TIDE
Sobrang weird na ni Axion, lintek. Simula nang kurutin ko ang pisngi niya, hindi na niya ako kinausap at panay pa ang pamumula ng kanyang tainga o kaya ng buong mukha niya. Hinipo ko kanina ang noo niya pero wala naman siyang lagnat para pamulahan nang gano’n. At nang hipuin ko ang noo niya, sobrang bilis niyang iniwas ‘yon pero mas mabilis ako sa kanya kaya nahipo ko ang noo niya.
Habang naglalakad pabalik sa cool place ay napatingin ako kay Axion na tahimik na naglalakad sa tabi ko. Sunod naman akong napatingin sa pagitan naming dalawa.
“Hoy, tol, ano bang problema mo at layo ka nang layo? Wala naman akong virus!” Singhal ko na ikinagulat niya. Para siyang nakakita ng multo kung magulat.
Napangiwi ako at inis siyang inilingan.
“Para kang tanga. Bwisit,” aniko sabay lakad nang mabilis para iwanan siya.
Nakakabwisit talaga ‘tong payatot na ‘to! Hindi ko malaman ang daloy ng ugali niya. Kanina lang ay katawanan ko siya sa resto tapos ngayon ay tumahimik siya at panay pa ang layo sa akin. Bahala siya sa buhay niya. Gawin niya kung ano ang gusto niya!
“Asul, sandali!” Dinig kong sigaw ni Axion na nasa likuran ko.
Hindi ako huminto at nagpatuloy ako sa pagpasok sa building. Bawat nakakasalubong kong tao ay sinasabihan ako ng ‘goodluck’. Hindi ko sila magawang ngitian dahil badtrip ako kaya bahala sila.
Nang makapasok ako sa loob ng building ay nanaig sa tainga ko ang hiyawan ng mga tao. Bumubulag na sa bawat tao rito ang makukulay na ilaw na paikot-ikot sa buong building. Ang musikang bumibingi naman ay patuloy ang pagtutog na kasabayan ang hiyawan ng mga taong nakapaligid.
Tumunog ang microphone, hudyat na magsasalita na ang may hawak nito.
“Magandang gabi sa inyong lahat!” Magiliw na bati ng mc.
Kaagad kong hinanap sa dagat ng tao sina Hertzler, Kayrra, Godwin, Mason, Patterson, at Alec. Nahanap ko naman sila sa pinakaunahang bahagi na malapit lang sa entablado.
“Sa wakas ay nandito ka na!” Bungad kaagad sa akin ni Kayrra nang makita niya akong palapit sa kanila.
Agad naman akong inakbayan ni Godwin.
“Kanina pa kami kating-kati na makita kang humataw!” Nakangiting sinabi ni Godwin.
“Kaya nga! Excited na kaming makita ang panlalampaso mo sa mga dayo!” Singit naman ni Mason.
Napangiti ako at unti-unting naiiibsan ang kabadtrip-an ko. Basta talaga tungkol sa pagsasayaw ang usapan, nawawala ang kabadtrip-an ko.
Napangiti ako sa kanilang lahat saka bumulong kahit malakas ang tugtog sa paligid.
“Gusto ko na kaagad sumayaw…” bulong ko na ikinangiti rin nila.
“‘Wag mong solohin ang excitement, Tide,” nakangiting sabi ni Hertzler saka pumunta sa pinakagitna sa entablado habang hawak ang microphone. “Dahil lahat kami rito, mas excited pa sa ’yo!” Anito sa microphone na hawak, dahilan para maghiyawan ulit ang mga tao.
“Dahil excited na tayong lahat dahil makikita na ulit nating humataw ang prinsesa, bakit hindi pa natin simulan?” Panimula ni Hertzler kaya naghiyawan ulit ang mga tao.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid saka ako napangiti nang matipid.
“Kailan?” Bulong ko habang nakatingala at nakatingin sa kalangitang pinalilibutan ng mga bituin.
Kailan, Kuya?
Napabuntong hininga ako bago tinuon ang pansin kay Hertzler na dumadaldal sa harapan.
BINABASA MO ANG
Dance And Dance Until I Die (Dance Series#1)
Roman d'amourSi Tide ang klasing mananayaw na walang urungan kung sayawan ang labanan. Siya ang mananayaw na kahit hingal na talaga nang bongga, tuloy pa rin! Tuloy pa rin ang paghataw dahil iyon talaga ang kanyang kagustuhan. Iyon talaga ang tinitibok ng kanyan...
