Chapter 7

91 10 8
                                    

AXION

"Tide, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin ulit ako sa mga kasama ko na sumasakay sa motorsiklo. Nagulat na lang ako kaninang umaga nang gisingin nila ako at may pupuntahan daw kami. Hindi naman nila sa akin sinabi kung saan kaya wala akong kaide-ideya kung saan ang punta namin.

Tumingin siya sa akin, tinaas niya ang kamay niya at bumuo ito ng rock and roll.

"Magr-rock tayo sa kapaligiran," nakangisi niyang sagot kaya napalunok ako.

Tinignan ko silang lahat at mukhang galak na galak sila.

Ano na naman ang plano ng mga 'to?

Napatalon ako sa gulat nang biglang inakbayan ako ni Insan.

"Kahit anong mangyari, 'wag na 'wag kang hihingi ng sorry sa mga kababayan," nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Napakunot ang noo ko. Magtatanong pa lang sana ako kaso napatigil ako nang hampasin niya ang likod ko kaya napa-ubo ako.

"Ang hina mo naman," maikling puna naman sa akin ni Tide.

Napakapa ako sa bulsa ko nang magvibrate ang phone ko. Tinignan ko ito at may text ako galing kay Nanay kaya medyo nataranta ako. Paano na lang kung kailangan nila ako ro'n?

Binuksan ko ang text message ni Nanay at napahinga naman ako nang maluwag dahil sa nabasa.

From: Nanay

Nak musta na u dyan? Musta bakasyun nyu ni hertzler?

Kumusta nga ba ang bakasyon na 'to? Bakasyon nga ba 'to? Napatingin naman ako kay Tide nang bigla niyang inagaw 'yung cell phone ko.

"Hoy! Akin na 'yan!" Sigaw ko sa kanya habang inagaw-agaw ko 'yung phone ko.

Tumalikod siya sa akin at napakunot ang noo ko.

"H-Hoy, anong tinatype mo? Nanay ko 'yan, hindi 'yan thug life na katulad mo kaya 'wag kang magsasabi ng kung anu-ano riyan!" Sabay agaw ko ng cell phone sa kanya. Nang magtagumpay ako sa pag-agaw ay nalaglag naman ang panga ko dahil sa ginawa ni Tide.

To: Nanay

Nhay aus lanq NmAN aku d2. Kau kaMusta Na dyaN? HeHe ...

Napapikit ako nang mariin dahil sa nabasa ko at dahil na rin sa malakas na tawa ni Tide.

"Hitsura mo, tol!" Napahawak pa si Tide sa t'yan niya. Lumapit siya sa akin at tinapik ang likod ko.

Napatingin ulit ako sa phone ko nang magreply na si Nanay.

From: Nanay

Jeje? Haha. Aku d jeje nak. Osya mabuti nmn kunq aus ka lanq dyan. Aus lanq din nmn kmi ni ashlon d2...

Napasapo na lang ako sa aking noo. Hindi naman talaga ako jeje! Bwisit na Tide 'yon.

Huminga ako nang malalim bago magreply kay Nanay. Nagsend ako sa kanya ng 'okay' at binaba ko na ang cell phone ko dahil kanina pa tawag nang tawag si Alec.

"By, sa akin ka sumakay, ha?" Sabay kapit ni Alec sa braso ko.

Napakamot ako sa gilid ng ulo ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Napangiti siya at mas hinigpitan niya ang kapit sa akin. Hindi naman ako mawawala, Alec.

"Basta." Pinisil pa niya ang pisngi ko sabay hagikhik niya. Napanguso ako dahil sa ginawa niya.

Dance And Dance Until I Die (Dance Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon