TIDE
Nakatitig ako kay Axion habang hinihingal ito sa harapan ko dahil sa pagtakbong ginawa niya, masundan lang ako.
“Tide…” anito sa pangalan ko habang hinahabol pa rin ang paghinga.
Nang mahimasmasan naman na siya ay umayos na siya ng tumayo at hinarap ako. Pero nanlaki ang kanyang mata habang nakaturo sa mukha ko.
“U-Umiiyak ka?” Nanlalaki pa rin ang kanyang mata.
Inis kong pinunasan ang luha ko.
“Hindi ba halata? Mukha ba akong tumatawa?” Sarkastiko kong sinabi na ikinakamot niya sa kanyang ulo.
Nang hindi na siya magsalita ay tinalikuran ko na siya. Pinunasan ko ulit ang luha kong bagong tulo pa lang.
Pabulong akong napamura dahil sa naramdaman ko na naman. Napahinto ako sa paglalakad at napakapit ako sa dibdib ko.
Pumikit ako dahil sa kahirapan ko sa paghinga. Napaawang na ang labi ko lalo na nang kumirot pa ang dibdib ko.
Narinig ko namang nataranta si Axion na nasa likuran ko.
“H'wag! H'wag...” kaagad kong sinabi nang maramdaman kong lalapitan niya ako.
“‘Wag mo ‘kong lalapitan,” sabi ko sa nahihirapang pamamaraan.
“Peroㅡ”
“Pakiusap, h'wag!” Sigaw ko, dahilan para matikom na ang kanyang bibig.
Mas lumala ang paninikip ng dibdib ko. Mas lalong diniinan ko ang pagkakapikit at ang pagkakakapit ko para lang mapigilan ang sikip na nararamdaman.
Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa magkabilang balikat ko kaya kaagad kong hinablot si Axion at diniinan ko ang pagkakakapit ko sa braso niya. Doon ko nilipat ang pagpipigil na ginagawa ko.
“Aray!” Pagsigaw niya habang nakapikit dahil sa sakit na nararamdaman sa pagkakakapit ko sa kanyang braso.
“‘Di ba sinabi ko naman sa ’yong ‘wag kang lalapit? Tigas ng bungo!” Singhal ko sa kanya na ikinanguso niya.
“Kinakabahan na kasi ako sa ’yo! Baka mamaya ay bigla kang mahimatay riyan! Ako pa may kasalanan,” pagdadahilan niya.
Hindi na ako nakasabat pa dahil sa biglaang panlalambot na naramdaman. Bumigay ang katawan ko pero mabuti na lang at nakakapit ako kay Axion. Kaagad niya akong nasalo at gulat ang pinukol sa akin.
“A-Ano ba kasing nangyayari sa ’yo?”
Nagtiim bagang ako at mariin na pumikit. Sobrang naiinis na ako sa sarili ko. Kung kailan nandito itong payatot na ‘to, saka pa iiral ang sakit ko.
Hindi ba pwedeng kapag mag-isa lang ako, saka roon sumulpot at umiral ang sakit na ito? Kahit pa halos mahirapan na ako, ayos lang sa akin na mag-isa ako dahil ayokong nakikita ako ng ibang tao na nahihirapan nang ganito! Ayokong isipin nila na mahina ako. At syempre mas lalong ayoko nilang malaman na may sakit ako. Sapat nang si Godwin na lang ang nakakaalam nito.
Bumitiw ako sa pagkakakapit kay Axion at umayos ako ng tayo.
“Sa tingin mo ba ay alam ko?” Inis kong tanong pabalik, kahit alam ko naman talaga kung bakit ako nagkakaganito.
“Uhm... Oo? Hindi? Basta malay ko! Hindi mo naman sinasabi kaya hindi ko malaman kung alam mo ba o hindi!”
Inirapan ko na lang siya at naglakad pabalik sa bahay nila. Naramdaman ko namang sumunod siya. Tumabi siya sa akin at kinulit ako.
BINABASA MO ANG
Dance And Dance Until I Die (Dance Series#1)
RomanceSi Tide ang klasing mananayaw na walang urungan kung sayawan ang labanan. Siya ang mananayaw na kahit hingal na talaga nang bongga, tuloy pa rin! Tuloy pa rin ang paghataw dahil iyon talaga ang kanyang kagustuhan. Iyon talaga ang tinitibok ng kanyan...
