Winsome Love 15

12 1 0
                                    


Talo nanaman ako

"It wasn't a date. It's fate." Ani ko at diretsong naglakad patungo sa kwarto ko.

"You should have told me that you have a date. What if mapahamak ka. You're still the reckless young girl, Sof.."

"From this day on, hindi ka na aalis. You have to stay here not unless may lakad tayo."

Dirediretso ang lakad ko patungo sa hagdan. Hinahanap ko ang presensya ni Tita Lezana ngunit wala. Why am I looking for her?

"Hindi ako dapat magpaalam sa'yo." sabi ko at tinulak na ang pintuan ng kwarto. Nilapag ko ang aking shoulder bag rito at nagtanggal rin ng sapatos.

"And I'm not a kid, I've grown!" Ani ko.

Sumunod siya sa'kin at agaran ding nagsalita.

"Kahit na. What if that Rex is dangerous?" Sigaw niya.

Nilingon ko siya at nagkunot ako ng noo

"Dangerous? Rex is a good friend of mine, even before. Sino ka para husgahan siya?" Bumaling na lamang ako sa biniling pagkain ni Rex. I'm still full pero kailangan kong kumain.

"How could you know? It's been years since you last saw each other! Paano ka nakakasiguro na mabuti ang intensyon niya?" Ani niya at nanatili paring nakakunot ang noo niya.

Hinilot hilot niya pa ang sintindo niya na labis kong hindi maintindihan. Ano bang mali doon? Alam kobg magkagalit sila ni Rex, pero wala namang masma don! Isa pa, he's with my tita!

"Because I know him more than you do! Ano bang problema mo? You're with my tita, remember? Rex was my childhood friend, at wala kang pakialam kung malaki ang tiwala ko sa kanya." Sigaw ko.

Naramdaman ko nanaman ang literal na pagsikip ng dibdib ko. It's been months simula noong huli akong dinaanan ng ganito, and I can say na hindi pa masyadong malala iyon. Pero ang nadarama ko ngayon ay sobrang sakit.

Lord, paabutin niyo muna po ako ng graduation ko.

Ayokong magpahalata pero hindi ko pwedeng i-deny na sumisikip nanaman ang dibdib ko.

Hinawakan ko ang dibdib ko at nagkunwaing natural lang itong inaakto ko. Gusto kong pumikit pero hindi pwede. Gustong gusto ko na ring makatakas sa reyalidad na ito.

"Zach, lumabas ka na."

"I wanna confirm somethin---" pinutol ko kaagad siya.

"I said get out!" Bago pa ko mahinatay sa harapan mo. "Get out!" Alam kong nakakasama ang pagsigaw na ito sa
kalagayan ko pero mas malala kung malalaman ni Zach ang sakit ko.

Pinahalata kong galit ako para lang mapalabas siya. Lumabas siya at sa huling pagkakataon ay lumingon muli siya.

I am now hiding this pain. Kahit noon pa man, kasi bawal. Bawal ang lahat. Bawal!
This is not right. Masamang sobra akong maapektuhan sa nangyayari.

Sa pagkakatulala ay buglang tumunog ang aking telepono. It's Mamo. Sinagot ko ito at tinapay sa aking tainga.

"Anak, how many times do I have to tell you that you have to drink your medicines on time?" Naririnig ko rin ang pangungulit ni Nana sa kabilang linya.

"Sorry po" ani ko at bumuntong hininga.

"Rex called me. Hindi ka raw makahinga kanina... Kelan ka huling inatake, anak?" I can feel the sadness of my mum. She
must be ready...

"Matagal na, Mamo. Naaalala mo po nong tumawag si Ma'am Landicho nung 3rd Year College po ako. That was the last. At yung iba, medyo hindi naman po ganoon kalala."

"Ohmy. Bumalik ka na rito." Ani niya.

"Pero Mam--" naputol ako sa sasabihib

"Sa isang araw, sumabay ka na kay Rex. Take care, anak. I love you."

"Love you, Mamo."

Lumipas ang magdamag ng nakakaramdam padin ako ng kaunting kirot. Ng nagala-sais ay kumain ako ng binigay ni Rex at uminom ng gamot.

Hindi ko kaagad siya kinain dahil napansin kong busog pa ako at malapit nadin na mang mag-gabi.

Umaga na ng lumabas ako sa kwarto dahil sa ingay na narinig ko. Lumabas ako ng maayos ang suot. Hindi siya pambahay at hindi naman gaanong pang-alis.

Balak ko sanang kumain muli sa labas. May usapan pa kami ni Rex, nga pala.
Nagulat ako ng pagbaba ko ng hagdan ay may umagaw ng pansin ko.

Dahil sa ingay or ungol, to be specific ay nilamon ako ng kuryosidad ko. At parang may pumipigil sa'kin na wag pero malaki ang tyansa na gusto ko itong matuklasan.

Dahan dahan akong umakyat para makita kung saan ba ito nanggagaling. Ng nakita ang bukas na kwartong katapat ng aking kwarto ay tinahak ko ito.

Hindi ako gumagawa ng kahit ano mang ingay dahil natatakot akong mahuli ako ng kung sino man ang nasa loob.

Nang makaratingsa bukana ng pintuan ay bukas ito. Nakaawang ng kaunti ang pinto kaya't madali kong nakita kung ano man ang nasa loob.

And there.... I saw Zach and my Tita kissing.

Humigpit ang hawak ko sa shoulderbag na dala ko.

Ni hindi man lang hinahawi ni Zach ang bawat tugon na halik ng tiya ko. Ang lahat ng sinabi niya sakin ay parang naglaho na parang bula dahil lang sa isang rason. Ang makitang naghahalikan sila ng ganito ay umubos sa pag-asang pwede pa.

Tumulo ang luha ko. At dahil hindi ko napigilan ay napahikbi ako na siyang umagaw ng pansin ng dalawa. Malapit na silang maging masaya pero dahil sa hikbi ko ay naudlot ito.

Namataan nila marahil ang namumula kong mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi ito pwede. Hindi pwedeng sayangin ko ang halos tatlo o apat na taong pagmu-moveon ko. Hindi pwede.

Tumakbo ako sa hindi ko malamang dahilan. Talo nanaman ako. Lumabas ako ng bahay na parang walang nangyari. Na parang wala akong nakita.

Naglalakad na ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tatawagan ko ba si Rex!? Damn, wala na akong number non'! Si Mamo? Tapos ano, sasabihin ko na nakita ko ang tiyahin ko na may kahalikan! Tapos sasabihin ko din na ang kahalikan niya ay walang iba kundi si ZACH! ganon?

Winsome Love: Mishan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon