TIDE
Inaya ko ulit si Axion sa lugar ng mga cool. Nayayamot kasi ako sa bahay kaya gusto kong gumala-gala muna bago ang lahat.
“Ang aga-aga, gala na kaagad ‘yang nasa isip mo,” sabi ni Axion habang kinukuskos niya ang kanyang mata na bagong gising.
“Aba’y hindi na maaga!” Tugon ko naman.
Bumaba ako sa jeep at nagsimula ng maglakad. Nakasunod naman sa akin si Axion.
“Alas otso pa lang, Tide!” sigaw niya sa akin.
Inis akong humarap sa kanya. “Alam ko, may relo rin ako!” Inis kong sigaw din sa kanya sabay pakita ng aking wrist watch.
Kung makasigaw ‘tong si payatot ay akala niya kayang-kaya ako. Sipain ko siya, eh.
Napailing siya at hindi na lang nagsalita. Mas mabuti pa ngang manahimik na lang siya, kaysa naman magbabag na naman kaming dalawa.
Nang makapasok ako ng building ay nahagip kaagad ng mata ko si tibong de puta. Napakunot ang noo ko at tila kumulo na naman ang dugo ko nang maalala ko ang pagmamayabang niya kahapon.
Napatingin ito sa akin at kaagad na gumuhit ang ngisi sa kanyang labi.
Kadiri naman 'to! Hindi sa kanya bagay ‘yung ngumingisi. Nagmumukha siyang manyak na tibo!
Mas lalo ko siyang kinunutan ng noo, lalo na nang tumakbo ito papunta sa akin.
“Magandang umaga, Tide!” Maligaya nitong bati na mas lalong ikinakunot ng noo ko.
“Paano mo nalaman ang pangalan ko, aber?” Mataray kong tanong.
“Sikret syempre! Funny, ‘no?” Nginiwian ko siya.
Ano ba ang nasa utak ng tibo na ‘to? Akala ba niya ay nakakatawa siya? Nakakairita kaya siya!
Hindi ko siya pinansin at hinarap ko si Axion. Hinila ko siya papunta kina Hertzler, Mason, at Kayrra na nasa entablado. May kausap itong mga dancers din yata, ayon sa mga suot nilang damit.
Sina Alec, Patterson, at Godwin naman ay wala.
“Oo, pwedeng maghamon mamayang gabi. Sino ba ang bet ninyong hamunin?” Tanong ni Mason sa tatlong lalaki na kausap nila.
Napatingin ang isang lalaki sa akin at napangiti ito.
“Gusto sana naming hamunin ang sinasabi nilang prinsesa ng entablado rito,” nakangisi nitong sagot kay Mason.
Napatingin sila sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay. Napangisi ako nang mapagtantong ako ang gusto nilang makalaban. Kahit walang musika, sumayaw nang kusa ang pagtambol ng dibdib ko. Marinig ko lang ang pagsayaw ay sumasayaw na ang puso ko.
Napahigpit ang kapit ko kay Axion.
“Bibigyang buhay natin 'yang kahilingang iyan,” nakangisi kong tugon na ikinangisi rin nila lalo.
Binitiwan ko ang kamay ni Axion at hinarap ko ang tatlong lalaki na makakalaban ko mamayang gabi.
“Utang na labas, mag-ensayo kayo mamaya. Ayokong makita kayong ngumangawa,” panunuya ko sa mga ito.
Nanatiling nakangisi ang pinakalider sa mga ito at nilabanan ako.
“Baka gusto mong protektahan ang kurona mo, Prinsesa, dahil sa isang pitik lang! Nasa amin na kaagad 'yan.” Sabay kindat nito sa akin. Tumalikod siya sa akin at naglakad silang tatlo palabas ng building.
Nanatili ang ngisi sa labi ko pero unti-unti itong naglaho nang makaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko.
Pumikit ako nang mariin at huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nang dumilat ako ay nilingon ko na ang mga kasama ko.
BINABASA MO ANG
Dance And Dance Until I Die (Dance Series#1)
RomanceSi Tide ang klasing mananayaw na walang urungan kung sayawan ang labanan. Siya ang mananayaw na kahit hingal na talaga nang bongga, tuloy pa rin! Tuloy pa rin ang paghataw dahil iyon talaga ang kanyang kagustuhan. Iyon talaga ang tinitibok ng kanyan...