Ice Cream :)

82 1 0
                                    

[Lucky's POV]

Haaynako. Nakakainis talaga. Bakit ba kailangan niya akong pilitin na mag hello dun sa mga babaeng yun. Eh sa ayaw ko nga mag hello sa kanila eh. Nga pala, Ako si Lucky. 3rd year highschool din malamang kasi classmate ako ni Megan. Bestfriend ko siya since 1st year. Matalino, Mabait, Hindi siya ganon kagandang babae, Pero Madami pa ding nagkakagusto sa kanya. Ang cute niya kasi tsaka ang strong ng personality niya. Makulit siya in a natural way. Basta magulo yung babaeng yun. Kakaiba siya. One of a kind kumbaga. At for sure, Lahat magugustuhan yung ugali niyang yun. Magaling kasi siya makisama eh. Kahit muka siyang maarte at masungit, Once na makilala mo siya.. magbabago impression mo sa kanya. Siya nga lang nagtatyaga sa ugali ko eh. Tama siya, Snob at masungit nga ako. Pero minsan maharot at makulit ako like a typical high school student. At tuwing kasama ko si Megan, Doon lumalabas yung totoong ako. I feel so comfortable when I'm with her. She accepts me, the way I am. Considering my flaws and weaknesses. But only as a FRIEND, or I can say.. As A BESTFRIEND. No More. No less.

Nung makarating kami sa classroom. Bigla nya ako kinausap.

"Bestfriend! Galit ka ba?" Actually naiinis talaga ako sa kanya dahil lagi na lang niya ako pinipilit na pansinin yung mga babae na nag ha hi sakin. 

Biglang dumating yung teacher namin at nagsimula yung orientation. Half day lang so maaga din kami nadismiss.

Inaya niya ako sa Ice cream parlor. Kakaiba din kasi tong bestfriend ko eh. Parang Buntis na di mo maintindihan pag nag ke crave. gagawin at gagawin lahat para lang makain yung gustong kainin. At heto naman ako, Di ko siya matiis. HAAYYYYY LUCKY!

"Ate, Bubblegum ice cream nga po. Palagyan na din po ng caramel syrup tska po palagyan toppings. yung nips po." TSSSS ang weirdo talaga ng taste nitong babaeng to.

"Kakaiba din taste mo sa pagkain eno?" Sabi ko sa kanya

"Masarap kaya. Try mo din to!"

"Ayoko. Mukang di masarap eh."

"Sige na, Tatry mo lang naman. Treat ko. :) " At as always. di ko na naman siya natiis. Nalaman ko din nga palang ang sarap pala nung favorite ice cream niya. Muka lang hindi pero ang sarap pala. Naglakad kami papuntang park habang kinakain ung ice cream. Umupo muna kami siguro napagod na din siya kakakain. Tska maaga pa naman.

"Hoy ayusin mo nga pagkain mo. Kababae mong tao ganyan ka kumain." Paano ba naman kasi. napakakulit kumain ng ice cream eh. andungis. Kala mo naman bata.

"Ay sorry naman! sarap kasi eh! HAHAHAH!" Sabay kapa niya sa bulsa niya. kaso pansin ko kapa siya ng kapa wala naman siyang makuha. Kaya inabot ko nalang sa kanya yung panyo ko. Kesa naman ganoon yung itsura niya. Parang ewan lang. Nakakatawa talaga siya pag ganito.

"Oh eto panyo. Punasan mo lang yang muka mo."

"HAHAHAHAH! Salamat ah. nakalimutan ko yung panyo ko. nagmamadali kasi ako kaninang umaga eh."

"Osya sabay na tayong umuwi." Lagi namang ganun kasi malapit lang yung bahay namin sa isa't isa. Nag jeep kami tapos naglakad papunta sa bahay nila.

"BYE BYE! bukas na lang isosoli tong panyo mo. Salamat bestfriend!" Habang winewave nya yung kamay niya. ang cute niya talaga. >.<

"GE" Yan lang lagi kong sagot sa kanya. pero deep inside, Natutuwa talaga ako pag lagi ko siyang kasama. Kahit sa simpleng paglakad lang, Pagbili ng ice cream. kakaiba yung feeling eh. Di ko maintindihan.

Pagpasok ko sa bahay. SInalubong ako ng mommy ko.

"Oh, Lucky anak. How's school?"

"Okay lang Ma. As usual kaklase ko pa din naman si Megan kaya ayun. Hindi naman nakakapanibago. Parang normal na araw lang naman."

"Mabuti naman anak. Wag ka nga pa lang mahihiyang magkwento sa akin ha." Hindi ko alam bakit bigla niyang sinabi yun.

"Sige, Ma. Papahinga muna ako." Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko...

Lucky, I'm inlove with my Bestfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon