His Feelings. :D

55 0 0
                                    

[Lucky's POV]

Pauwi na sana kami. kaso bigla na namang nag ayang kumain tong babaeng to. Hindi pa din niya makalimutan yung nangyari kanina habang naglalakad kami papunta sa malapit na fastfood chain.

"Lucky, Bakit di mo man lang ako kinalabit kanina. Nakakahiya. Para akong ewan kanina. T.T" himala hindi high pitch ung boses niya ngayon ah. Mukang nahiya talaga sa ginawa niya.

"Eh ano ka ba naman, kalabit kaya ako nang kalabit sayo hindi mo naman pinapansin. tska nakakatuwa ka panuorin eh. parang baliw. HAHAHAHAHAHAH!" kahit alam kong sobrang cute niya talaga pag nag dedaydream. kaso hindi ako ung taong iniisip nya. Oh crap! Like what did i just say? Kung ano ano na naman lumalabas sa bibig ko. tae naman o!

"Eh bat di ko man lang naramdaman?"

"Eh kasi naman ho, Ang lalim lalim ng iniisip mo. May facial expressions ka pa nga eh. HAHAHAHAHAHAHAH! ang funny talaga ng muka mo." heto na naman ako. Sa kanya lang ako tumatawa ng ganito kawagas. hindi ko alam kung bakit.

"Si troy lang naman kasi iniisip ko e. di ko lam na ganun na pala katagal. TSSS."

"Kung ako na lang kasi isipin mo." pabulong kong nasabi unintentionally. HA!? Baka gutom lang to.

"Ano sabi mo lucky?"

"Wala wala. tara, bilisan mo maglakad. Gutom na din ako e. Daldal mo kasi e."

Nakarating na kami sa kainan. Umorder kami at sabay na kumain. kaso di ko maiwasan na tingnan siya pag kumakain. Grabe, Ang takaw niya talaga. pero di naman halata. kasi ang payat payat niya. Bat kaya ganito to? Di kaya halimaw to? Alien? Pero ang cute namang alien nito. tapos pag tinitingnan ko siyang kumakain, Parang kahit di pa ako kumakain busog na ako agad. HA!? anudaw. bura bura. di ko sinabi yun. 

Lucky, Ano ba tong pinag iisip mo? Bestfriend mo siya anu ba! wag kang mag iisip ng mas matindi dun. alam mo namang patay na patay siya kay troy eh.. ARRGGHHHHHHHHHH! I really hate this feeling. Natapos na din kami kumain at umuwi na kami. habang ako, Kinakalaban ko padin yung utak ko. Kung ano ano kasi pinag iisip. tska bakit ganito na pakiramdam ko? Pag kasama ko siya, Feeling ko.. para akong tumakbo ng 10 times sa oval. Para akong sasabak sa quiz bee. Yung pakiramdam na meron kaming championship game. Bakit ganito? Ano na ba nangyayari sa akin? HAAY EWAN! baka magkakasakit lang ako or what. bukas wala na to.

Nakauwi na ako at pumasok ako sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at nakita ko yung panyong pinahiram ko sa kanya. Inamoy ko yun. Takte! Nababading naba ako? pero sa totoo lang, Kumapit kasi yung amoy ni Megan sa panyo ko eh. baka nilagyan na din siguro niya ng pabango niya. Amoy raspberry! Naglaro na lang ako ng Wii kasi wala na talaga ako magawa.

"ARRRRRRRRRRRRRGHHHHH!" Sabay bato ko sa hawak ko. naglalaro na ako pero ayaw pa rin niya mawala sa isip ko. Bakit ganito? Nakakainis na ah!

Lucky, I'm inlove with my Bestfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon