(Author's Note: Sana may mag fan naman sa story ko. PWAHAHAHAHA. pero salamat sa mga nagbabasa ha! Salamat talaga. :D Follow nyo ko sa twitter. @mewikitkat *SMILE!* )
[Megan's POV]
Haayyy! Back to School na naman. Tambak na naman ang gawain. Lalo na ngayon. 4th Quarter na. Tsk. Magiging busy na naman ako. Pero okay lang, Malapit na naman yung most awaited part ko this school year eh. One month na lang JS PROM na namin! WOOOOHOOOOO! First time ko to. Engrande kasi mag held ng JS PROM yung school namin eh. Nga pala, Napadalas yung paglabas at pagpasyal ko with troy.. and I think, I'm falling harder and harder for him each day.. Siguro naman makakapag hintay siya hanggang febuary diba? Sa JS PROM ko kasi siya plano sagutin eh. SHHHHH lang muna. Hindi pa to alam ng bestfriend ko. Ayoko munang sabihin sa kanya kasi, baka sabihin na naman niya pinagpapalit ko siya bilang bestfriend ko.
Pumasok ako sa room at saktong dumating din naman ang teacher namin..
"Welcome back class! So, Let's start the New year with an exciting announcement. We will be having your JS PROM few weeks from now. It will be on Febuary 1. We've discussed and decided to do it on that date so that our classes won't be interrupted and after the prom, We need to meet all the requirements. It will be the last activity for this school year and after that, We'll have your last exam. And by the way, The theme will be the same. Do I make things Clear?"
"Yes Ma'am!" Sabay sabay naming sagot. WOOAAAAA! nakakaexcite na talaga yung prom. masquerade nga pala yung theme. Yan naman kasi yung laging theme eh. It's too mainstream but what's important is the party.
As what I'm expecting, Naging busy pa din tong month na to. Akala ko may free time kami pero wala pala. Busy pa din. Buhay estudyante nga naman.. Madalang ko na makasabay si bestfriend. masyado kasing occupied eh. Kung walang meeting ang mga sacristan, Meron namang practice ng basketball. Adik yun sa basketball eh. Ewan ko ba. Pero nagkikita kami sa room. Kwentuhan saglit pero si Troy yung laging naghahatid sa akin, haay! I miss my bestfriend. Pero okay na din to.. Atleast nakakasama ko naman si Troy. :))))))))))
Ang bilis ng araw..
Malapit na Dumating na yung event na hinihintay naming lahat...
Woooohoooooooo!
Malapit na ang JS PROM!! WEEEEEEEEEEEEEEE!
The night before the Prom, I decided to talk to my mom.
"Mommy, Okay lang ba kung sagutin ko na si Troy?"
"Yung bang laging dumadalaw at naghahatid sayo anak?"
"Opo Mommy. Matagal ko na po sanang gustong sabihin kaso, Natatakot ako na baka di kayo pumayag." Nakinig lang yung mommy ko sa akin.
"Wag po kayo mag alala. Hindi ko po pababayaan studies ko. :) "
"Okay lang anak. pero ang totoo, Akala ko si Lucky talaga ang gusto mo. kasi siya lagi mong kasama. Siya laging tumutulong sayo. Akala ko siya talaga gusto mo anak. Yung troy pala." Medyo nagulat si mommy pero dapat naman hindi na masyado to think na lagi naman pumupunta dito si troy.
"Mommy, Bestfriend ko po si Lucky. At hindi po yun magbabago. Isa po siya sa importanteng tao sa buhay ko. kasama kayo."
"Osige anak, Just know your limitations. Ayoko man payagan ka pero I think I should accept the fact that my baby girl is growing up."
"Mommy naman! Di naman ako ikakasal no?! Magboboyfriend lang po ako. Inspiration lang yun mommy. Pero andito pa din ako. Ako pa din naman yung baby Girl nyo eh!"
"Okay anak. basta, Hwag mong hahayaang masaktan ka ha. Just be yourself. Bata ka pa. I enjoy mo lang yan."
"Okay mommy! I love you!" Sabay yakap kay mommy. kala ko di nya ako papayagan. Buti nalang naiintindihan niya ako. ANSAYA! :D
"I love you too, Anak."
Inayos ko lang yung gamit ko then natulog na. Excited na talaga ako sa Prom..
Sana makatulog ako ng maayos nito, I CAN'T WAIT! :D
![](https://img.wattpad.com/cover/1173289-288-k674086.jpg)
BINABASA MO ANG
Lucky, I'm inlove with my Bestfriend (ONGOING)
Teen FictionMadalas, Andyan na ung nararapat sa harap mo. Kaso di mo pa pinapansin. Tinatakbuhan mo pa nga minsan eh. Naghahanap ka pa ng iba. What if you missed the chance? What if, He's really the one for you and He is the one who can give you the real meanin...