My girlAng ala-ala ng dating kami ang nagpagising sa'kin sa biyahe namin ni Zach patungong Ilocos. Wala pa ako sa ulirat ng bigla siyang nagsalita.
"Did you sleep well?"
Tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong niya. Wala pa ako sa huwisyo ko ng bigla nanaman siyang nagsalita.
"Where do you wanna eat? Maybe you're hungry." Ani niya.
"Anywhere"
Tiningnan ko ang aking telepono at nakitang may 5 unread messages ito. Una kong binuksan ang recent messages ko.
Kuya Savee: Enjoy your trip. Baka pagbalik niyo tatlo na kayo, kiddin'
Halos mailuwa ko lahat ng kinain ko buong araw dahil sa text ni Kuya. Ang rumi ng isip nito!
I texted back saying: You still have that dirtymind, Kuya Savee.
Sunod kong nakita ay ang sunod na mga text.
Mamo: Take care, Sofia. Loveyou.
Mamo: Don't forget to take your medicines on time, especially yung recent na nireseta ni Doctora.
Mamo: Enjoy!
At ang huling text messages ay mula sa unknown number:
Unknown: Don't make a wrong move. I'll shoot you.
Pinagkibit balikat ko na lamang kung sino ang huling nagtext na ito. Napansin kkong tumigil kami sa isang Italian Restaurant. He still knows me.
"Take out or we'll eat inside?"
"Let's just eat inside." Tugon ko.Inaayos ko pa ang bag ko dahil hinahanap ko ang wallet ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse. Nakakahiya, baka isipin nitong hinintay ko talaga siya. At pakialam ko naman doon?
Dumiretso kami sa isang bakanteng upuan. Ngayon ay parang nagtaka ako kung anong oras na at tila marami paring tao sa restaurant na ito. Ng mapansing mag-aalas-otso palamang ng gabi, naisip kong sobrang haba na pala ng naitulog ko. Konting oras na lang ay nasa Ilocos na kami.
"What do you want, Sofia?" Ani to habang nakatingin sakin ng malalim.
"Pasta will do. Zach, stop mentioning my first name" Sabi ko.
Agad niyang binigay sa waiter ang order namin at muling hinarap ako.
"Is there something wrong with the name Sof--" agad ko siyang pinutol
"This is just a favor, wag mo ng banggitin yon." Poot parin ang nananalaytay sa bawat salitang binitawan ko.
Ayokong maramdaman niya na talo ako.
Gusto kong iparamdam sa kanya na kahit hindi ako ang pinili, hindi ako talo. Kahit hindi ako nanalo, nagpapakatatag ako."Are you still mad?" May bahid na ng pagsusumamo ang boses niya. At parang nagbara na din ang lalamunan ko.
Oo, galit ako! Sobrang sama ng loob ko. Sobrang sama ng loob ko, ZACH! Sobrang sama ng loob ko na nagawa mong piliin ang taong nagmakaawa sayo at hindi ang taong mahal mo. But I'm not sure kung noon, minahal mo ako.
Sobrang sama ng loob ko dahil hindi parin pala ako sapat para sa'yo. Teka nga Mishan? You're being unreasonable.
"I'm not. Bakit ako magagalit?"
Nailapag na ng dalawang waiter ang order namin. At tinanong nito si Zach kung may kailangan pa pero sinabi agad niya nitong wala na."You're being cold."
"I'm not cold, ano naman sa'yo?" Giit ko habang hinahalo ang kabuuan ng pasta.
"I'm sorry." Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napalingon sa kanya. Ang mata nitong punong puno ng halohalong emosyon ang nakapagpaseryoso sa ekspresyon ko.
"It's done , Za--"
"It's not Sofia, please."
"Pwede ba Zach? I'm here with you because of Mamo and my Lola. Hindi ako nandito para sa kung ano. If you need something, then go ask my Tita!"
"What is your problem, Sofia?" Mahinahon parin ang pagsasalita niya pero ramdam kong tensyonado nadin siya.
"I don't have any problem, ikaw yata itong may problema!" Sigaw ko.
Natapos namin ang pagkain ng wala ng umiimik dahil sa naging sagutan namin ni Zach. Umaapaw na ang emosyon ko at hindi ko na alam ang sasabihin ko. Masyado na akong okyupado.
Ng dumating ang waiter para ibigay ang bill ay agad kong kinuha ang wallet ko sa bulsa. Naglabas ako ng 3 thounsands at agad na inabot sa waiter. Dahil sa pagkalito ay bigla niyang nilingon si Zach na agad siyang tiningnan ng alam na tingin.
"Don't accept her payment, ako ang magbabayad." Ani to habang binigay ang card sa Waiter.
Binalik sakin ng waiter ang pera pero agad ko siyang tinawag at muling ibinigay ang pera ko.
"Take this, take back his card." Sabi ko. Agad na sinunod ito ng waiter pero agad na binalik muli sa'kin ang pera ko dahil sa tingin ni Zach.
"Sofia..."
"What? I'm going to pay our meal. Wag ka ng mag-abala." Sabi ko pero tuluyan ng umalis ang waiter kasama ang card niya. Ang pera ko naman ay nanatiling nasa gilid ng lamesa.
"I don't let my girl pays the bill. Let me do this. Please"
Iniwan ko siya roon at nagpatuloy sa labas ng restaurant. Nakaupo akosa labas ng restaurant. Hinihintay siya habang hinihintay niya naman ang pagbalik ng card niya. I'm tired in and out.
Nakaupo ako dito like i'm hopeless. Yes, i'm too hopeless.
"Let's go" nakaubob ako ng bigla siyang nagsalita. Agad kong pinagpagan ang pantalon ko at bigla niyang hinawakan ang kamay ko at iginiya sa kotse niya.
Sigurado akong pinagpapawisan na ako kahit sobrang lamig na dito sa labas. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at hindi niya parin binibitawan ang kamay ko.
Dahil sa pagkailang ay tiningnan ko siya at tumingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. My emotion is plain because I don't want him to feel that I'm still affected. At bakit nga ba ako apektado? Arghhh! This is not you, Mishan.
"U- Uhh, Sorry." Sa paghingi niya ng patawad ay agad kong inakala na bibitawan na niya ang kamay ko pero hindi. Nanatili siya sa ganong posisyon habang nakasandal siya sa bukas na pinto ng kotse.
Nararamdaman kong may gusto siyang sabihin pero hindi na ako nagabalang magatanong pa sa kanya. Tiningnan niya ang kamay naming dalawa at hinawakan niya pa ang isa ko pang kamay. Hindi ako kinikilig diba? Hindi pwede, mishannn!
Tumingin siya sa'king mata agad na nilapit ang labi niya sa mukha ko. Inakala ko tuloy na hahalikan niya ko sa labi pero nagulat ako ng hinila niya ako at hinalikan.... Sa noo. I feel secure. Parang dati lang. Matagal ang kiss sa forehead na yon at bigla siyang nagsalita.
"You're still my girl, honey."
At agad na binaon ako sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Winsome Love: Mishan
Genel KurguSabi nila, Love has to be perfect. Pero mapapaisip ka na ang tao nga hindi perpekto, pag-ibig pa kaya. Hindi yan kasabihan ng lahat dahil halos lahat ng tao ay naniniwala sa kapangyarihan ng pagmamahal. It's Mishan. Si Mishan ang taong hindi naniniw...