AXION
Naabutan ko silang tatlo sa Sports Zone. Masayang nakikipagtawanan si Godwin kay Tide at Ashlon na ikinainis ko.
Bakit ba siya nakikipagtawanan sa kapatid ko? Close ba sila? Hindi naman, ah!
Nilapitan ko silang tatlo at kaagad akong sumingit sa pagitan ni Godwin at Tide. Tumingin ako kay Godwin at nakita kong masama siyang nakatingin sa akin.
"Heto namang si Axion, napakasingitero!" Singhal niya sa akin na nginitian ko lang.
"Mukhang singit 'yan, eh!" Napatingin naman ako kay Tide dahil sa sinabi niya.
"Grabe ka naman!" Aniko na ikinairap niya sabay hatak kay Ashlon palayo sa akin.
"Doon tayo, Ashlon!" Nakangiting aya ni Tide sabay hila kay Ashlon na ngiting-ngiti rin naman.
Susunod sana si Godwin sa kanilang dalawa nang hinila ko siya sa damit kaya natigil siya. Masama naman siyang tumingin sa akin.
"Ano bang problema mo?" Inis niyang tanong na hindi ko sinagot.
Wala akong problema sa 'yo. Wala talaga!
Umiwas ako sa kanya ng tingin at naglakad ako papunta kina Tide pero napahinto ako nang hilahin niya rin pabalik ang damit ko.
Ngayon naman ay ako ang nainis.
"Ano bang problema mo?" Inis ko ring tanong sa kanya na ikinangisi niya.
"Wala," maikli niyang tugon habang nakangisi na nagpabwisit sa akin.
Wala naman pala siyang problema tapos ay hihilahin niya ako? Malakas ba sira niya sa ulo?
"Wala ka naman pa lang problema, bakit nanghihila ka, ha?" Inis kong sinabi.
Mas lumapad ang ngisi niya sa akin na mas ikinabwisit ko. Bwisit na bwisit talaga ako sa pagmumukha ng Godwin na 'to. Ayokong-ayoko siyang nakikita. Hindi ko alam kung bakit!
"Sino ba ang nanguna sa ating dalawa na manghila, ha?" Aniya na ikinatigil ko.
Hindi naman ako ang nanguna, ah!
Napanguso ako at nilagpasan siya.
"Wow. Lakas ng loob mang-iwan." Dinig kong aniya na ikinangiti ko nang palihim. Hindi ko alam kung bakit ako napangiti. Nababaliw na yata ako.
Hinanap ko sina Tide at Ashlon, sa kasamaang palad, hindi ko sila kaagad nahanap dahil sa rami ng tao. Pero kahit ganoon, hindi ako tumigil kakahanap sa kanila, hanggang sa nahanap ko silang nags-shoot ng bola at kasama nila si Godwin. Ang bilis talaga ng lalaking 'to!
Nabwisit na naman ako nang makita ko ang malapad na ngiti ni Tide habang nags-shoot nang parang ewan si Godwin. Kahit si Ashlon ay natatawa sa ginagawa niyang kalokohan.
Napapadyak ako sa nasaksihan.
Nab-bwisit talaga ako! Hindi naman ako babae para magkaganito ang ugali, ah? Bakit ba ang bilis magbago ng timpla ko? Hindi naman ako babae para reglahin at magkamood swing!
![](https://img.wattpad.com/cover/92614835-288-k505799.jpg)
BINABASA MO ANG
Dance And Dance Until I Die (Dance Series#1)
RomanceSi Tide ang klasing mananayaw na walang urungan kung sayawan ang labanan. Siya ang mananayaw na kahit hingal na talaga nang bongga, tuloy pa rin! Tuloy pa rin ang paghataw dahil iyon talaga ang kanyang kagustuhan. Iyon talaga ang tinitibok ng kanyan...