ZIV"Kends, tapos na iyon." Sabi ko habang nagluluto ng pancake na aalmusalin namin ni Kends ngayon.
Kinukwento niya kung paano naghysterical si Zach noong dinner. Sobrang haba ng gabing iyon.
Ani pa niya ay halos mabasag lahat ng kagamitan ng resort noon.Umalis ako ng gabing iyon. Nagbyahe ako at nagpunta sa kung saan ako pwede magpunta. I was terrified that time pero hindi iyon ang oras para matakot ako.
Tumuloy ako sa bahay nila Kends at doon nanirahan ng halos dalawang linggo. Wala naman sila Tito Kiel at Tita By dahil may inaasikaso abroad, pero okay lang naman sa kanila.
Noong oras na iyon ay tinawagan ko si Kuya Savee para sabihing okay lang ako at kaya ko pa naman. Hindi na rin siguro nila ako inabala.
"Kung nakita mo lang. He was crying, Mish! God!" Dagdag pa niya.
Kinikilig ako sa tuwing naiisip na umiyak siya. Pero napapalitan agad ng sakit sa ala-alang ikakasal na siya sa isang araw.
"He's going to be married, Kends. Wala ng oras para maghabol." Halakhak ko ngunit hindi ko maitago ang tabang doon.
"Alam mo bang halos bugbugin siya nung tito Merch dahil sa nagawa niyang pambabastos sa dinner?"
"Ano ka ba? Tama na!" Sigaw ko habang nilalapag ang mga pancakes na niluto ko.
"He's so inlove with you!" Sigaw niya.
"It was two weeks ago, galit iyon sa'kin dahil hindi ko siya pinangatawanan noong sinabi niyang mahal niya ako."
"Ewan ko ba sa'yo. Nasa harap ka na ng pamilya mo at pamilya niya. I was waiting you to say " I love him, and you can't do anything about it!"" Ginagaya niya pa ako dahil sa kainisan niya.
"Nakahanap ka na ba ng impormasyon kay Mrs. Estrella?" Biglang tanong ko habang kumukuha ng tubig sa Ref.
"Yup." Ngumunguya parin siya ng pancake at mukhang guton na gutom.
Nagtaas ako ng kilay na alam kong naintindihan niya.
"Balita kasi na nagpalit siya ng pangalan."
Napakunot ang noo ko at tinalapsikan ko siya ng tubig na dala ko mula sa ref. Sumigaw naman siya at halos mapamura dahil masisira daw ang makeup niya.
"Baliw ka ba? You can't just change your name in the Philippines!" Sigaw ko.
"Mas baliw ka ba? Remember that she has money, may pera siya para makapunta ng ibang bansa!"
Napatigil ako sa sinabi niya. Napag-isip kong pwede nga.
"Really?" Aniko
Tumango tango pa siya. "There's one more! Nagparetoke siya." Halakhak niya.
"Ano ba yan?" Iritado kong sabi. Mukhang wala naman akong mapapala sa isang ito.
"I'm serious! Malay mo ay nagpalit talaga siya ng mukha kaya hindi mo makilala. Malay mo kilala mo pala siya dati, hindi kaya't katulong nga siya sa inyo dati?"
Binalot ako ng kaba. Hindi ako makahindi o maka-oo. Sa sobrang daming taon ang nakalipas ay sobrang dami naring kasambahay ang nagdaan sa mansion namin. Kung magtatanong ako sa kay Manang Seling dahil siya ang pinakamatagal naming kasambahay ay paniguradong limot na niya.
"We'll find out, Mish. I'm gonna look for her old pictures." Ani niya at hinagod pa ang kamay ko.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang aking telepono at nakita kong si Lorie ang tumatawag. Omo.
BINABASA MO ANG
Winsome Love: Mishan
General FictionSabi nila, Love has to be perfect. Pero mapapaisip ka na ang tao nga hindi perpekto, pag-ibig pa kaya. Hindi yan kasabihan ng lahat dahil halos lahat ng tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng pagmamahal. It's Mishan. Si Mishan ang taong hindi naniniw...