Life teaches you that you need to make decisions in the right time - not too early, not too late.
MOUNIKQUE EZRIYEL DECADIZ POV
Nakita ko ang mommy ni eyth kasama si fyll kaya dali dali ko syang hinila at dinala sa bahay.
Eyth: eto pala ang bahay nyo? Medyo malapit lang pala saamin pero di kita nakikita noon. Sabagay hindi nga pala ako pinalalabas ni mommy ng bahay. Eh ikaw nakikita mo ba ako kahit minsan?
Me: Oo ata? Ewan?
Oo eyth nakikita kita minsan kasama ang mommy mo. Habang sumisimba kayo at nagmamall. Di kita pinapansin kasi ayaw ng mommy mo sakin. Dahil nga baka mahawa ka sa sakit ko and noong time na yon eh kagagaling mo lang. walang kaibigan si eyth noon dahil ng mommy nya. Kahit ako hindi sya pinakaibigan saakin.
Eyth: sayaaang! Kung lang pinalalabas ako ni mommy noon siguro magkaibigan na tayo no?
Me: oo nga eh. Pero ayos lang. nga pala san ka ba pumasok noong elementary ka?
Eyth: kalimitan sa pinto. Hahahaha charot. Wala bahay lang sina teacher yung pumupunta sa bahay namin eh. Ikaw ba?
Me: ahh sa mirayam elementary school lang malapit lang dyan pero giniba na sya eh.
Eyth: ahh kaya pala wala ng school dito dadayo pa ng ibang lugar.
Me: eh nag highschool saan?
Eyth: ah sa The Lawrenceville School medyo malayo dito eh
Me: hala talaga? Dyan ko pangarap pumasok eh ang mahal nga lang ng tuition diba?
Eyth: eh ewan ko lang. si mommy kasi yung nagbabayad eh. Gusto mo ba? Si daddy kasi may scholarship program pwede kitang sabihin ay daddy tas ipasok ka nya dyan.
Me: hindi wag na lang. (kung pwede nga lang)
Eyth: hala bakit naman? Hindi sasabihin ko yon kay daddy pag umuwi sya dito.
Me: nasan ba daddy mo?
Eyth: nasa new York kasama si esthifane kapatid ko. May kapatid pa daw kami pero kay daddy lang di ko na masyado tanda yung name lalaki sya eh.
Naputol ang usapan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagtago kami sa ilalim ng kama dahil sa malakas na kulog. Yun ang isang kinatatakutan ko. Nagdasal na lang ako ng tahimik kasi ayokong Makita ni eyth na takot ako sa kulog. Tumawa na lang ako ng tumawa kahit wala namang nakakatawa. Mga ilang oras na nakatago kami sa ilalim ng kama ay nakatulog na pala si eyth.
Pinagmasdan ko sya habang natutulog at may biglang pumasok sa isip ko na kamukha nya. Kamukha nya si clinth!
Oh baka naman namimiss ko lang si clinth kaya ganun. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata hanggang sa nakatulog na din ako.---
Umaga na ng nagising kami. Wala sa tabi ko si eyth dali dali akong bumaba at nakita ko syang pinagmamasdan ang family picture namin.
EYTH AISHWELL MONTECARGO POV
Hinala ako ni moun at dinala sa kanilang bahay. Bumilis ang tibok ng puso ko. Oh baka dala lang ito ng pagod. Malapit lang pala ang bahay ni moun samin pero ni hindi ko sya nakikita o sadyang hindi lang talaga ako lumalabas.
Habang nasa kwarto nya kami ay napagusapan namin ang buhay studyante kung saan ako pumasok at sya. At nabanggit din nya nagusto niyang pumasok sa The Lawrenceville School kung saan ako nag aaral. Sakto namang may scholarship program si daddy at pwede ko syang tulungan pero hindi ko alam kung bakit ayaw nya?
Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagtago kami sa kanyang kama na hindi nya alam ay takot na takot ako sa kulog lalo na sa kidlat. Pero sya ay tawa lang ng tawa kaya napapatawa na lang din ako. Pinikit ko na lang mga mata ko hanggang sa nakatulog na pala ako.
Mga ilang oras din na ako'y nakatulog ay pagdilat ko biglang bumungad saakin ang natutulog na mukha ni moun. Umaga na noon ay bumaba na lang ako at tiningnan ang mga picture ng pamilya nya. Ang sasaya nila sa mga larawan. Pero may isang larawan doon na wala si moun. Nakakapagtaka lang.
Maya maya ay nakita ko si moun na nakatayo at nakatingin saakin.
Me: moun! Good Morning. Gising ka na pala. Eh pasensya ka na ha bumaba ako at nagpunta dito ng walang paalam. Tulog ka pa kasi at ayoko namang abalahin kita sa pagtulog. Halika dito.
Moun: Good morning din eyth. Oo okay lang. hmm bakit?
Me: bakit wala ka dito sa litratong ito? (tinuro ko ang litrato kung saan wala si moun)
Moun: Ah. Dyan? Baka may ginagawa ako ng time na yan at hindi ako nakasama sa picturan. Hehe
Me: sayang naman no?
Moun: sobra! Hahaha
Kita ko sa mga mata ni moun ang lungkot. Totoo kayang may ginagawa lang si moun? Ah siguro nga. At malungkot sya kasi di sya nakasama sa picture na yun.
Lumabas na lang kami ni moun at saktong nakita ko si fyll. Nilakasan ko na ang loob ko nilapitan ko si fyll.
Me: Hi fyll!
Eto ang masakit! Nihindi ako nilingonan ni fyll. Hindi ako pinansin ng taong gusto ko. Dali dali akong tumakbo kay moun at umiyak.
MOUNIKQUE EZRIYEL DECADIZ POV
Nagsasara ako ng gate n gaming bahay ng biglang lumapit si eyth at umiiyak.
Eyth: moun!!
Me: oh bakit ka umiiyak? Anong nangyare?
Eyth: nakita ko si fyll. Nilapitan ko sya at tinawag pero di nya ako pinansin. Hindi man lang nya ako nilingunan.
Me: sabi ko naman kasi sayo eyth eh. Dapat di ka muna lumapit kay fyll kaya ka nasasaktan. Ganyan ang feeling ng sumusugod agad sa gera ng walang dalang armas.
Eyth: bakit ba hindi nya ako nilingunan? Pangit ba ako moun?
Me: Oo teh
Eyth: (mas lumakas ang iyak)
Me: joke lang eto naman. Hayaan mo mapapansin ka din nyan eyth.
Eyth: KELAN?