InheritorMabilis na lumipas ang araw at ilang linggo matapos ng graduation ko ay nagbakasyon kaming pamilya.
Kahit medyo may hint ako sa nangyayari ay pinagpapasa akin ko nalamang ito at kay Kends. Ayoko ng ikwento pa kay Kuya o sa kung sino man ang nalaman ko dahil sigurado akong iisipin niya pa ang tungkol dito.
Nandito kami ngayon sa isang beach resort sa kalapit na bayan. Ni-rent na ni Mamo ang buong resort para exclusive ito para samin. Kasama namin lahat kahit si Papa. Siya pa nga ang nagplano ng lahat ng ito.
I'm not sure kung okay na sila ni Mamo pero siguro ay nakapagmove forward nanaman sila kahit papaano. Hindi ko sila nakikitang naguusap ng madalas, kalimitan ay kapag may tinatanong lang sa isa't isa.
Si Nana umano ang nag request kay Papa na magbeach kaming pamilya para makapagrelax. Siya din ang nagrequest na sumama si Papa dahil wala naman siyang alam sa mga nangyari. Dahil kung ako ang magdedesisyon ay hindi ako magsasama ng lalaking walang isang salita rito. That's a shame.
"Tara na! Hayaan mo na sila!" Hinigit bigla ni Kends ang kamay ko dahil excited na siyang makita ang sunset. Hapon kasi kami pumunta dito dahil tatlong araw naman kami dito kaya okay lang.
"Kamusta na kayo ng Tiya mong hilaw?" Ani niya at humagikhik. Sinaway ko naman siya dahil baka may makarinig.
"Hindi na niya ba nilalandi si Zach? Ano?" Tanong niya habang kinukuhanan ng litrato ang sunset.
"Napapansin kong hindi na talaga sila nag-uusap. They became strangers. Si Zach naman madalas na sa kwarto ko natutulog." Ani ko dahil totoo naman. Kalimitan ay katabi ko si Zach matulog pero wala namang dapat ikabahala.
"Ohmy! Anong nangyari sa inyo? Napakabata ko pa para mag-ninang! Diyos ko naman, Mish! Ang bata ko pa para magbigay ng pera tuwing pasko sa magiging inaana--"
"Ano ka ba? Baliw! Wala namang dapat ikabahala doon." Sabi ko at tumawa. Natawa ako sa sobrang advance niyang mag-isip.
"Sabagay. He's matured enough to handle the consequences that might happen naman. He earn for his living, engineer at gwapo pa, at hep! Yummy pa!" Binatukan ko si Kends dahil sa kanyang mga iniisip. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mandidiri sa mga sinasabi niya.
Nabitawan niya ang kanyang dalang DSLR ngunit buti na lamang ay nakasabit ito sa leeg niya.
"Aray!" Hinaing niya.
"Binatukan mo ba ako dahil tinawag ko siyang yumm-" pinutol ko nanaman siya at kinurot ko ang braso niya na sinigaw naman niya.
"Arayyyy! Ano ka ba?" Umakto pa siyang umiiyak at nasaktan sa simpleng kurot na ginawad ko sa kanya.
Iniwan ko siya mula roon at agad na sumigaw ng"OA, kurit lang e!"
Humagalpak ako ng tawa dahil sa irit na narinig ko nanaman sa kanya.
Naglalakad ako habang naglilingalinga sa paligid. At habang naglalakad ako ay nakita ko ang nakabikini na si Tita Lezana. She's with a black bikini and a pink transparent sunnies. Dahil sa suot niya ay parang gusto kong tanggalin ang suot ko at palitan na lang din ng suot kong bikini.
Inirapan niya ako pero wala akong balak na patulan siya dahil medyo masama ang pakiramdam ko.
"Hi Mish." Ani niya sa nanunuyang ngiti. She flashed an evil smile then went near me. Wag ngayon, pakiusap.
![](https://img.wattpad.com/cover/88024601-288-k307255.jpg)
BINABASA MO ANG
Winsome Love: Mishan
General FictionSabi nila, Love has to be perfect. Pero mapapaisip ka na ang tao nga hindi perpekto, pag-ibig pa kaya. Hindi yan kasabihan ng lahat dahil halos lahat ng tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng pagmamahal. It's Mishan. Si Mishan ang taong hindi naniniw...