Bike. :D

76 1 0
                                    

(Author's Note: Umpisa pa lang to ng Story medyo maiikli pa updates. Di pa kasi to yung mga exciting parts ng story. Matagal pa yun. PWAHAHAHAHA. Sa ngayon tig wa 1 page muna ah. Kasi, Yun yon. Basta paread na lang hanggang sa dulo. :))))) SMILE!)

[Megan's POV]

nakarating na din ako sa bahay namin. Dala dala ko pa din yung panyo ni Lucky. Pano ba naman kasi naiwan ko yung panyo ko kanina dahil sa pagmamadali. Pumasok na ako sa bahay.

"Anak, Andyan ka na pala. Nakita ko nga pala si Lucky. Kaklase mo ulit siya?"

"Opo, Ma."

"Mabuti naman. Kaso parang ang sungit sungit naman ng bestfriend mo anak."

"Masungit talaga siya Ma. Pero ganun talaga ugali niya. May mabait na side din yan. Ayaw niya lang ipakita sa iba."

"Osya, Kumain ka muna ng meryenda. Ay mamaya nga pala, Pabili naman ako ng kelangan kong ingredients para sa ulam natin mamaya."

"Sure Ma. Kain lang ako tska Pahinga lang ako saglit." 

Nasa abroad Daddy ko. May Kuya naman ako kaso nasa Manila siya nag aaral. Minsan lang siya umuuwi. Pag weekends.. pero di lagi. Pag di lang siya busy. Dahil doon dalawa lang kami sa bahay. Pagkatapos ko magpahinga. Lumabas na ako para bilhin yung inutos ni mommy. nag bike na lang ako kahit di ako masyadong marunong. Kasi naman noong bata ako di naman ako pinapayagan mag bike eh. Kaso ngayon tinatamad talaga ako maglakad. Pagewang gewang akong nagbabike. Hindi kasi talaga ako masyadong sanay. ANG KULIT. HAHAHAHA. pero tinatry ko talaga. kaso di inaasahan, Sumemplang ako...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" may narinig akong tumatawa sa likod.

"Ano ba naman yan. Magbabike na lang." Narinig kong sabi niya at nakita ko si Lucky pala. Loko talaga yun. Imbes na tulungan ako eh pinagtawanan pa ako. Nakakainis! Bat ba di ako matuto tuto mag bike nang maayos.

"Tumayo ka nga dyan. Para kang ewan eh. Bat ka ba nasa labas?" Tanong niya sa akin.

"Eh may inutos kasi si Mommy sakin eh. May bibilhin ako dun sa may mini grocery sa malapit."

"Otara na nga! i aangkas na lang kita. mamaya mabalian ka pa ng buto. Buto't balat ka na nga lang eh. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" pang aasar nya sa akin.

Hayyy sana nakikita din ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya ang ugaling to ni Lucky. madalas masungit pero minsan me toyo din to eh. Di mo maintindihan kung bipolar ba o ganito lang talaga.. Me sayad. HAHAHAHAHAH!

"Sus. Wag ka na nga mang asar. Tulungan mo na lang ako. Dumidilim na. kelangan ko na bumili nito."

Inangkas niya nga ako. Hinintay na niya din ako bumili at hinatid sa bahay. Medyo ginabi kami pero ayos lang naman daw dahil wala pa naman kaming mga homework. Dumating na din kami sa bahay sa wakas! HOOOOOO!

"Megan andyan ka na pala. Tagal mo naman dumating." bati sa akin ng mama ko. at si Lucky naman ay nagmano sa mama ko.

"Lucky andyan ka din pala."

"Eh opo.  Sumemplang po kasi itong si Megan kaya sinamahan ko na po siyang bumili hanggang bumalik dito."

"Nako, Lucky. Buti na lang at nandyan ka. Lampa kasi talaga yang si Megan eh. Ang tapang tapang mag bike hindi naman sanay."

"Mommy naman! TSSS!"

"Osya Lucky dito ka na mag dinner." Aya ng mommy ko.

"Tita wag na po. baka hinahanap na din po pala ako ni mommy at daddy sa bahay. Mag ga gabi na kasi."

"osige salamat ulit ha!"

Umalis si Lucky at pinagsabihan ako ng mommy ko.

"Buti na lang at may bestfriend kang tumutulong sayo anak."

"haaynako, Mommy may kasama namang pang aasar yung pagtulong nun no!"

"basta, Pasalamat ka na lang anak at may kaibigan kang andyan para sayo."

"oo na po mommy."

Nang matapos kami kumain, naglinis na lang ako ng katawan ko. Tinext ko din si Lucky. at after nun, natulog na ako dahil may pasok na naman bukas.

To: Lucky

Oy bestfriend thank you wa!

-sent

Lucky, I'm inlove with my Bestfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon