I'm a bitch
Nasa bahay na kami at kasalukuyan siyang nagpapaliwanag sa mga nangyari.
"Look, those girls are just my colleagues. Dati ko silang katrabaho sa kompaya nila Lolo." Ani niya pero binalewala ko iyon.
Hinubad ko ang takong ko at nilapag sa bukana ng hagdan nila. Hinubad ko rin ang jacket na binigay niya at ngpasalamat na rin.
"I'm sorry, Sofia." Sabi niya ulit.
Hinarap ko na siya dahil mukhang guilty-ng guilty na siya."Zach, you don't have to say sorry. Walang tayo, remember?" Tugon ko at diredretsong umakyat.
Sobrang pagod ako. Sobrang dami ko na ring iniisip. Kelan ba ang balik namin? Can't wait. Hindi ko kayang manatili sa iisang bahay kasama siya. This is awkward!!!
"Sofia.... Lunch is ready" sabi niya habang naririnig ko ang hakbang niya paakyat.
"Wala akong gana" ani ko at tumuloy na sa banyo para mag-shower. I'm done for today, I'm gonna sleep after this... Pagkalabas ko ay nadatnan ko ang isang tray ng pagkain sa kama. It looks delicious and yummy. Halata ito dahil nasa pinto palamang ako ng banyo ay amoy na amoy ko na ang sarap nito. Umiinit padin ang soup na nakalagay sa sulok ng tray.
Wala akong balak kumain dahil talagang wala akong gana. Kailangan mo ng umiwas, Mishan. Marami ng nangyari!
Nagising ako dahil sa isang tawag. Buti na lamang at nagawa na ang telepono ko at hindi ako masyadong nababagot rito.
Kuya Savee is calling....
Sinagot ko ito at nilagay sa tainga ang telepono. Nagkukusot pa ako ng mata at hindi inalintana ang magulong buhok."Hello?" Ani Kuya sa kabilang linya.
"Why are you calling?" Panimula ko.
"Just checking on you..." Ani niya at tipid akong ngumiti kahit hindi niya naman makita.
Nanatiling tahimik ang kwarto dahil panandaliang hindi nagsalita si Kuya.
Natigil lamang ang nakamamatay na katahimikan ng nagsalita muli siya."You okay, Mish? May problema ka ba diyan?" Sabi niya. Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya.
"I'm okay, Kuya. Don't worry. Tska bakit naman ako hindi magiging okay?"
"I know what's going on between you and Zach, Mish" nanatili akong tahimik dahil mukhang may kasunod pa ito.
"You love him? Ikinuwento niya sa'kin sa Germany ang nangyari. Ng nasa Dubai ako, lumipad ako patungo sa Germany to check on Papa and there I saw him and Lezana." Alam niya lahat.
"Kuya..."
"Mishan, kilala mo ang TitaLezana mo. She has connections, alam kong alam mo iyan. And you also know that your Tita is madly inlove with that Zach of yours." Ani niya. I don't know where this conversation is going...
"I don't have plans to ruin everything, Kuya. Kung sila, edi sila. I've moved on. It's almost 3 or 4 years ago." Lumandas ang luha sa aking pisngi. Hindi ito dapat nangyayari, dahil sobrang mali ito. Maling mahulog ako, maling mali! Kyng dati ay sobrang lapit ko ng sumugal, ngayon hindi na ako susugal.
Hindi ko napansin na mag-aalas-sais na. Nakatulog ako ng higit pa sa salitang sobra. Lagot. Kumakalam na rin ang sikmura ko.
"I'm just warning you, my girl. Alam mo naman na I hate seeing you crying. That sucks! " halakhak niya.
Nagpaalam na si Kuya at sinabing magkita raw kami soon. Napaisip rin ako sa sinabi niya pero buo ang desisyon ko, hindi ako mahuhulog sa patibong na ito.
BINABASA MO ANG
Winsome Love: Mishan
Aktuelle LiteraturSabi nila, Love has to be perfect. Pero mapapaisip ka na ang tao nga hindi perpekto, pag-ibig pa kaya. Hindi yan kasabihan ng lahat dahil halos lahat ng tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng pagmamahal. It's Mishan. Si Mishan ang taong hindi naniniw...