Huminto na ang sasakyan ni Eric kaya tinanaw ko ang magarang restaurant sa labas. Magkahalong kahoy at salamin ang mga pader nito kaya natatanaw sa loob na kaunti lang ang tao roon. Ngayon lang ako nakapunta rito kahit malapit lang 'to sa apartment dahil talagang mamahalin.
Lumabas si Eric at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makalabas na ako, mabilis na dumapo ang kamay niya sa braso ko para igiya ako papasok, pero malapit na kami sa pinto nang bumagal ang paglalakad ko. Sobrang gara ng suot ng mga tao rito. Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa 'kin na isa itong fine-dining restaurant.
"Are you okay?"
Nilingon ko siya pero natigilan ako sa kakaibang amo ng mga mata niya. Ngumiti siya at pinindot ang ilong ko. "Be confident, you're beautiful."
Lumapit na kami at pumasok sa pintong itinulak ng isang guard. Tiningala ko ang engrandeng chandelier sa kisame at mga magagarang lamesa at upuan sa paligid. Lumapit sa 'min ang isang babae at iginiya kami patungo sa isang lamesa.
Natuwa ako sa paglilibot ng tingin kaya hindi ko napansin ang isang waiter na naglalakad at bumunggo sa 'kin. Suminghap ako nang maramdaman ang malamig na tubig kasabay ng pagkalansing ng mga baso sa sahig.
"Shit." Narinig ko si Eric sa gilid ko pero nagkatitigan lang kami ng waiter sa sobrang gulat.
"Ma'am..." Mabilis na inabot sa 'kin ng waiter ang hawak niyang puting table napkin. "Pasensya na, Ma'am."
Si Eric ang kumuha ng napkin at pinunasan ang braso ko. May mga lumapit naman agad para mag-mop ng sahig at pulutin ang mga bubog.
Nilingon ko ang receptionist. "Saan ang banyo?"
"This way po, Ma'am."
Kumaliwa kami sa isang pasilyo at nilingon ko siya agad nang makarating kami sa tapat ng isang pinto. "May maipapahiram ba kayong tuwalya?"
Mabilis siyang tumango. "Yes, Ma'am. Give me a minute."
Bumaling ako kay Eric na medyo nakangiti kaya sinamaan ko ng tingin. "Natutuwa ka?"
Umiling siya agad. "You look like a queen talking elegantly to a servant."
Natigilan ako. "Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa mga tao sa paligid mo? Mga utusan mo lang?"
Napawi ang ngiti niya at muling umiling. "You know that's not what I meant." Muling umamo ang boses at ang mga mata niya.
Tumango na lang ako at hindi na nakipag-argumento. Nang bawiin niya ang kamay niya, agad niyang hinubad ang suot na polo shirt. Napasinghap ako nang makita ang magandang hubog ng katawan niya. Kahit nakasuot siya ng itim na sando, lumuluwa ang kakisigan niya.
"Anong ginagawa mo?" sabi ko saka ako lumingon sa paligid. Nasa isang hallway kami kaya walang nakakakita.
Inabot niya sa akin ang damit niya. "Basang-basa ka. Tatawag ako sa assistant ko para bumili ng damit mo. Isuot mo muna 'to."
"Ha?"
Ngumiti lang siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko para iharap ako sa pinto. "Diyan lang ako sa kabilang CR. Mamaya, kakatok ako rito para iabot ang bagong isusuot mo."
"Hindi na kaila—"
Marahan niya akong itinulak sa pinto at saka ito isinara. Inilapag ko muna sa gilid ng lababo ang polo shirt niya at naghintay. Maya-maya, pumasok ang babae kanina dala ang isang puting tuwalya.
"Ito po, Ma'am. Pasensya na po talaga."
Tumango ako at tinanggap ang tuwalya. Nang makaalis siya, pumasok na ako sa isang cubicle para magbihis. Ilang minuto pa akong naghintay dito sa banyo. Nakaupo na ako sa gilid ng lababo at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Kamukhang-kamukha ko si Mama. Kapag tumanda pa ako, siguradong mas lalo kaming magiging magkamukha.
May kumatok sa pinto kaya bumaba ako sa lababo at pinagbuksan ang tao sa labas. Bumungad sa 'kin si Eric dala ang isang paper bag. "Bagay pala sa 'yo ang damit ko. Pero mas magiging komportable ka rito."
Tipid akong ngumiti. "Salamat."
Tinanggap ko ang paper bag at muling pumasok sa isang cubible para magbihis. Isa itong kulay asul na T-shirt at may burdang bulaklak sa bandang dibdib. Mabilis ko itong sinuot at ang damit naman ni Eric ang sinilid ko sa paper bag.
Paglabas ko, naghihintay na siya sa dulo nitong pasilyo. Tumayo siya nang diretso at doon ko napansin ang suot naming dalawa. Pareho kaming nakasuot ng T-shirt pero kung bulaklak ang burda ng suot ko, baril naman ang sa kaniya.
"Bakit... couple shirt?"
Ngumiti siya at saka hinawakan ang batok. "Ang sabi ko kay Joe, bumili ng T-shirt para sa 'ting dalawa. Hindi ko alam na ganito."
Kinuha niya na ang paper bag sa kamay ko at saka ako iginiya pabalik sa lamesa. Nakatanaw ako sa labas habang naghihintay ng order namin nang mapansin ko ang paninitig niya.
Kumunot ang noo ko pero agad siyang napangiti.
"Do you hate stares?" tanong niya.
"Hindi ako komportable. Bakit ikaw? Natutuwa kang may nakatitig sa 'yo?"
Sumandal siya sa kinauupuan niya. "Kung ikaw ang tititig sa 'kin, ayos lang."
Pinilit ko na lang ngumiti kahit naaasiwa ako dahil kamukhang kamukha niya si Sir Eros. Dumating na ang inorder namin kaya nagsimula na kaming kumain. Pasulyap-sulyap siya sa 'kin pero nanatili ang atensyon ko sa pagkain, hanggang sa nakita ko sa gilid ng mata kong inusog niya malapit sa 'kin ang isang baso ng tubig.
"Sabi ko na, gugutumin ka sa oras ng trabaho mo. Araw-araw ba 'to?"
Umiling ako habang hindi pa rin siya tinitingnan. "May food pack lagi sa locker room para sa mga housekeeper."
"Pero gabing gabi pa rin. Kung sa 'kin ka na lang magtrabaho?" Doon lang umangat ang tingin ko. Ngumiti siya at nagkibit-balikat. "Suggestion lang."
Umiling ako at uminom ng tubig. "Aalis din ako ro'n. OJT ko na next sem, may i-o-offer ang school namin kung saan pwede. Kukunin ko 'yong may sahod."
Marahan siyang tumango at bumalik sa pagkain. Siya naman ang pinanood ko. He's rich for sure, kaya tipid ang bawat kilos niya, pero sapat lang para makapang-intimidate. Umiling ako agad. No, hindi siya intimidating.
"Are you okay?"
Nilingon ko siya agad. "Ha?"
Tinuro niya ako gamit ang tinidor niya. "Umiling ka. May nasabi ba 'kong mali?"
Umiling ako ulit habang nakangiti. "Wala. Uh, ano pa lang pinagkakaabalahan mo? Trabaho? Negosyo?"
"Both. Nagtatrabaho ako kay Papa at may courier company ako."
Tumango ako at bumaling na ulit sa pagkain ko. "Anong trabaho mo sa Papa mo?"
"Operations Manager."
Umiwas ako ng tingin. "Saan?"
"Delvan Real Estates, 'yong kompaniyang..." Nilingon ko siya at hinintay ang sasabihin niya. "'Yong gagawa ng golf club sa inyo."
Napakurap ako at marahang tumango. Huminga ako nang malalim habang iniinda ang paninikip ng dibdib ko. Nagbara agad ang lalamunan ko kaya pinilit ko na lang ngumiti habang nag-aangat ng tingin sa kaniya.
"Why me? Bakit sa dami ng babae riyan, ako ang kinukulit mo? Ako ang sinusundo mo at ako ang kasama mo ngayon?"
Saglit siyang napatitig sa 'kin habang tila nag-iisip. Para siyang bumubuo ng isang magandang palusot—'yong kalkulado, 'yong kapani-paniwala.

BINABASA MO ANG
When Liars Play
RomanceEros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing more than a civil relationship with him. But a wealthy man kills her parents and he is Eros' father. T...