TIDE
Napatitig ako sa repleksyon ko sa salaming kita ang aking mukha hanggang paa. Hinawi patagilid ng aking Mommy Reyna ang kulay asul kong buhok na nakatirintas.
Araw ko ngayon.
Kahapon bago umuwi rito sa bahay ay inaya ko muna si Godwin para masamahan ako magpakulay ng aking buhok. Gusto ko ng bagong itsura. Syempre para malaglag 'yung panga nila sa ganda ko.
''Tide, taas noo. Okay?'' Bulong ni Mommy Reyna.
Humarap ako sa kanya at ngumuso.
''Mommy Reyna, kailangan pa ba kasi nang magarbong party? Pwede naman 'yung tayu-tayo na lang.''
Bakit kasi kailangan pa ng madaming tao? Hindi ko rin naman sila mga kilala. Mga pampasikip lang sila rito, eh.
Sinamaan ako ni Mommy Reyna ng tingin. ''Tide, it's your 18th birthday! Kailangan ay magarbo!''
Napairap na lang ako. Yeah. Yeah.
Nang lumipas ang ilang minuto ay nagpaalam na si Mommy Reyna sa akin dahil aasikasuhin daw muna niya 'yung mga bisita hangga't hindi pa nagsisimula ang party.
Napatingin ako sa cell phone kong nakapatong sa lamesa nang tumunog ito. Kinuha ko iyon at sinagot.
"Tide, hindi mo naman sinabi na maraming tao at sobrang magarbo!" Napapikit ako dahil sa lakas ng boses ni Mason sa kabilang linya.
"Ano pa ba aasahan ninyo kina Mommy at Daddy? Parang hindi na kayo nasanay!" Sigaw ko pabalik.
"Pero kasi Tide, pinagtitinginan nila kaming lahat! Alam naman naming gwapo kami pero nakakailang kaya nang kaunti!"
Tumawa ako nang mahina sa sinabi niya. Kung nakikita ko lang sila, baka tumawa na ako nang malakas dahil sa mga pangit nilang mukha. Natigil naman ako sa pagtawa nang bumukas 'yung pinto ng kwarto.
"Miss Tide, magsisimula na po ang party," sabi ng isang kasambahay. Tumango ako sa kanya at sinabing bababa na ako.
Nagpaalam na ako kay Mason.
H
uminga ako nang malalim at tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin. Kung ano man ang gawin ko ngayon, sana ay mapatawad ako ng mga magulang kong KJ. Alam kong kalusugan ko lang ang iniisip nila pero dahil cool ako, may gagawin akong kababalaghan mamaya.
Gusto ko lang maging malaya. Magkaroon ng kalayaang gawin ang mga kagustuhan ko sa buhay.
Sana mapatawad nila akong lahat, lalung-lalo na si Axion. Kumusta na kaya 'yung payatot na 'yon? Tanga pa rin ba siya? Ini-stress talaga ako ng payatot na 'yon. Pinagtumbling ko pero katangahan naman 'yung ginawa niya. 'Yung totoo?
Pupunta kaya siya? Nakita niya kaya 'yung invitation card na inipit ko sa bulsa niya? Ano kaya 'yung suot ng lalaking 'yon? Baka naman nakabarong ang payatot na 'yon? Naku, mabebetlogan ko talaga siya!
Huminga muli ako nang malalim at pinasadahan ko ng aking mata ang aking buhok.
Ang ganda ko talaga.
AXION
Nakarating na ako sa address na nakita ko sa invitation card ni Tide pero hanep! Hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok o umuwi na lang? Tutuloy pa ba ako o uuwi na lang?
BINABASA MO ANG
Dance And Dance Until I Die (Dance Series#1)
RomanceSi Tide ang klasing mananayaw na walang urungan kung sayawan ang labanan. Siya ang mananayaw na kahit hingal na talaga nang bongga, tuloy pa rin! Tuloy pa rin ang paghataw dahil iyon talaga ang kanyang kagustuhan. Iyon talaga ang tinitibok ng kanyan...
