Chapter 4

104 11 0
                                    

TIDE

Hindi ko yata makakalimutan 'yung mukha ni Axion nang ilagay ko 'yung kamay niya sa dibdib ko. Aba, dapat maging proud siya dahil siya ang kauna-unahang tao na nakahawak nito, 'no. Mukha naman kasi siyang bading at hindi namamantala ng kapwa kapag may pagkakataon kaya ko 'yon ginawa. At tama naman ako. Gulat na gulat pa nga siya at mukhang hindi makapaniwala, eh.

Ang mas lalong nakakatuwa, 'yung ano niya ay nagalit! Grabe, nakakapanakit tiyan talaga 'tong pinsan ni Hertzler. Nang dahil sa pinsan niya, nakalimutan ko 'yung mga taong sumira ng araw ko kanina sa grocery. Ayos rin siya, eh.

Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan kaya minulat ko na 'yung mata ko at tinanggal ko ang earphone sa tainga ko. Umayos ako ng upo dahil masakit na ang p'wet ko dahil sa tagal ng pagkaka-upo nito. Ang tagal ng biyahe.

Nakita kong nasa gas station kami. Nilibot ko naman ang mata ko sa loob ng van at lahat sila ay may hawak na chichirya, pwera lang kay Axion na natutulog sa tabi ko. Pinagmasdan ko siyang natutulog.

Humawak ako sa baba ko habang sinisipat 'yung katawan niya. Payat siya pero hindi naman sobra na hahantong na sa kabutuhan. Makapal 'yung kilay niya, parang ayos na ayos ng isang magaling kumilay. Inilapit ko 'yung mukha ko sa mukha niya at nakita ko na ang haba ng pilik mata niya. Aba, kinabog ang eye lashes ko.

Katamtaman ang tangos ng ilong niya at may medyo mapupulang labi siya. Napanguso ako at napatango. Sabi na nga ba may itsura talaga ang lalaking ito kahit kayumanggi ang kulay. Pinoy na pinoy 'to.

Napatigil lang ako sa ginagawa ko nang magsalita si Hertzler.

"Tide, hahalikan mo ba ang pinsan ko?" Tumingin ako sa kanya at nakaharap siya sa amin.

Ngumisi ako at umayos na ng upo nang umandar na ulit 'yung sasakyan.

"Malapit na tayo, guys!" Paalala ni Mason sa aming lahat.

"Hindi ko siya type. Ilang taon na ba 'to?" Turo ko kay Axion.

Napangisi si Hertzler sa sagot ko sa tanong niya bago siya umayos ng pagkaka-upo. Nilingon niya muli ako habang nakataas ang kilay.

"Mag na-19."

Siguro grade 12 na rin 'to sa pasukan. Grade 12 na rin ako pero 17 years old pa lang ako at magd-debut na ako sa buwang ito. Abril ngayon.

Napatingin ulit ako kay Axion at napangisi ako nang may maisip na naman akong kalokohan. Ang sarap niya kasing pagtripan. Sa halip na 'yung nantrip ang humingi ng tawad, siya pa ang nags-sorry. Lakas ng tama, eh, akala mo nakahithit ng katol.

Kinuha ko 'yung kaliwa niyang braso at inilagay ko iyon sa akin. Tumabi ako sa kanya at ginawa kong nakaakbay siya sa akin. Tumawa ako nang mahina at yinakap ko 'yung baywang niya at siniksik ko ang mukha ko sa kili-kili niya.

Mabango ang kili-kili niya, ah. Nakakaadik 'yung amoy.

Lumipas ang minuto at nanatili kaming ganoon ang pwesto hanggang sa huminto na ang sasakyan at sinabi ni Mason na nandito na kami.

Napalingon silang lahat sa amin ni Axion na may gulat sa mukha.

"Anong eksena 'yan?" Natatawang tanong ni Kayrra.

"Tide, akin si Axion!" Pagmamaktol ni Alec.

Tumingin sa akin si Hertzler at napailing siya habang nakangiti. Hinila na ni Hertzler si Alec palabas ng van kahit pa nagwawala na ito. Lahat naman sila ay nginitian ko lang na ikina-iling lang nila.

Nilapit ko 'yung bibig ko sa tainga ni Axion at bumulong.

"Tol, nandito na tayo. Baka gusto mo na akong pakawalan?"
Unti-unti siyang napadilat at nang nagtama ang mata namin ay napabalikwas siya sa kinauupuan niya at ako naman ay abot ang tawa dahil sa nakakatawa niyang itsura.

Dance And Dance Until I Die (Dance Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon