[Megan's POV]
Last Day na ng simbang Gabi. At yehey! Nakumpleto namin ng bestfriend ko yung 9 days. Magwiwish na kami. Lumuhod kami, Pumikit at nagsimulang magdasal. Tatlo yung winish ko. Okay lang naman siguro yun no? HEEEEHEEE. tatlo lang naman ehhh! nang matapos ko nang ibulong ang wish ko..
Dumilat na ako,
"UY UY! Ano winish mo?" Tanong ko kay bestfriend.
"PSHH! Secret. Wish ko yun eh." Pagmamasungit niya sa akin.
"HMP! Damot mo naman.. Basta ako, tatlo yung winish ko! :p"
"Tatlo? ano ano naman yun?" Bigla ata syang nacurious.
"Una. Sana laging masaya ang family namin. Okay lang kahit may problema.. basta malalampasan namin."
"Pangalawa, Sana forever tayong bestfriend." Nakita ko namang ngumiti siya nung sinabi ko yun..
at
"Pangatlo, Sana maging kami ni Troy.. Hindi naman siguro masamang mainlove diba? Pero kung love na nga talaga to, Sana magkatuluyan kami. :) "
Parang nadisappoint ata siya sa panghuli kong wish.
"AHHHHHHHHHHHH." Yan lang ang sagot niya sa akin..
"Oi pasko na bukas ah! Aalis ulit kayo?" Tanong ko sa kanya.
"Ah oo eh, babalik kami sa New Year na." As usual, Aalis na naman ung Family ni Lucky. Bumabalik sila pag malapit na mag end yung christmas vacation.
"Ah ganon? Osige Pasalubong ko ha! HAHAHAHA!"
"Tara kaen tayo." Yaya niya sa akin.
"Himala ata ikaw nag aya kumaen ngayon? Libre mo!?"
"Oo na. Sige, Matahimik ka lang!"
"YEHEY!"
Kumain nga kami at hinatid na niya ako sa bahay.
"Bye ingat sa byahe! Enjoy! Pasalubong ko ha!"
"Okay. Sige."
[Lucky's POV]
Habang naglalakad ako pauwi... pumasok isip ko yung wishes ni Megan.
"ANDAYA!" bigla ko nalang narinig na sinabi ko. Gara niya. Tatlo yung wish niya tapos ako isa lang. Okay na sana na forever kaming bestfriends eh. kaso umepal pa yung troy na yun sa wish niya. Bakit ba patay na patay siya dun? Samantalang ako.. iisa lang yung wish ko..
Sana mahalin din ako ni Megan, Hindi lang para sa isang bestfriend.. Pero sana mahalin niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya...
Oo na! Matagal ko nang inamin sa sarili ko na I'm really inlove with my bestfriend..
BINABASA MO ANG
Lucky, I'm inlove with my Bestfriend (ONGOING)
Teen FictionMadalas, Andyan na ung nararapat sa harap mo. Kaso di mo pa pinapansin. Tinatakbuhan mo pa nga minsan eh. Naghahanap ka pa ng iba. What if you missed the chance? What if, He's really the one for you and He is the one who can give you the real meanin...