A rainy morning.

56 0 1
                                    

(Author's Note: PWAHAHAHA. nakakatuwa naman kahit papano me nagtatyaga magbasa nitong story ko. Pasensya na ha. Newbie kasi eh. Pero tinatry ko naman yung best ko. Kahit hindi ako sweet na tao, I still try to put myself into my characters and somehow.. try to feel how they should feel. Basta, Salamat sa mga nagbabasa. Kahit walang kakwenta kwenta tong storya ko at kahit

[Megan's POV]

Haay! Last day na ng orientation namin bukas. 3 days lang kasi to e. at pinaghahanda na kami ng mga teachers sa sandamakmak na schoolworks. Which is considerable naman daw to think na 3rd year na kami 1 year na lang graduating na kami kaya asahan na daw talaga namin na babagyuhin kami ng mga projects at schoolworks. AY PAULIT ULIT? HAHAHAHAHA. Speaking of bagyo, May bagyo nga pala ngayon. Kaya hassle pumasok, pero may payong naman ako. Tska nag trike na din ako paglabas ng village. At habang naghihintay ng jeep, nakita ko ang bestfriend ko.. Si Lucky. Walang payong at basang basa ng ulan! sigurado akong siya yun.

"Hoy Lucky! Nasisiraan ka na ba? Tingnan mong ang lakas lakas ng ulan. Bumabagyo pa nga eh. tas ikaw tatayo tayo ka dyan. papakabasa ka. Baliw ka na ba? hindi ka nagdadala ng payong. Ang mura mura lang ng payong. kahit hindi ung uso ngayon na automatic basta magpayong ka. Kesa yung maglalakad ka sa ulan. Tingnan mo oh, Basang basa ka! pano ka papasok nyan!?"

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Relax. Nakakatamad kaya mag dala ng payong. dagdag bitbitin lang yun tska pambakla lang yun. HAHAHAHAHAHAHA. Para kang nanay."

"Grabe, May lakas ka pang tumawa at mang asar niyan ha. Dito ka, Sumukob ka sa payong. mag kasakit ka pa nyan eh!" sabay usod at naghati kami sa payong. halata namang nanginginig na siya eh. sa school na lang siguro to magpapatuyo.

Sumakay kami ng jeep papuntang school.

[Lucky's POV]

Ang aga aga ko gumising at naglakad pero badtrip! Biglang bumuhos yung ulan. Eh hindi naman ako mahilig magdala ng payong. di ko din naman kasi nakasanayan yun eh. AISHHHHH! magtitiis na nga lang ako. bahala na si batman superman wonderwoman ironman lastikman!

"Ay tae! bakit palakas ng palakas tong ulan? tska bakit antumal ng jeep. Grabe napakamalas ko naman ngayong araw." sabi ko sa sarili ko. kaso may biglang sumigaw.

"Hoy Lucky! Nasisiraan ka na ba? Tingnan mong ang lakas lakas ng ulan. Bumabagyo pa nga eh. tas ikaw tatayo tayo ka dyan. papakabasa ka. Baliw ka na ba? hindi ka nagdadala ng payong. Ang mura mura lang ng payong. kahit hindi ung uso ngayon na automatic basta magpayong ka. Kesa yung maglalakad ka sa ulan. Tingnan mo oh, Basang basa ka! pano ka papasok nyan!?" para siyang nanay na galit na galit na nagsasalita. nanginginig na ako sa ginaw pero nakakatawa talaga yung muka niya.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Relax. Nakakatamad kaya mag dala ng payong. dagdag bitbitin lang yun tska pambakla lang yun. HAHAHAHAHAHAHA. Para kang nanay."

"Grabe, May lakas ka pang tumawa at mang asar niyan ha. Dito ka, Sumukob ka sa payong. mag kasakit ka pa nyan eh!" napakabait talaga nitong babaeng to. kahit laging high pitch ung boses niya tska kahit muka siyang baliw at bata gumalaw.. eh concerned din pala to sakin. akala ko ako lang ang lihim na concerned sa kanya. AY BOTCHA! kung anu ano na naman ang sinasabi ko. malamang concerned yan. eh bestfriends kami eh. Yun lang ang iisipin mo lucky. Yun lang at wala nang iba. 

Sumakay na kami sa jeep.. papuntang school. 

(Author's Note: sa simula tska ending may author's note. Oi pasensya na sa mga typographical errors pati na rin sa grammar. PWAHAHAHAH. kung ano lang kasi lumalabas sa utak ko yun tinatype ko e. *SMILE!* )

Lucky, I'm inlove with my Bestfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon