Chapter 6

18.3K 327 9
                                    

Lumapit ako sa waiting shed. Napansin niya naman ako agad at saka iniwan ang mga kausap niya.

Sinalubong niya 'ko. Sa gilid ng field, hindi namin pinutol ang tingin sa isa't isa. Bumaba ang tingin niya sa leeg ko. Kahit alam kong sinusulyapan kami ng mga estudyante, hindi ako natinag. Malaking bagay ang hihilingin ko sa kaniya, kaya kailangan kong kayanin ang simpleng tingin ng schoolmates ko kung gusto kong kayanin na humingi ng ganitong pabor.

"I'm sorry. . ." panimula niya, "for what happened."

Tipid akong ngumiti. "Hindi dapat ikaw ang nagso-sorry, Sir." Huminga ako nang malalim para bumwelo. "Ang parents mo. Sila ang dapat mag-sorry." Kumurap siya at napabuntonghininga. Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha niya pero hindi ako nagpaawat. "Dalhin mo 'ko sa kanila, Sir. Please"

"Hindi na 'ko nakatira do'n."

Marahan akong umiling. "So? Kaya mo pa rin akong dalhin do'n, 'di ba?"

"That won't change a thing."

"They killed my father," sipat ko. Laglag ang panga niya habang marahang kumukurap. "Kahit isang beses lang, gusto kong makita ang pagmumukha nila."

Umiling din siya. "It's not a good idea. . ." Parang nagmamakaawa ang boses niya. At this point, alam kong para sa ikabubuti ko kaya niya ako pinipigilan.

Ang problema lang, masyado nang malalim ang galit ko. Hindi ko kayang makinig. "Please. . ." Ako naman ang nagmakaawa.

Umiwas siya ng tingin, parang nag-iisip. Umirap pa siya sa hangin bago ako tinignan. "Ihahatid kita," alok niya. Nauna siyang maglakad palayo.

Tahimik akong nakasunod habang binabati siya ng mga estudyanteng nasalubong namin. Wala siyang sinasagot kahit isa. Diretso lang ang tingin niya habang nakakunot ang noo.

Sa parking lot, huminto ako bago pa kami makapasok sa kotse niya.

"Hindi mo na 'ko kailangang ihatid, Sir," sabi ko. Kung badtrip na badtrip siya, ayoko siyang pilitin. Baka masisi pa 'ko kapag nasira ko ang araw niya.

Sobrang bothered ako sa kinikilos niya. Hindi ko pa siya nakitang magalit kahit nakakaubos ng pasensya ang mga kaklase ko. Ngayong binibigyan niya ng silent treatment lahat ng tao, nakakatakot.

Tama ang sabi nila. Mas malala magalit ang mga taong mahaba ang pasensya.

Lumingon siya sa 'kin. Pinanood niya ako saglit bago niya binitawan ang pinto ng kotse niya. "Hindi kita dadalhin kung hindi ka pa komportable. . ."

Iniisip ko ang nararamdaman niya habang iniisip niya ang sa 'kin.

Kumirot ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang emosyon ko kapag kasama ko siya. Iba't ibang unexpected scenario ang nangyayari.

"Nakakatakot ba sila?" tanong ko.

Huminga siya nang malalim habang pasensyosong nakatingin sa 'kin. Wala na ang pagka-badtrip sa mukha niya. "I'll never let anything bad happen to you while you're with me."

Kumalabog ang dibdib ko. I'm sure he meant that in a friendly way. Hindi ko dapat bigyan ng kulay pero traydor ang puso. Aasa talaga hangga't hindi natatauhan.

"You're a good person. Hindi mo dapat 'to pinagdadaanan," pahabol niya.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Tama siya. Dahil sa sinabi niya, mas lalong lumakas ang loob ko. Hindi ko dapat 'to pinagdadaanan kaya kailangan may magbayad.

Kahit suntok sa buwan, aasa ako sa hustisya.

Lumapit ako sa kotse at hinayaan siyang pagbuksan ako ng pinto. Pag-upo ko sa passenger seat, taas-noo akong tumanaw sa labas. Hindi na maibabalik ang buhay ng tatay ko, pero hindi ako pwedeng magpakain sa lungkot.

When Liars PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon