Tinatanong niyaDumiretso ako sa aking kwarto at sinabi kay Rex na mauuna na ako. Ni-lock ko ang kwarto at agad na kinuha ang aking laptop.
Tinext ko si Kends at sinabi kong magskype kami.
"Hello? Mishhhhhhhh!" Irit niya ng nakita niya ako sa screen ng laptop niya.
"Magkikita nanaman tayo sa isang araw, miss mo ko agad?" Halakhak niya.Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Halatang kagigising lang ng isang ito dahil medyo magulo pa ang buhok at naka-sando pa. Susme, hapon na! Kagigising palang niya?
Naalala kong sa isang araw na pala ang aming graduation. I can't feel it.
"Kends? Kilala mo ba si Marca Estrella?" Siya agad ang naisip ko para sa impormasyon. Panigurado akong matutulungan ako nitong si Kends.
"Marca Estre--, Omo! Of course, sinong hindi makikilala ang pinakasikat na enhinyero sa buong Pilipinas?" Ani niya. "Dati, isa siya sa mga gusto kong tularan noon, diba dapat Engineer tayo pareho" ani niya at nag-ipit ng buhok.
"What else? Do you have any information about her?" Kuryoso ko.
"Tsk, wait... Hmp" ani niya at hinawakan ang babae para makapag-isip.
"If I'm not mistaken, dati lamang katulong yang si Mrs. Estrella pero siguro dahil nga may pangarap, iyon! Naging engineer." Halakhak niya.
"Pero paano? You've mentioned that she was a maid before. Di'ba?"
"According to others mouth, napakinggan ko kasi yan dati, teka, bakit ka ba nagtatanong?" Sabi niya.
"Ha?" Naubusan ako ng sasabihin dahil ayoko namang ikwento sa kanya ang nangyari. Baka biglang sumugod ito rito at pagsasampalin si Tita.
"You must know that thing since you attended her seminar. Di'ba ay humalang ka sa tiyahin mong hilaw?" Sabi niya at ngumisi.
"Wala namang nababanggit na impormasyon tungkol sa kanya iyong seminar. She just mentioned how you can discover yourself, parang she wants us to realize what we really wanted. Ganon lang, bakit?"
"Really? Ba't sabi ng mga taga dito, madalas daw sa seminar niya ay kinukwento niya ang buhay niya? It's weird." Ani niya at tinitigan ako mabuti.
"Aha, siguro nga sinadya niya iyon dahil nandoon ka?" Nagulantang ako sa sinabi ni Kends ngunit bigla naman siyang tumawa. "Kidding, baka nakalimutan niya lang." Tumawa muli siya.
"Pero ano ngang kwento niya, Kends?" Tanong ko.
Pumangalumbaba siya at tinitigan akong mabuti. "While studying, she was pregnant. Nung kakagraduate lang siya nanganak. Di pa siya sikat kaya hindi big deal. At ang malala ay nabuntis siya ng anak ng amo na pinagtatrabahuhan niya. That is what my friends told me." Tumigil siya at may kinuhang lemon juice sa mini fridge niya.
"So, alam ba ng media na yung anak ng amo iyong nakabuntis?"
"Syempre hindi!" Sigaw niya.
"Paano mo nalaman?"
"Usap-usapan lang, hehe" ani niya
Habang naglalakad ay kinukwento niya sa'kin ang alam niya.
"You mean si Chrea Estrella ay anak niya dahil sa isang aksidente?" Tanong ko.
Nasamid naman siya sa aking sinabi.
"Ano ka ba? Hindi no!" Utas niya."Pero kasasabi mo lang na buntis siya habang nag-aaral. So ibig sabihin, dati niyang amo si Mr. Estrel--" pinutol niya ako.
BINABASA MO ANG
Winsome Love: Mishan
Сучасна прозаSabi nila, Love has to be perfect. Pero mapapaisip ka na ang tao nga hindi perpekto, pag-ibig pa kaya. Hindi yan kasabihan ng lahat dahil halos lahat ng tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng pagmamahal. It's Mishan. Si Mishan ang taong hindi naniniw...