream. HAHAHAHAHA! Hindi ko kasi mapigilan eh. AYYYYYYY! Kinikilig ako! WOOOAAAAA! Bakit ganito ka troy? Lalo tuloy akong napapahanga sayo...

[Lucky's POV]

Ang boring sa bahay kaya naglakad lakad muna ako. Kaso bigla ko naalala ung ice cream na pinatry sa akin ni megan. Ano ba naman yan. mukang nahahawa na ako sa taste nung babaeng yun ah! Lakas makaimpluwensya. So yun dinala ako ng paa ko sa ice cream parlor na yun at inorder yung ice cream na favorite ni Megan. Naglakad lakad na din ako habang inuubos yung ice cream kasi ang hassle naman. kumakain ako ng ice cream habang nasa jeep..

Habang naglalakad ako...

Nakita ko sina Troy at Megan. Nakita ko pa si Troy na pinupunasan yung bibig ni Megan. AMPPPPPPP! Anong ginagawa nun sa bestfriend ko!? Gusto ko sana silang lapitan kaso pumasok sa isip ko, May gusto nga pala si Megan sa lalaking yun. At di hamak, na bestfriend lang niya ako kaya wala akong karapatang istorbohin siya..

"Haaayyy! Halata namang kinikilig siya sa ginagawa nung lalaking yun e." Bulong ko sa sarili ko. Eh ano naman kung kinikilig siya? Normal naman yun diba?! Ughhhh! hirap makipagusap sa sarili. Try nyo din. HAHAHAHAHAHAHAHA!

"Pero bat ganun? Parang nakakapanlata pag nakita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Mukang pinopormahan talaga ni troy ang bestfriend ko ah. Hindi ako papayag na mawala yung bestfriend ko sakin! I'll do the move, when I'm ready." sabi ko na naman sa sarili ko. Kinakausap ko na naman sarili ko. Nababaliw na ata talaga ako!

Ahhh basta! Alam ko na iwiwish ko.. Pag ready na ako.. Sasabihin ko na talaga kay Megan yung totoong nararamdaman ko. Hindi na ako matotorpe o maduduwag. Konting hintay lang, Kailangan ko pa ng konting lakas ng loob...

[Megan's POV]

Tapos na kami kumain ng ice cream at hanggang ngayon... di pa din ako makaget over sa ginawa ni troy sa akin. Gusto ko magsi sigaw kaso baka maturn off siya sa akin. Kaya pipigilin ko nalang tong nararamdaman ko..

Nakarating na din kami sa bahay.

"Thanks Megan! I Had fun." Sabi niya sa akin.

"Surething. Same here. :) Thank You din!" 

"Osige, Bye bye! Sa susunod ulit! :)"

Umalis na siya at tumakbo naman ako sa kwarto ko, Tumalon ako sa kama ko at biglang nagsisigaw.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH! Ansaya saya ko! WEEEEEEEEEEEEE! HOOOOOO! Ang Saya talaga. Wala pang pasko pero parang pasko na sa saya!!" Sigaw ko habang patalon talon sa kama ko. Ansaya talaga. Ang sarap sa pakiramdam.. Am I falling in love with him??

AHHH tatawagan ko na nga lang yung bestfriend ko para ibalita tong nangyari. Di ko kaya solohin eh. Baka mamatay ako sa kilig. HAHAHAHAHAHAH!

[Lucky's POV]

Nung makita ko sila, Nawalan ako ng gana. Di ko na inubos yung ice cream. umuwi na lang ako agad at humiga sa kama ko. Kumakain lang naman sila ng ice cream pero bakit sobrang affected ko yata? AIIIIISHHHHHHHHHH!

♫ Do you hear me,

I'm talking to you

Across the water across the deep blue ocean

Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams

I feel your whisper across the sea

I keep you with me in my heart

You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend

Lucky to have been where I have been

Lucky to be coming home again

Ooohh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh ♫

Oopppps! Hindi yan alarm. Ringtone ko yan. Hindi lang yan music ko sa cellphone no. Yan lang talaga yung gusto kong pakinggan. Ay tae! may tumatawag pala. Sinagot ko  naman..

"Bestfriend!" grabe makasigaw. Sakit sa tenga e. malamang sino pa ba yan. edi si megan. 

"O napatawag ka?"

"Bestfriend may kwento ako, WEEEEEEEEEE! ANSAYA SAYA! WOOOHOOOO!" sigaw pa rin siya ng sigaw.

"Eh ano ba yun? Tska pwede wag ka sumigaw? High pitch na naman yang boses mo. maririnig ko naman eh."

"Ay osige sorry sorry!"

"Oh ano na yung kwento mo?"

"Nag Date kami ni Troy. Actually Hindi naman niya talaga formally sinabi na date pero ganun na din yun! WEEEEEEEEEEEEEE!"

"Sus feeler ka naman. Di date yun." Sagot ko sa kanya.

"Date yun. O kahit hindi man, basta masaya ako! WOOOHOOOO!" 

"Nakita ko nga kayo eh. Sweet sweet niyo. Tss." Pabulong kong sinabi.

"ha!?" Sagot niya. Akala ko di niya ako narinig kasi sigaw siya ng sigaw. Pero narinig naman pala niya. Kakaiba talaga yun! pero buti di niya naintindihan. Pero ang totoo kasi nagseselos ako eh. Alam ko wala akong karapatan magselos.. Pero hindi naman siguro kasalanan ang umibig diba?

"Wala wala. Oh sige inaantok kasi ako eh. Tulog muna ako ah!" Inend ko na yung call. Di ko na kasi kaya na puro yun pinagkekwento niya eh..

Pero one thing's for sure, Sasabihin ko na talaga sa kanya itong nararamdaman ko...

before it's too late...

Lucky, I'm inlove with my Bestfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon