AXION
Humawak ako sa tuhod ko habang hinihingal. Grabe! Nakakatakot naman 'yung Kuya ni Tide. Akala ko ay kakainin ako dahil itinakbo ko na naman si Tide sa kanila.
Tumayo ako nang maayos at pinunasan ko 'yung mukha kong namamawis gamit ang likod ng palad ko. Pero natigil ako sa pagpupunas ng pawis nang mapatingin ako kay Tide na nakatalikod sa akin. Hawak-hawak niya 'yung dibdib niyang taas-baba. Para siyang hinihingal nang sobra-sobra.
Bigla akong nataranta, lalo na nang humarap siya sa akin at namumutla pa ang kanyang labi. Lalapitan ko na sana siya para tanungin kung ayos lang ba siya nang mahinto ako dahil kaagad ng pumunta sa kanya si Godwin na may bitbit na tubig.
Nagbulungan silang dalawa na ikinanguso ko.
Ano kayang pinagbubulungan ng dalawang 'yon? Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanilang dalawa at lumayo ako nang kaunti sa kanila.
Hinawakan ko nang mahigpit ang bibit kong mga paper bags at pinuntahan ko si Ashlon na akay-akay ni Hertzler.
"Muntik na tayong abutan!" Malutong na sigaw ni Mason habang tumitingin sa paligid.
"Uwi na tayo, guys! Baka bigla tayong makita rito," suhestiyon naman ni Kayrra na sinang-ayunan namin.
Ayokong mahuli ng Kuya ni Tide. Nakakatakot siya at halatang-halata na napakaseryoso niyang tao.
Hinawakan ko ang kamay ni Ashlon at nagsimula na kaming maglakad. Kasabay lang namin ni Ashlon si Hertzler.
"Ashlon, nag-enjoy ka ba?" Mahinang tanong ni Hertzler kay Ashlon.
Tumingala sa kanya ito at nakangiting tumango.
"Opo! Super thankful din po ako kay Ate Blue dahil inilibre niya po ako sa malaking mall!" Ngiting-ngiting sagot ni Ashlon.
Sabay namang napakunot ang noo namin ni Hertzler.
"Ate Blue? Sino 'yon?" Tanong ni Hertzler.
"Si Ate Tide po."
Napatingin ako kay Tide na naglalakad. Nakaakbay sa kanya si Godwin at nagbubulungan sila saka nagtatawanan. May pagkakataon pang sinusuntok ni Tide si Godwin sa braso habang tumatawa nang malakas.
"Ehem. Malusaw. Ehem." Gulat naman akong napatingin kay Hertzler nang bumulong ito sa akin.
"Ha? Sino?" Pa-inosente kong tanong na ikinatawa niya.
"Sus. Pa-inosente pa," aniya sabay akbay sa akin.
"Tol, alam kong may kinukumpirma ka," natutuwa niyang bulong.
Insan, nakumpirma ko na. Kanina lang.
Umiwas ako sa kanya ng tingin at inialis ko 'yung pagkakaakbay niya sa akin. Mas pinili kong ibahin na lang ang usapan namin, kaysa naman mapunta pa sa mas malalim na bagay.
"Bakit gustung-gusto na i-uwi ng pamilya ni Tide si Tide sa mansion nila? Hindi naman siya nag-iisang anak, 'di ba?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Tama, hindi siya nag-iisang kaya hindi rin namin alam kung bakit galit na galit sila kapag umaalis si Tide. Baka dahil na rin siguro bunso si Tide. Babae pa."
BINABASA MO ANG
Dance And Dance Until I Die (Dance Series#1)
RomanceSi Tide ang klasing mananayaw na walang urungan kung sayawan ang labanan. Siya ang mananayaw na kahit hingal na talaga nang bongga, tuloy pa rin! Tuloy pa rin ang paghataw dahil iyon talaga ang kanyang kagustuhan. Iyon talaga ang tinitibok ng kanyan...
