Grief can take care of itself; but to get the full value of a joy you must have somebody to divide it with.
Naayos na ni fyll ang passport naming papuntang new York. One week kami doon para naman makasama ko at ni fyll ang pamilya nya.
Pinagpaalam na din ako ni fyll kina mommy kahit pinayagan na naman nila ako.
Bukas na ang alis naming naghahanda na ako ng mga damit na dadalhin ko.
Aalis din kami ni fyll para mamili ng mga baon at mga ibibigay nya sa mom nya.
Bumili ako ng Pandora necklace para ibigay sa mommy nya. Ibili ko din ng rubber shoes ang dad nya kasi mahilig silang mag basketball
Bumili naman sya ng mga pagkain mga chocolate at mga inumin.
Pagkatapos mamili ay dumaan kaming simbahan. Dumaan muna kami sa monsieur resto bar para magtake out
"Filet de saumon bio poelé ,Cuisse de canard confit ,Salade repas a la pieuvre grilée , Linguine au chorizo , Salade gourmet végétarienne , soupe du jour ,filet de saumon bio poelé at Dessert du jour "
Ang daming binili ni fyll na pagkain nagtaka na lang ako kung para kanino yan.
Me: para kanino yang lahat?
Fyll: para sa mom at dad mo kakain tayo ng sabay sabay bago umalis bukas.
Me: ah ganun ba sige.
Dumaan kami sa flower boutique at bumili si fyll ng bouquet para kay mommy at fane.
Dumaan din muna kami kay moun. Para magpaalam. Bumili na din ako ng bulaklak para sa kanya.
"Moun. Pa new York kami ni fyll. imissyou na"
Bumalik na kami sa kotse.
Fyll: tinext ko na din mommy mo na wag ng magluto kasi ang dami ko ng biniling foods. Kasalo na din natin sina manang dyan.
Me: ininvite ko na din sina fae, fher, zech at zychkie. si clinth naman samin na nakatira eh
Fyll: ah talaga? Good news ah.
Me: Oo nga eh.
Dumating na kami sa bahay at nandun na sina fher. Binigay na din ni fyll ang mga pagkain para ihanda nina manang. Binigay din ni fyll kay fane at mom ang bouquet
"thankyou fyll" pasasalamat naman ni fane
"thankyou iho nagabala ka pa" sabay beso kina mom.
"tol. Kamusta?" Bati ni fher
"eto ayos lang haha" sagot naman ni fyll
Mom: oh okay na tara na kakain na tayo.
Dad: oo nga. Halina kayo dito. Pag ganto naman kadami ang mga anak ko ay inam naman.
Sabay sabay na nagtawanan ang lahat.
Bumili din sina fher ng cakes and drinks.
Bago kumain syempre hindi makakalimutan ang magdasal.
Mom: Oh bukas na ang alis niyo. Mag iingat ha?