I don't love you
Napalingon ako sa kasasalita lang na si Papa. I knew it. Even before. Alam ko na na wala akong halaga sa kanya but that is not a big deal, really.
Like Kuya, I also want to stand on my own. I don't want to be successful just because of my family name. Pero sa tingin ko naman ay hindi ganoon ang pananaw ni Papa. Maybe he thinks na hindi talaga ako karapatdapat doon.
"Why not Mishan? She took Civil, mas malaking tulong ito sa kompanya." Ani ni Tita Vita.
" Lezana is mature enough to negotiate things, Ate." Kalmado parin si Papa habang binabanggit iyon.
Napairap naman ako doon.
"Dalawang taon lamang ang tanda ni Lezana kay Mishan. I trust Mishan, so badly." Umiling iling pa si Tita Vita.
"Iba parin kapag ang maghahawak ng kompanya ay graduate sa ibang bansa." Ani naman ni Papa na nagpakulo ng dugo ko. If you just made my dreams come true di' sana ay matagal na akong nasa Germany.
"You're taking this serious, kumalma kayo" ani Tita By,
Ang mga pinsan ko naman ay nagkaroon na ng ibang pinagusapan marahil dahil wala naman silang pakialam rito. Si Kends lang ang talagang nakikita kong nakikinig. Nakakunot din ang noo niya sa mga naririnig. Pati si Tita Lezana ay hindi maitago ang ngiti niya.
Habang si Zach ay hinahaplos na ang hita ko dahil alam kong ramdam niyang kinakabahan ako sa nangyayari. Patuloy siya sa pagbulong sa'king tainga na kumalma lang ako.
"Is that a difference?" Singhap naman ni Tita Vita. "Many triumphant owners are not graduated abroad, don't make my Mishan an exemption!" Sigaw pa nito.
"Baka lalong malugi ang kompanya kay Leza--" ani Tita
"Are you insinuating that I can't handle the company, ate?" Kunot noong utas ni Tita Lezana.
Nagulat ako sa biglang pagtayo ni Tita Lezana para lamang sigawan ang kapatid niya.
Humalakhak naman si Tita Vita at nag-angat ng tingin sa kanya.
"Oh dear Sister, chill." Halakhak pa ni Tita Vita.
"What the hell, At---" sigaw ni Tita Lez ngunit pinutol siya ng sigaw ni Lola.
"Alcantaras!!" Utas ni Lola.
"Mama, calm yourself down" mahinahon namang sabi ni Mamo kay Lola.
"Proceed with your announcement, Chris" ani ni Lola pagkatapos ay bumaling sa kay Papa.
Habang ngumunguya si Papa ay panandalian niyang binitawan ang kutsara't tinidor upang magsalita.
Magsasalita na sana siya ngunit napatigil siya ng kumalansing ang gate sa likuran. Mula dito ay kitang kita ko ang maamong mukha ni Tita Zasha at ang asawa nito. Ang malalim na mata ng lalaking kasama niya ang lalong nagbigay ng dahilan sakin na ito nga ang ama ni zach.
Magkamukhang magkamukha sila. Dahil kung noon ay nasabi kong kamukha ni Zach si Tita Zasha. Mas kamukha niya ito.
"Mrs. Alacantara." Ani nito at pumanhik kay Lola.
"Elouisa, I missed you." Ani naman nito kay Mamo. Nagbaling din siya ng tingin sa akin at gad siyang lumapit at humalik sa pisngi ko. "I missed you, ija." Aniya at ngumiti.

BINABASA MO ANG
Winsome Love: Mishan
General FictionSabi nila, Love has to be perfect. Pero mapapaisip ka na ang tao nga hindi perpekto, pag-ibig pa kaya. Hindi yan kasabihan ng lahat dahil halos lahat ng tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng pagmamahal. It's Mishan. Si Mishan ang taong hindi naniniw...