Winsome Love 21

16 1 0
                                    


My jealous girl

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

Kasalukuyan kaming naririto sa isang parke. Ipapasyal niya raw ako, aniya.

Naiilang na din ako dahil sa mga matang nakatitig sa'min rito. He's famous, okay? Itatak mo yan sa isip mo Mishan. May kasama kang isang Engineer sa ibang bansa.

Nawalan ako ng lakas ng loob para itanong sa kanya patungkol sa narinig ko kanina. Ayokong masira ang araw na ito dahil sa kuryosidad ko. Ayoko ring mapagod pa ang puso ko.

"Just tell we when you're tired, okay?" Sabi naman niya.

Narinig ko din ang pag-irap ng mga babaeng dumadaan. Some are still wearing uniforms. College siguro.
Ang iba naman ay nakangiti dahil sa kakatitig nila kay Israel. I don't know where they are looking at. Kung sa kamay ba niyang nakahawak sa baywang ko o dahil sa kasama kong mala-Adonis ang gwapo.

Abot tahip ang saya ko dahil finally, nakasama ko na rin ang isang ito.
This is his way of making up with me, i'm sure.

Tanaw ko mula rito ang simbahang pinuntahan namin nung nakaraan. Tanaw ko din ang bagong tayong kagamitan dito sa parke. Ang isa sa mga kilalang dauhan ng selebrasyon ay kita ko din.

Hindi ko sigurado kung talagang sikat siya pero sa tingin ko ay kilala nga siya rito. Knowing Tita Zasha, her business is all over the Philippines.

"I remembered the first time I glanced at you. You were so innocent, way back. " nagsasalita siya habang ako ay engganyong engganyo sa nakikita kong mga swing.

Sumakay ako sa isa sa mga swing at nilingon siya. Ngumiti ako sa kanya at sumilay in ang ngiti sa mukha niya.
Napapansin ko talagang lahat ng mga dalagang naririto ay hindi pinapalampas ang segundong hindi siya masulyapan.

"I was just turning college before when we first met. Of course, I'm innocent. Till now." Ani ko at nagseryoso.

Lumipat sa kung ano ano ang mga pinag-usapan namin. Madalas ay ang mga ginagawa ko noong nakaraang 3 taon.

Siguro nga ay lumabas na ang takot sa sistema niya. Ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi niya nagawang ipaglaban ako noon. Iyon lang ang tanong ko.

"Galit ka sa papa mo?" Ikinagulat ko ang tanong niya. Napalingon ako sa kanya at kita ko ang convern sa mata niya.

Gustong gusto kong umiyak. Pero napalitan ng galit ang luhang nagbabadyang tumulo.

"I am very angry, Israel." Ani ko at ngumisi sa di malamang dahilan.

"Hindi ako galit sa hindi patas na pagtingin niya sa'kin at kay Tita. I accept it because I think it's obligatory since they're sharing the same blood." If they are really, once I know the truth.

Nakikinig siya sa bawat salitang sinasabi ko. I thank God because he's willing to listen.

Napangiwi ako. "Galit ako dahil sa kabila ng pagtanggap ko nagawa niya paring magloko."

Nagkibit balikat na lamang ako sa mga nangyayari.

"I can't blame you, honey." Sabi niya at hindi parin kumakawala sa kanyang mga titig sa'kin.

Winsome Love: Mishan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon