“First they ignore you, then they ridicule you, then they fight you, and then you win.”MICAELLA MORTISE POV
Alam kong napakasama kong tao para mamilit na mahalin ako. Mali bang ipaglaban ko yung taong mahal ko kahit hindi naman ako gusto? Kaya mo bang hayaan na mahalin siya ng iba at sayangin yung oras na pinaglaban at inilligtas mo siya?
Me: Fyll, Matagal na kitang gusto, nahihiya ako at nagpakadesperada para malaman mo to. Kaya mo ba akong mahalin?
Fyll: mahal din kita mica.
Sobrang saya ko ng malaman niyang mahal niya din ako. Lagi kaming magkasama ni fyll simula elementary.
Lagi ko siyang sinusundo at sinusundan kung saan siya magpunta.
Fyll: Bakit ba lagi ka ng nakabuntot sakin ha?
Me: Fyll sabi mo mahal mo ako? Akala ko ba tayo na?
Fyll: Ha? Mahal? Oo mahal kita diba sabi ko Mahal din kita pero bilang kaibigan lang. hindi mo ba nareceive ang text ko?
Yan ang araw na hindi ko makakalimutang ginawa sakin ni fyll, ipinahiya niya ako sa maraming tao.
Gusto kong lumayo sa kanya pero hindi ko magawa dahil siya lang yung taong laging nagpapasaya saakin.
May nakilala akong isang kaibigan at yun ay si Zychkie buenafe.
Nagpapatulong ako sa kanya na mapalapit muli kay fyll. Pero nalaman kong kaibigan niya pala ang gusto ni fyll. sa sobrang sakit ay sumama na ako kina daddy sa ibang bansa para mapalayo sa kanilang lahat.
Alam ni dad ang dahilan kung bakit ako sumama sa kanya. Sabi ni dad gagawa siya ng paraan para maging Masaya ako.
Nakipagnegosyo siya sa Montecargo, hindi naman alam ni dad na pamilya pala yun nina eyth.
Mga ilang taon din ang nakalipas at niisa wala pa din akong nagugustuhan. At hindi ko na din ganun kagusto si fyll.
Pero nalaman kong magkakaroon ng bagong kumpanya si fyll at si dad ang hahawak ng papel para maayos yun.
Hindi ako nagdalwang isip na gawin ang gusto ko.
Ang maikasal sa taong dati ko pang gusto.
Nagkaroon ng meeting sa bagong itatayong company ni fyll.
Mr. mortise: good day! Bago magstart ang pagaayos ng mga papel ay taon pa para maapprovan, lalo na’t busy ngayon ang anak ko. Pwede niya itong approvan kung kelan niya gusto. Hindi ko naman siya masisi kasi sa kanya na to nakapangalan sana maintindihan niyo.
Fyll: teka, maaari po ba naming malaman ang pangalan ng anak niyo?
Let the game begin ;)
me: Hi, I’am micaella mortise.
Fyll: mica?
Kitang kita sa mukha niya ang gulat nung nalaman niyang ako ang anak ni dad.
Me: hmm. Dad! If gusto naman talaga niyang maitayo ito ay may mas madaling paraan.
Agad niyang kinuha ang cellphone sa kanyang harap at akmang may itetext ito. Hindi ko na patatagalin pa.