AXION
Habang kumakain sa hapag ng umagahan ay patingin-tingin ako kay Tide na nakangisi. Napaiwas ako ng tingin at napapikit nang mariin.
Naalala ko na naman kasi 'yung ginawa niya sa akin kaninang umaga! Nagising na lang ako, nakayakap siya sa akin at inaamoy-amoy pa ang kili-kili ko. Nakakailang kaya 'yung ginawa niya!
Tapos nakashorts pa siya at sando, edi mas nakakailang! Pero ngayon naman ay hindi na shorts ni Ashlon 'yung suot niya. Shorts ko na.
"Ramulo, aalis na ako, ah? Bantayan mong maiigi si Ashlon. Saka 'yung bisita mo, pagsilbihan mo, ha?" Bilin ni Nanay. Humalik muna siya kay Ashlon bago umalis ng bahay. Pupunta na kasi siya sa trabaho niya. Ang trabaho lang niya ay ang pagiging katulong sa ibang bahay.
"Hoy, Ramulo!" Narinig kong tawag ni Tide pero hindi ko siya pinansin bagkus ay pumunta ako kay Ashlon at binuhat ko siya at inilagay sa sofa sa sala. Binuksan ko 'yung T.V at inilagay ko sa channel na cartoon network.
"Ramulo!" Sigaw niya na naman pero hindi ko ulit siya pinansin.
Iniligpit ko ang mga pinggan na nasa lamesa at inilagay ko iyon sa lababo para hugasan.
Nagsimula akong maghugas ng pinggan. Habang naghuhugas ng mga pinggan ay nahulog ang sinasabon kong baso nang may tumamang bagay sa ulo ko.
"Dati mahiyain, ngayon snobber na! Ang bilis mo namang magbago, tol." Lumingon ako kay Tide at sinamaan siya ng tingin.
"Hindi mo ba nakikitang naghuhugas ako ng mga pinggan, ha?"
"Luh, hindi na siya snobber, sarcastic na siya, oh. Para sa kaalaman mo, Ramulo, may mga mata ako kaya malamang ay nakikita ko," nakahalukipkip niyang sabi at inirapan pa ako.
"'Wag mo nga akong tawaging Ramulo," inis kong reklamo sa kanya. Tinalikuran ko na siya at nagsimula ulit maghugas ng pinggan.
"Bakit? Ang cute nga ng pangalan mong Ramulo, eh," natatawa niyang sabi kaya napairap ako.
Hindi ko na ulit siya pinansin hanggang sa matapos ako sa paghuhugas. Nagpunas ako sa basahan na nakasabit sa ref namin at pinuntahan ko na sa sala si Ashlon pero laking gulat ko nang makita kong nagtatawanan sila ni Tide.
"Tol, totoo? Wala pang nagiging girlfriend 'yang kuya mong payatot?" Tumatawang tanong ni Tide na ikinakunot ng noo ko.
Ano bang pinagtatawanan nila? Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"Opo! Alam mo po ba, kaya po wala pa siyang girlfriend dahil never po siyang tumingin sa iba!" Ngiting-ngiti namang tugon ni Ashlon.
Kinagat ko ang loob ng pisngi ko at tinaasan ko ng kilay ang dalawang pinapanood. Kung titignan kong mabuti si Ashlon, ang kanyang mga mata ay parang nagniningning habang nakatingin kay Tide na tumatawa. Gusto niya ba si Tide?
"Bakit naman?"
"Kasi po ay kay Kim Domingo lang daw po siya! Alam mo po ba, kinwento niya sa akin kung gaano niya kagusto si Kim Domingo!" Nanlaki ang mata ko at napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi ni Ashlon.
Sandali! Kinikwento niya ba kay Tide 'yung tungkol kay Kim Domingo?
Napatingin ako kay Tide na malaki ang ngisi.
BINABASA MO ANG
Dance And Dance Until I Die (Dance Series#1)
RomanceSi Tide ang klasing mananayaw na walang urungan kung sayawan ang labanan. Siya ang mananayaw na kahit hingal na talaga nang bongga, tuloy pa rin! Tuloy pa rin ang paghataw dahil iyon talaga ang kanyang kagustuhan. Iyon talaga ang tinitibok ng kanyan...