Winsome Love 11

9 1 0
                                    


Damn wearing...

"Excited na ako! Look, tomorrow, pasukan na! I'm kinda excited kasi andito ka na, tapos may kasabay na ako papunta sa school" ani to habang hinahatid ako sa napiling kwarto ni Tita By.

Wala sila dito at tanging kami lang ni Kends dito. Kends is my cousin. Anak siya ni Tita By at Tito Kiel. Tito Kiel is my father's uncle.

"Kamusta kayo ng kinukwento mo sa'king chik? Gwapo ba?" Asar nito habang magliligpit na ako ng gamit.

"Baliw!" Binato ko siya ng unan at humalakhak siya ng tawa.

"Why? Kwento ka pa.... I like your lovestory, parang nasa isang palasyo lang" sabi niya at agad na kinuha ang isa sa mga dresses ko at magmistulang isang prinsesang naglalakad.

Matagal na rin simula ng hindi kami nagkita nitong si Kends. Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit hindi ako mababagot dito. 1st year college palang ako, and 5 taon pa akong magtitiis.

"I have nothing to tell.... Cause it's done. Wala na kong nakakakilig na ikukwento." Sabi ko at pinagpatuloy na lamang itobg paglilipat ng damit sa drawer.

Malaki ang bahay nila dito sa Lipa and it's really a great place for me. Dito na rin siguro ako magsisimula.

"Done? Pero hindi pa kayo, diba'? What happened?" Ani niya at agad na tumabi sa akin.

Ang naka-pony niyang buhok ay sinasalimpad ng hangin dahil binuksan niya iyong bintana kanina pagkapasok ko.

"Inahas ng ahas." Sabi ko na natatawa dahil mukhang pati ako ay naaaa sa sarili ko.

"You mean, Si Lezana?" Ani niya.

"Maka-Lezana ka naman, she's older than us." Sabi ko. Si Kends ang kababata ko, she's always there for me kahit hindi kami laging magkasama. Pinagtatanggol niya lagi ako, lalong lalo na nung mga bata palang kami.

"Pero kung ganoon nga ang nangyari, hindi na dapat siya ginagalang. Kahit na pamangkin siya ni Daddy, jusq! Malandi" sabi niya matapos kong ikwento ang lahat ng mga nangyari.

Nagkwentuhan pa kami ng iba. Nagbibigay rin siya ng payo tungkol sa'kin. Sinabi niya na kahit hindi pa niya nami-meet si Zach ay narurumi na daw siya. Minsan natatawa nga ako dahil mukha siya itong broken at niloko.

"First day mo ito sa LaSalle, you must enjoy!" Anong first class mo? Sa third floor ako, ikaw?" Naglilibot na kami ni Kends dito sa bago kong school. Hindi na siya bago dito dahil kapitbahay lang nila itong building.

"Sa 2nd floor ako, ihahatid pa kita?" Ani ko.

"Ano ka ba? Ikaw ang ihahatid ko!" Sabi niya at tumulak na kami.

At iyon ang palaging nangyayari sa'min ni Kends. Ihahatid niya ako, tapos kapag wala ninsang ginagawa, gigimik kami minsan. Natapos ko ang 1st year ko doon ng matiwasay. Everything went well and luckily,  nakalista ako!

Ng magsesecond year college na ako ay bigla namang nagkaproblema. Mapa-personal o pamilya, kaya lumipat na lamang ako sa Manila. Lumipat din at nag-migrate si Kends sa Singapore.

That's what happened. Iyan ang eksaktong nangyari samin ni Zach noon.

Eksaktong pag-gising ko ay malalim na ang gabi. Si Zach ay nanatiling nakatameme sa tabi ko. Pagtingin ko sa labas ay naririto na yata kami sa bahay nila sa Ilocos. Hindi ko na masyadong kabisado ito dahil ang tagal na rin simula noong huli kong bakasyon.

Winsome Love: Mishan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon