Pagkatapos naming gumawa ng mga lettering, isinilid namin sa isang paper bag at naglinis. Ala-una na ng madaling araw. Hindi naman na magtataka si Ma'am Aby at mga katrabaho 'pag bumalik ako sa quarters.
"Ihahatid kita," alok ni Sir Eros.
"Mag-taxi na lang ako, Sir."
"Hindi safe. Tara," pinulot niya ang susi sa walltable at saka naunang lumabas ng unit.
Wala na 'kong nagawa kaya sumunod na lang ako sa hallway. Tulak-tulak ko ang cart habang hawak niya ang paper bag papunta sa quarters. Pagdating namin sa pinto, nilingon ko agad ang hallway. "Okay lang sa 'yo maghintay dito, Sir?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Okay lang naman."
Binilisan ko nang ibalik ang cart sa utility room at saka nagbihis sa quarters. Nagmadali ako dahil nakakahiya paghintayin si Sir Eros. Paglabas ko sa pinto, naabutan ko siyang nakahalukipkip habang nakasandal sa pader.
Nag-angat siya ng tingin pero mabilis ding umiwas. "Uh, buttons," sabi niya. "Your blouse."
Yumuko ako at tinignan ang suot ko. Shit. Nakalimutan kong ibutones! Buti na lang may suot akong sando!
Tumalikod ako agad at kinagat ang ibabang labi ko. Sinara ko ang pinto pero bigla ring bumukas. Pumasok si Lyka at Sheryl, mga ka-shift ko.
"Sino 'yong nasa labas?" tanong ni Sheryl sa 'kin. Pinanood nila akong nagbubutones ng blouse.
Tumikhim ako at nagkibit-balikat. "Kakilala ko," sabi ko na lang. Ang awkward sabihing tenant siya rito at prof ko. Baka bigyan nila ng ibang kulay.
"Ang gwapo! 'Di mo boyfriend?" tanong ni Kyla.
Tipid akong ngumiti at umiling. "Hindi," sagot ko habang namemeke ng tawa. "Una na 'ko. May pasok ako mamaya, e."
Lumabas na 'ko sa pinto at diretsong naglakad sa hallway. Nakasunod lang si Sir Eros sa likod ko habang nag-iinit ang pisngi ko. Nakakailang.
Ang awkward lalo na nasa likod ko lang siya kaya lumingon ako. "Bakit ka nasa likod, Sir?" tanong ko.
Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Baka naiilang ka."
Mas lalo tuloy akong nailang! Nauna akong maglakad sa elevator at nauna ring pumasok. Pagdating namin sa parking, dumiretso kami sa sasakyan niya.
Buti binuksan niya ang radio kaya walang awkward silence.
Sa biyahe, natanaw ko ang isang pamilya na naghihintay makatawid sa pedestrian lane. Nilingon ko si Sir Eros. "Bakit umalis ka sa inyo, Sir? Tsaka kailan?"
Saglit siyang natahimik habang naghihintay kami na mag-green light. "Hmm, no longer in good terms with my father ever since I. . . I found a job. In, uh. . . college."
Lumingon ako sa labas habang nag-iisip. Did he lie? Or was it true but he just hid some facts?
"Working student din ako dati," dugtong niya.
"Do you recognize your family's. . . crimes?" tanong ko, pahina nang pahinga ang boses habang hindi pa rin makatingin sa kaniya.
"What they did was awful. I've always known that they can be this evil, but not to someone I. . . I know."
Nilingon ko na siya. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. I bet he loved his family at some point. Unfair kaya ito sa para sa kaniya? Na parang kinokonsensya ko siya sa kasalanan ng pamilya niya kahit labas siya sa mga nangyari?
Huminga ako nang malalim at nanahimik na lang.
Pagdating namin sa gate, siya ang pumindot sa lock ng seatbelt. Ngumiti ako at kinuha ang paper bag.
BINABASA MO ANG
When Liars Play
RomanceEros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing more than a civil relationship with him. But a wealthy man kills her parents and he is Eros' father. T...