MistressMinsan, mapapatanong ka na lang kung kanino ba kampi ang tadhana. Tapos magagalit ka kapag nalaman mong hindi pala sa'yo kampi. Ugh, life!
Para akong naglalakad sa susunod kong kahihinatnan sa susunod na panahon. Nakikita ko na ang ulap na ngayon ko lang nakita, sobrang ganda nito.
"Anak?" Sigaw ng isang pamilyar na boses.
Omo, Lord?
Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil mukhang katapusan ko na yata ito. Ang malamig na simoy ng hangin ang lalong nagpataas sa kaba ko.
"Mishan? Anak!" Ngayon ay napagtanto ko na si Mamo pala iyon.
"Were you dreaming?" Tanong niya.
Umiling na lamang ako bilang pagpapaikli ng usapan.
Bumalot sa sistema ko ang kalimitang awra na dama ko tuwing nasa kwarto ko ako. Nilinga ko ang paligid at doon ay napakunot ako ng noo. Bakit ako nandito? Anong nangyari?
Napansin marahil ni Mamo ang pagtataka ko kaya napatikhim siya at agad na hinawi ang takas na buhok ko.
I'm wearing a white sando na tinernuhan ng isang black jogging pants."You collapsed. Nakita ka ni Rex nong nahimatay ka sa bisig ni Zach, thank God Rex was there. You were unconscious for almost 2 days, buti't sinigurado ng doktor na gigising ka anytime dahil kung hindi... Anak, baka mabaliw ako..." Mangiyakngiyak si Mamo habang binabanggit ang mga katagang iyon.
Gumalaw ako at inalalayan naman ako ni Mamo sa aking pag-upo. Nagulat ako sa nangyari. Hindi ko inaasahan na sa ganito ako lilimutin!
"Alam na nila, Mamo?" Kabang kaba ako sa sarili kong tanong. Hindi ako sigurado kung tama ba ang hinala ko na baka alam na nga nila.
"Y-yes. Anak, Mamo is so sorry... Ng tinawagan ako ni Zach, nagkataon na ang Papa mo ang nakasagot." Maluhaluha parin si Mamo sa kanyang mga sinasabi.
"It's okay, Ma. Sooner or later, alam ko naman po na malalaman nila ito at ito na nga.." Ani ko at pinunas ang luhang lumandas saking mukha.
"Ate, are you okay?" Napatingin ako sa pumasok sa pintuan. Ang mukha ng kapatid kong sabik na sabik sa kanyang ate ang napansin ko. Kasunod nito ay ang pagpasok naman ni Kuya Savee.
"How are you, Mish?" Nararamdaman kong seryoso siya. At tila galit dahil dama ko na alam na niya ang lahat.
Yumuko na lamang ako bilang tugon dahil alam ko na hindi ko maiiwasang sagutin ang tanong niya kapag tiningnan ko si Kuya. Tumayo si Mamo at hinagod ang likod ni Kuya. My younger sister is now hugging me while saying sweet words.
"Mind to tell your story, Mish?" Ani niya at humalukipkip. Kinakalma ni Mamo si Kuya sa balak nitong itanong.
"Ku--"
"Kuya? Ni-hindi mo sinabi sa'king may sakit ka? How could you just call me Kuya?" Nakita kong nag-aalab na ngayon siya.
Ang maamo nitong mukha noon ay napaltan ng usang tigre!
"Let me ex--" ani ko at namumuo na rin ang luha sa aking mga mata.
"Explain? After so many years, ngayon mo lang naisipang mag-explain! I was very stupid thinking that you're healthy! Na lahat ng nararamdaman mo ay dulot ng pagod, niloko mo ko Mish." Namumuo na ang tensyon sa pagitan namin.
Pilit ding kinakalma ni Mamo si Kuya. "Savee, I told you to stop! Your sister isn't feeling we--" pinutol ni Kuya ang sinasabi ni Mamo.
"My, stop! Dapat ay sinabi niyo agad sa'kin! You can't tell Dad that's why you kept this a secret, huh? You should have told me!!!" Sumisigaw na si Kuya at ramdam ko din ang hikbi ng kapatid kong bunso.
BINABASA MO ANG
Winsome Love: Mishan
General FictionSabi nila, Love has to be perfect. Pero mapapaisip ka na ang tao nga hindi perpekto, pag-ibig pa kaya. Hindi yan kasabihan ng lahat dahil halos lahat ng tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng pagmamahal. It's Mishan. Si Mishan ang taong hindi naniniw...