Chapter 2

29.7K 505 43
                                    

Sobrang busy ng mga tao habang naglalakad ako sa hallway. Opening day ng Civil Service Month ngayon. Maraming nagkakabit ng mga event poster sa locker at announcement boards.

Nilagpasan ko ang dagat ng mga tao at dumiretso sa room.

Sabaw na sabaw ako habang nakatitig sa kaklase kong nagre-report. May naririnig akong words pero nalilimutan kong intindihin.

Wala pa si Anjie at in-expect ko na 'yon. 6 am na kasi nakauwi.

Bumukas ang pinto at, speaking of the devil's wife, ayan na siya. Ang aga niya sa susunod na subject. Hinanap agad ng mata niya ang prof naming nakatayo sa sulok.

"Morning, Ma'am."

"You're already marked as absent, ha. More than 15 minutes late."

Tipid na ngumiti si Anjie at tumango. "Yes, Ma'am."

Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, saka nag-slide na parang hihiga na. "Sakit ng ulo ko," bulong niya.

Malamang.

Kapag talaga nakakita ng lalaki 'to sa party, inaabot ng umaga. Bigla akong may naalala kaya nilingon ko siya. "May naghatid yata sa 'kin kagabi," bulong ko.

"Oh? Sino?"

"'Di ko alam, e."

Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa 'kin. Sabaw din siguro kaya pino-proseso ang sinabi ko. "Pa'nong hindi mo alam?" tanong niya.

Lumingon ang mga kaklase namin dahil sa lakas ng boses ni Anjie. Napayuko na lang ako at kunwaring nagsusulat.

Kinalabit niya naman ako kaya nilingon ko siya. Pinandilatan niya ako, pinipilit na magkuwento. Huminga ako nang malalim.

"Naaalala kong nasa kotse ako pero 'di ko maalala kung sino'ng kasama ko," sagot ko.

Napanganga siya habang hindi makapaniwala. "Gaga ka," bulong niya pero may diin. "Bakit ka sumasama kung kani-kanino?"

Nagkamot na lang ako ng batok. Kung lasing ako, paano naman ako makakatanggi? Never pa ako nag-black out sa inuman, kagabi lang.

Medyo uminit ang mukha ko kasi naisip kong baka si Sir Eros ang naghatid sa 'kin. Paano kung may nakakahiyang nangyari tapos na-witness niya 'yon lahat? Paano kung sumuka-suka pa pala ako sa daan?

Tinapos namin ang mga subject at, finally, subject na ni Sir Eros. Medyo kabado ako habang umaakyat kami sa 9th floor. Para akong pinatawag sa guidance tapos naghihintay ng parusa.

Mahabaging Diyos, sana hindi ako awkward mamaya.

Sa room, nandito na halos lahat ng mga kaklase ko. Babae ang karamihan sa 'min kaya sino namang tatamarin pumasok kung may Sir Eros na magle-lecture mamaya, 'di ba.

Tahimik akong nagsusuklay nang kalabitin ako ni Anjie. Pagtingin ko sa kaniya, nakangiti na siya. Hinintay ko ang sasabihin niya pero hindi siya umiimik.

"Itsura mo?" tanong ko.

"Sus, nako-conscious na rin ang pempem mo kay Sir Eros 'no!" sigaw niya.

Nagtawanan ang mga kaklase kong nakarinig. Laglag ang panga ko habang lumilingon sa paligid. Punyeta ka, Anjie!

"Naiinitan lang ako," sabi ko. Tinali ko ang buhok ko sa mataas na ponytail at nanahimik.

"Papunta ka pa lang, nakailang balik na 'ko kahit traffic pa," natatawang bulong ni Anjie. "Aminin mo na kasing bet mo rin. 'Wag nang pa-different," asar niya.

Binantaan ko siyang sisikuhin kaya umiwas siya habang natatawa. "Hindi ko 'yon gusto," depensa ko.

Pumasok sa isip ko ang mga nasabi ko kay Sir Eros kagabi. Moment of realization.

When Liars PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon