Winsome Love 6

13 1 0
                                    


Nababaliw SA'YO

Ilang linggo na ang nakalipas ng pumunta ako sa Ilocos. Ilang buwan na lang ay magka-college na ako. Sobrang bilis ng panahon. Kanino ba siya nakikipagkarera at sobrang bilis ng takbo niya?

"Kamusta ang Ilocos, Sofia?" Tanong ni Tita Lezana.

Oo, nandito na siya. Matapos ang ilang taong pamamalagi sa Germany. Nandito nanaman siya. Kasama niya si Papa pag-uwi. Wala naman akong pakealam.

"Still the same Ilocos but I enjoyed it. A lot." May bahid ng pagmamayabang ang pagkakasalita ko. Alam kong alam niyang gustong gusto kong makapunta ng Germany. Pero gusto kong ipamukha sa kanyang, hindi ako talo. Hindi ako matatalo.

Kadarating ko lang galing sa Manila dahil may inasikaso ako doon. Kinuha ko yung mga forms ko para sana maghanap ng papasukan sa College. At pagod na pagod pa ako. Graduated na kaming parehas mg 4th year

Aakyat na sana ako ng bigla muli siyang nagsalita.

"Germany?"

"What about Germany?" Ani ko.

"Germany is the best."

Oh e ano? Ano kung the best? Alam kong the best!!

"What are you figuring out?" Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Wala lang. I'm just saying that I admire you, nagpapakatiis ka sa mga bagay na tiratirahan lang. Sa Ilocos na ba ang pinagmamalaki mo?" Ngumisi siya pagkatapos. Dahil sa inis ko ay hinila ko na ang buhok niya. Walang ibang nananalaytay sa dugo ko kundi galit. Galit na galit ako.

"F*ck! Stop this Mish!" Puro daing ang naririnig sa buong bahay dahil sa boses niya at wala akong pakialam. Saka ko na iispin ang nangyayari kapag tapos na.

"What are you doing?" Galit na boses ni Papa ang narinig ko. Mula ito sa kwarto kaya't paniguradong nandon din si Mamo.

"Anong ginagawa mo, Mishan?"

Opo nasa katinuan pa po ako, wag kayong magalala.

"Are you even thinking? The hell are you doing, huh? Naiisip mo bang ang sinasaktan mo a-ay ang... Tiyahin mo ha?"

Nanatili akong tameme.

"Bakit mo sinasaktan ang Tita Lezana mo ha? Yan na nga ba ang sinasabi ko sa mama mo, dapat pinagsasabihan ka. You are too full of yourself, wala ka namang maipagmamalaki! You just graduated for the 1st Honorable Mention and that's a shame. Kung tutuusin ay hindi ka na dapat pinag-aaral pa!"

Patuloy ang pagluha ko sa bawat salitang binitawan ng tatay ko. Ang galit ko ay parang nawalan ng pakpak at ang dating langit sa puso ko para sa kanya ay tila binilanggo na. Ang dating amang hinahangaan ko ay ang isa sa mga taong ibababa ang sarili ko. Ang tatay ko na lubos na hinangaan ko ay walang iba kundi ang unang taong sumigaw sa'kin ng ganito. Hindi... Wala na.

Biglang gumunaw ang mundo ko ng nakitang inaayos niya ang buhok ni Tita Lezana. At si Tita Lezana naman ay prenteng nakangisi sa'kin

"I'm okay, Kuya. She might be tired kaya niya siguro nagawa sa'kin yon. You are forgiven, Mish."

Inirapan ko na lang siya ng narealize kong nagpapaawa nanaman siya.
Pagkatingin ko sa taas ay may pababang babae, bagong maid? The woman is wearing the maid's uniform here so I assumed that she's the new maid.

Nilagpasan niya ako at agad na lumingon sa pinanggagalingan ni Papa at Tita Lezana. Parang nanggaling siya sa kwarto ni Papa.

Patuloy parin ang pagpatak ng luha ko dahil hindi ko maatim ang mga nangyayari. Hindi ko akalain na biglang babagsak ang mundo ko sa ilan lang na salita. Napaluhod ako at humagulhol sa iyak.

Winsome Love: Mishan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon