Winsome Love 28

8 1 0
                                    


Mahal na mahal ko siya

Ang nanunuot niyang kamay sa akin ay talagang nakakalasing. Sa sinabi ko sa kanya ay hindi parin siya nagpatinag at muli akong niyakap.

"Wala akong pakialam kung hindi na ito nakakabuti. I'm inlove with you." Aniya parin kahit ako'y hirap na hirap na sa tayo naming dalawa.

"Itigil na natin ito..." Ani ko sa kalagitnaan ng paghikbi,

"Hindi, aalis tayo. We're going to leave everything here. This is causing us more trouble... Sumama ka sa'kin"

"Nababaliw ka na ba? Hindi ka pwedeng umalis. Naghihintay na ang pamilya mo, ang bago mong pamilya Zach. Hindi mo siya pwedeng basta bastang iwan." Napasigaw ako sa padalosdalos niyang desisyon.

"At hindi kita pwedeng pakawalan! Minsan na akong nagkamali sa desisyon ko, ayoko ng gawin pa ulit iyon sa parehas na babae. Ayaw ko ng iwan ka."

Namumuo nanaman ang luha sa mga mata ko at nalulunod narin ako sa mga salita niya. Kung pwede lang sana. Kung pwede nga lang na umalis kami at magpakalayolayo, sana.

Gusto kong sabihin sa kanya na oo, iwan mo na siya. Pero milyon milyong tao ang naiisip kong iiyak sa magiging desisyon ko.

"I am such a jerk before, bago palang kita makilala. And then I met you, everything changed. At ngayon, ayaw ko ng bumalik sa pagiging gago." Utas niya. Ngayon ko lang siyang nakitang halos hindi makapagsalita dahil sa kakaiyak.

Nakayakap parin siya sakin at sobrang konportable siya sa tayo namin. Samantalang ako ay hindi magkandaugaga sa pagsalo sa kanya.

Humiwalay siya sa'kin dahil sa isang sigaw mula sa likuran.

"Hayaan mo sila, Rex! Ano ka ba?" Ang nagsusumamo at galit na sigaw ni Kends ang nagpaharap sa'kin

"'Wag mong sabihing hahayaan mo nanamang umasa ang pinsan mo, Kendells!" Sigaw naman ni Rex.

Dahil sa sigawan ay tumakbo ako mula sa kanila at pumagitna.
Hinihingal na rin ako pero hindi ako pwedeng magpatalo ngayon.

"Hindi ko siya hinahayaang umasa dito, Rex! Ang gusto ko lang ay ang sumaya dito si Mish, bakit ba ang selfish mo?" Sigaw naman ni Keds pabalik.

"Itigil niyo na ito. Mahuhuli tayo dito" ani kong natataranta.

Pansin ko namang nakatitig lang di-kalayuan si Zach sa amin at nakamasid sa kung anong nangyayari.

"I'm not being selfish here! What I'm just saying is, stop this!" Bumaling ang tingin sa'kin ni Rex at nagpatuloy."Just please, stop this!" Galit na galit na siya. Ang tanging nagpipigil na lang sa alit niya ay ang lumalabang kontrol.

Patuloy ang bangayan nila at tuloy rin ang awat ko sa kanila.

"At ikaw!" Sigaw ni Rex kay Zach sa malayo.

Dahil sa bilis ng takbo ni Rex ay hindi namin siya inabutan ni Kends. Pianulanan niya ng suntok si Zach at hindi na nagawang sumuntok pabalik ni Zach. Ako ang dahilan nito.

"Rex, tumigil ka na, ano ba?" Sigaw ni Kends.

Ako naman ay talagang hindi na magkamayaw kung paano pipigilan si Rex sa di makontrol na galit niya. Eto na.

Si Zach ay halos mamaga ang mukha dahil sa natamo. Hilahila ko na in si Rex palayo sa kanya pero ayaw paawat ni Rex. Tuloy tuloy parin ang luha ko dahil sa mga nangyayari at hindi man lang nito matigil ang galit ni Rex.

"Rex, STOP THIS!"

"Itigil mo na yan, I love him!"

Dahil sa sinabi ko ay natauhan si Rex at nagising. Ang demonyobg kaninang sumanib sa kanya ay tila umalis na dahil halos mabigla siya sa sinabi ko. Yes, i love him!

Winsome Love: Mishan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon