Winsome Love 25

5 1 0
                                    

Wedding

"Opo, maayos ako, Mamo." Ang boses kong malakas ang gusto kong iparinig sa kabilang linya.

Kanina pa kasing tanong ng tanong si Mamo kung ayos lang ba ako o ano.

"Sabihin mo, My, umuwi na siya rito't mag-impake." Rinig kong sabi ni Kuya Savee sa kabilang linya.

"Mamo?" Takhang tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang nais iparating ni Kuya Savee sa kabilang linya.

"Impake? Para saan?" Sunod ko pa.
Wala pang pumapasok na ideya sa akin at ayoko nanamang mag-isip. Baka kung saan nanaman mapunta ito

"My? There's no other way. We're going to leave as soon as possible. Napakasasamang ala-ala ang naririto sa Pilipinas. There is no reason for us to stay." Kalmado parin ang boses ni Kuya Savee.

Aalis kami? Huh? Rinig ko ang pagsaway sa kanya ni Mamo at ang tunog na hudyat na tapos na ang tawag. Bigla akong kinabahan dahil sa narinig ko.

"You okay? Wala namang multo rito sa bahay a!" Nagulat ako sa paglabas ni Kends sa banyo.

"Yeah, I'm okay."

"Magbihis ka na. Ihahatid kita sa place na pagkikitaan niyo ni Zach. I'm still not convince na siya iyon. Baka scam lang." Irap niya.

Mabilis akong nagtungo sa banyo at naligo. Pagkatapos ko ay agad kong hinalikwat ang iilang kapiraso ng damit na dala ko. Malapit na itong maubos, pero you can wash them? Really. Ugh!

Nagsuot ako ng isang loose faded jeans at white top na sinamahan rin ng gladiator na maikli lamang. Paga parin ang mata ko kaya humiram ako ng make-ups kay Kends oara takpan ito. I'm not into make-ups but I know how to use it.

Siya ang nagdrive sa sasakyan at ako'y nakatulala lang sa tabi niya.

Dumating kami sa tinext niyang details at sa tingin ko namay totoo ang sinabi niya dahil nakita ko ang Honda niya roon sa malayo. Naisip ko kung bumyahe kaya talaga siya mula Taal patungo rito?

"Mauna ka na, andito na rin siguro iyon. After, maybe, 1 hour, can you please fetch me here." Ani ko habang hawak parin ang pintuan ng kanyang sasakyan.

"No prob, text me if there's a problem. Lilipad agad ako rito." Halakhak niya at sinarado ko na ang pinto ng sasakyan niya at kumaway.

Sobrang lawak ng golf course na ito at hindi ko siya makita. Ang tanging ngbigay lang sakin ng ideya na narito siya ay ang kanyang sasakyan. Is he really here? Or he's just playing with me?

Lalagpasan ko na sana ang sasakyan ng biglang bumukas ang pintuan nito. Hindi ko naman alam na may tao pala dahil tinted ito.

Ang naguumapaw na presko ni Tita Lezana ang lumabas mula sa driver's seat na ikinagulat ko. Umirap ako sa isip ko at hindi inalintana ang presensya niya,

"Nasaan si Zach?" Ani ko at nagtaas ng kilay.

Kung siguro'y kasama ko si Kends dito ay sasabihin niyang tama ang hinala niyang kasama nga si Tita dito.

Humalakhak siya sa tanong ko. Tinanggal nito ang suot niyang salamin at nagtaas rin ng kilay sa akin. Ano bang problema nito?

"You really expect him to be here?" Ani niya at sinarado ang pintuan ng kotae upang makalapit pa sa akin.

Lalong humigpit ang hawak ko sa bag ko dahil dama kong may tensyon talagang namumuo sa pagitan namin.

"He texted me that's why I'm here. I just want to talk to him, ano bang problema mo?" Nag-iwas ako ng tingin dahil nananantya na ang mga tingin niya.

Winsome Love: Mishan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon