CHAPTER 13

3 3 0
                                    


I believe that unarmed truth and unconditional love will have the final word in reality. This is why right, temporarily defeated, is stronger than evil triumphant.

FYLL MYTH THEN ASIDYO POV


Birthday ko na bukas pero hindi ko alam kung maghahanda ba ako o magoout of town na lang kami nina fher. Sabi ni mama bumisita daw ako sa kanila sa new York kasi mas surprise daw sila pero baka next week or next month na lang ako umuwi.



Kilala na nga pala nina mama si eyth lagi ko syang kwinekwento sa kanila kapag may video call kami. Pinasasama nga nila si eyth sa new York eh. Noong bata pa lang kilala na nina mama si eyth kasi magkakilala ang daddy ni eyth at si dad, excited na daw silang Makita si eyth ngayon dalaga na sya.



Nandito ako ngayon kina zech sa condo nya. Bukas na lang ako uuwi at kakaunin ko si eyth. Susurpresahin ko sya, kakain muna kami sa labas at pagkatapos sumimba. Pero nung kakaunin ko na sya eh ako ang nagulat dahil wala sa bahay si eyth. Ni hindi nga sya nagpaalam saakin.



Sobra na ang pagaalala ko nagpunta ako sa kanila noon at tinanong ko kay tita kung asan si eyth pero hindi din nya ito alam. Nagaalala na din ang mommy at daddy ni eyth pati sina fher at fae. Nakailan na din akong missed calls at text pero niisa hindi sya sumagot o reply man lang.


Tinawagan ko uli si eyth




"asan ka eyth. 89 missed calls? Di mo sinasagot mahigit 500 na text na ako sayo ah. Hindi alam nina tita kung nasan ka? Pinagaalala mo ako eyth. Nasan ka uuwi muna ako para magpalit wag kang aalis kung nasan ka man.tatawagan ulit kita."


Ni hindi man lang sya umimik. Dali dali akong nagmaneho at umuwi.


Nang pag akyat ko sa kwarto ay..




WOW.


"HAPPY BIRTHDAY FYLL"




Ako yung nasurpresa, hindi ko naman hiniling na surpresahin ako ni eyth. Ang gusto ko lang ay sya. Siya lang ang gusto kong regalo sa birthday ko.


Napaiyak ako at kinurot ko ang pisngi nya. Sobrang thankful ako at sobrang saya sa mga regalo nya. Okay lang naman sakin kahit hindi sya bumili ng mamahaling gamit eh


"gaga ka. Pinagalala mo ako. Nandito ka lang pala. Ikaw nagset? Ikaw nagayos dito?"


"yes. Galing ko no? hihi."



Nagalala pa din ako ng nalaman kong sya lang nag ayos ng lahat ng yon.



"pag nagkasakit ka na naman hindi ka man lang nagpatulong kina manang"




"ano ka ba okay lang yon"




Hinalikan nya ako sa pisngi at bumulong sya sa akin.



"I LOVE YOU FYLL. I LOVE YOU"





Eto ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Eto ang pinakamahal at pinakamahalagang regalong natanggap ko. Ang OO ni eyth. Wala na akong mahihiling pa. buo na ang araw ko.

Akin na sya. Nasaakin na ang matagal ko ng hinihintay. Nasa akin na ang liza soberano at Bae Su-ji ng buhay ko.


----




Nagbihis ako at sinuot ko ang binili ni eyth na damit at agad kaming lumabas at umalis ni eyth. Sumimba muna kami at nagshopping. Bumili sya ng mga dress nya at make up, bumili din sya ng mga books na paborito pa lang nya noong una pa lang.




SeparatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon