"You don't even know I'm alive"
Why? Am I bad person? One thing I want to do is to love someone but how?
Ayoo. I'm Eyth Aishwell Montecargo .
"You keep a lot to yourself because it's really difficult to find people who'll understand " Simple lang ako, Books lover, and anime addict. Gusto ko lang yung simple yung hindi ako napapansin. Sabi nila ako daw yung babaeng PERFECT but for me? No one is perfect! Sabi din nila ako yung tipong Ako na lang yung kulang sa buhay nila pero nawala pa. Ako yung taong di pa nararanasang magmahal o mainlove.And nakilala ko si fyll myth then Asidyo Basketball player, medyo mayabang, pero di sya snob. At ang galing galing nya sa math! OMG.
EYTH AISHWELL MONTECARGO POV
February 10, 10:05 am yan yung araw na nakita ko sya wearing a white tshirt and jagger pants while crying. I'm so sad at that time. Hindi ko alam kung nasan ako. Kakapanibago pero nung nakita ko sya? Naramdaman ko yung LOVE na parang di ko kaya ng wala sya. Gusto ko syang lapitan pero sino ba ako para lapitan sya? Pinagmasdan ko sya habang nakaupo sa kanto. May kasama ba to? Tanong ko sa sarili ko. Papalapit na ako kaso may lumapit sa kanya babae, maganda, maputi, matangkad niyakap nya yung lalaking umiiyak. Nakaramdam ako ng kaba. NAGSESELOS BA AKO? Omaygad hahahaha. But ang alam ko lang Jealousy is a sign of insecurity, a sign of weakness and a sign of obsession but? Obsession noooo!!
Ooops teka pano ko sya nakilala?
Palihim akong lumapit sa kanya at narinig ko yung babaeng yumakap sa kanya"hey stop crying. Everything happens for a reason"
"but how? Pano? Di ko alam ang gagawin ko?"
"woooah, si Fyll Myth then asidyo di alam ang gagawin? Ow come on!"
*toooot at dun ko nalaman ang name ng future bf ko hihi*
And sumakay na sila sa isang black na BMW woooah sabi ko na lang sa sarili ko SANA MAKITA KO ULIT SYA.
Nandito ako ngayon sa isang park, ewan ko ba. Para akong nagkaamnesia bigla, bakit ako nakawhite dress, basta ang alam ko lang eh ang ganda ko. Im so happy because ang daming kong nakikitang masasayang tao ngayon sa harap ko mga batang naglalaro ng piko, tumbang lata na di ko nalaro nung bata pa ako.
FLASHBAAAACK!
Lagi akong nasa bahay. Ipad dito, ipad doon umaalis na lang sila mommy at pag uwi may bagong gadgets. Yea! Spoiled ako and I'm so blessed pero di pa din ako Masaya wala akong kalaro kasi yung isa kong kapatid nasa ibang bansa kasama si daddy. Uuwi lang sila kapag may occasion gusto nga nila dun na kami tumira pero di pwede kasi nandito yung doctor ko. Yes! May sakit ako, Cancer naagapan naman agad kaya di na lumala pa. bawal lumabas ng bahay lagi lang akong nasa kwarto ni sa pagaaral bahay lang ako eh. Sobrang saya ko pag isinasama ako ni mommy pag simba at may puntang mall para magshopping.
ARAY! Bigla na lang may tumalsik saking tsinelas galing sa mga batang nagpapatintero. Di man lang sila nagsorry sakin. Yung para bang walang nangyari. AY SORRY HA SORRY ako na yung nagsorry nakakahiya naman eh.
May nakita din akong dalwang magsyota na yung lalaki naka back hug sa kanyang girlfriend yung ang sweet sweet nilang tingnan. Eto yung gusto kong maranasan pero parang di na ata mangyayari pa.
"Pare, dito muna tayo" pag aya ng lalaki sa kasama nya
"Naks naman Congrats nakascore ka?" pagtatanong naman ng lalaki
"Tol, magkano?"
Teka yung nakakacurious yung usapan nila. Di naman sa chismosa kaso tumabi kasi sakin ng di nagpapaalam. Lalapitan ko nga mga to at makikinig ako.
Boy 1: ano na pare?
Boy 2: chill. 5k ko muna hehe
(inabot ng mga lalaki ang 5k)Boy 1: pabalato. Masarap ba?
Boy 2: Pwede na.
Boy 3: wooooa kawawa naman si Zychkie
Boy 2: BASIC! (sabay apir sa kasamahan)
Naiiyak ako sa mga narinig ko. Mga walang hiya talaga ang mga lalaki yan din yung isa sa dahilan bat ayokong magmahal eh!
Boy 2: ARAY KO!
Boy 1 at 3: napano ka pare?
Boy 2: binato nyo ba ako?
Boy 1 at 3: ay pare ayos ako dito ha! Magkakausap lang tayo ditto
Letze kayo! Mga babae pinagpupustahan nyo. Buti na lang di ako kita dito. Dapat bakal yung ibabato ko ditto sa mga to kaso mabait ako kaya kahoy na lang. Makaalis na nga!
Habang naglalakad sa park na pagkakainit ay may nakita akong pamilyar na mukha. Isang lalaki hinabol ko at sinundan ko to.
Teka? Si ano ba to? Si Fyll myth then Asidyo?! Pasan sya? (ay ate naglalakad) Nakita ko uli sya? (ay hindi anino lang yon) Teka totoo ba to?! (baka fake?) authooooor naman. ( ay te sorry)
Nagpunta syang Cr susundan ko sana sya pero pang lalaki nga pala yon. Nainlove nab a ako sa kanya? Bat parang ang bilis naman? Sobrang bilis? Di ko alam kilala ko na ba to noon? Pero di pa naman ako naiinlove kasi nga "We should love, not fall in love because everything that falls, get broken." And Love? Duuh di ko nga alam ang meaning non eh. Kahit sa school di ko yan napagaralan or siguro absent ako nung time na yon hihi.
Naglakad lakad na ako papunta sa simabahan, nagdasal ako at umalis na ni nawala na sa isip ko si fyll. Makulimlim na kahit kanina lang eh ang init init.
ANIME BOOKSTORE
Ā, kamisama!! Watashi wa kono basho ga koishī (Alien to) osige author tratranslate ko na kakahiya sayo eh.
OMG!! I MISS THIS PLACE and yung mga booooks ko!! Watashi ga iku hitsuyō ga arimasu "I need to go"Pero teka? Si fyll kasi. Asan na sya ?
Habang pauwi nakakita ako ng umiiyak. Babae, lalapitan ko to!
Girl 1: THIS IS SHIT! FVCKING SHIT!
Girl 2: ano ba kasing nangyari?
Girl 1: Sabi nya kasi mahal nya ako. Pero ginamit lang nya ako!
Girl 2: huh? Ginamit? Tao ka naman ah?
Girl 1: bes namaaaan!!
Girl 2: kwento mo kasi!
Girl 1: nasa condo kami gusto nya akong galawin. And tinulak ko sya. Mahal ko sya pero di ako papayag sa gusto nya. Tas nung di ako pumayag maghiwalay na lang daw kami. Magpapabuntis naman ako ah? Bat ang excited nya!
Girl 2: Hay nako Zychkie buenafe!! Ang ganyang lalaki di iniiyakan myghad ganda ganda mo tas iiyak ka? Alam mo What hurts you today, will make you stronger tomorrow. Kaya girl tahan abaaa. Nako pag nalaman yan ni otso lagot ka don
Girl 1: imiss her somuch!
Girl 2: imiss her too.
Teka? Zychkie buenafe? Sya ba yung pinagpustahan nung mga lalaki kanina? Pero ang alam ko nagalaw nya yung girl? Pati ba kaibigan nya lolokohin nya para sa 5k?
Myghad and OTSO who's that girl?
---- Ayoooo. Intay na lang kayo sa chapter 2 😘