Attend"You done? Ang bilis naman." Salubong sa'min ni Kends habang sinasarado naman ni Rex ang gate.
"Anong napag-usapan niyo ni Zach?" Aniya ng hindi inaalis ang titig sa'kin.Lalagpasan ko na sana siya dahil ayokong pag-usapan pa ito. Okyupado na ang isip ko at wala akong ganang magkwento.
Bago ko pa man magawa iyon ay umakbay na sa likod kosi Rex at ngumisi siya. Ngumisi din si Kends.
Inirapan ko na lang silang dalawa at dumiretso na ako sa loob. Nagtataka ako kung bakit wala pa sila tita gayong sa pagkakaalam ko ay ngayon ang uwi nila.
"Matamlay ka dahil alam kong may nangyari. Don't mind your Tita. Saulo mo na ang ugali niya." Ani Kends at sumunod sa'kin sa loob.
Diretso ako sa may Table at kumuha ng tubig sa ref upang uminom. Si Rex naman ay umupo na sa sofa at tinaas ang kamay at kinawit ito sa sandalan. Umupo ako sa may upuan sa may table at pumangalumbaba.
Nag-usap si Rex at Kends sa kung ano-ano. Hanggang nadako ang usapan nila sa darating na kasal nila Tita Lezana at Zach. Kesyo ang cheap raw, common, hindi pinaghandaan. Alam kong sinasabi lang nila iyon dahil kaharap ako pero kita ko naman sa imbitasyon kung gaano kapreparado ang kasal.
"Sobrang common ng dark blue. Tapos isang beach wedding ang ganap, duh!" Nagtaas pa siya ng kilay at winagayway ang daliri sa ere. "Sobrang galing niya pagdating sa mga lines, and everything tapos dito ay sobrang bagsak ng standards niya." Kunwaring nasusuka pa siya at sumisiring.
Sa dibdib ko itinago ang imbitasyon. Hindi naman halata tska ayaw ko rin namang bitbitin pa. Nilapag ko ito sa ibabaw ng mesa ng hindi sila nililingon.
Kita ko ang pantay na ekspresyon sa mga mata ni Rex at parehas na emosyon kay Kends.
"Nakita ko na iyan sa Facebook pero hindi pinakita ang loob... Patingin nga." Lapit niya.
"So, you're one of her..." Dahan dahan niya akong nilingon mula sa tingin niya sa imbitasyon. Nakita ko ang pagkunot sa noo niya at aad na hinampas ang mesa. Napabalikwas ako at saktong pagtayo naman ni Rex.
Inalalayan niya ako at hinaplos ang aking buhok. Si Kends naman ay nanatiling nakahawak sa sintindo at umiling iling. "What the hell! After what happened, nagawa ka niyang bigyan ng imbitasyon. Such an asshole!" Sigaw niya.
Naalala kong wala nga pala akong kinuwento sa kanya. Na siguro akala niya lang malamya ako dahil sa tiyahin ko pero hindi niya alam na siya ang sumipot sa akin kanina. Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya dahil gusto ko siyang maliwanagan.
"Calm the fuck down, Kendells!" Sigaw ni Rex sa kabila ng paghihisterya ng aking pinsan.
"How can I? Ang kapal ng mukha ng Zach na iyon! The fuck!" Sigaw nanaman niya.
"He wasn't the one who gave me that." Seryoso kong sabi. "It's Lezana" ani ko.
Ang iritadong mukha ni Kends ay napalitan ng isang ngisi. Bigla akong kinabahan sa mga titig niya. Nilingon ko si Rex at nakatingin lamang siya sa'kinng may pag-aalala. "You're scary, Kendells!" Ani Rex sa iritadong tono.
"Attend the wedding, Mish!" Sigaw niya at tumili tili pa. Winagayway niya pa ang dalawang kamay sa ere at dumamba damba sa sofa!
"What are you thinking? No! Hindi pupunta roon si Mish! Walang pupunta!" Ani Rex at pinuntahan si Kends upang kalmahin siya.
"Huh? Ano ka ba, Rexelty! May karapatan naman siyang pumunta plus, imbitado naman siya. Abay pa nga kayong dalawa e'!" Natatawang sabi naman ni Kends habang iniikot ang mata!
BINABASA MO ANG
Winsome Love: Mishan
General FictionSabi nila, Love has to be perfect. Pero mapapaisip ka na ang tao nga hindi perpekto, pag-ibig pa kaya. Hindi yan kasabihan ng lahat dahil halos lahat ng tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng pagmamahal. It's Mishan. Si Mishan ang taong hindi naniniw...