Hinanap ko si Anjie sa loob ng theater. Nag-reserve siya ng upuan para sa 'kin kaya tumabi ako sa kaniya. Sobrang excited siya at parang may gustong sabihin.
"May kambal si Sir Eros?" bulong niya.
Nilingon ko ang speaker na nagpapaliwanag tungkol sa mga details ng OJT namin bago bumaling kay Anjie. "Oo," sagot ko.
Umawang ang bibig niya at hindi nakapagsalita. Sumandal lang siya sa upuan niya habang nakatitig sa stage. "Wow. Dalawang Sir Eros," bulong niya sa sarili.
Napabuntonghininga na lang ako at pinilit makinig sa speaker.
Wala pang five minutes, distracted agad ako. May idea na m pumapasok sa isip ko pero pinilit kong hindi pansinin. Bukod sa mahirap at delikado, hindi ako sigurado kung kaya ko bang gawin 'yon.
Maghapong pinag-uusapan ang tungkol sa kambal ni Sir Eros. Mula sa mga classroom hanggang sa cafeteria, curious na curious sila kung anong pangalan, taga-saan, o kung anong ginagawa sa buhay ng taong 'yon. May sumubok pang hanapin siya sa social media.
Isa lang ang nahanap nila - profile niya sa LinkedIn.
Binasa ko rin ang laman ng profile niya habang naghihintay kaming dumating si Sir Eros.
"Parang close sa tatay, 'no?" tanong ni Anjie sa tabi ko. Alam ko agad ang iniisip niya. Tama naman siya.
Hindi inosente si Eric Delvan sa krimen ng mga magulang niya. Baka nga kasabwat pa.
"Mayabang," sabi ko na lang.
"Na-meet mo na?" biglang sabat ni Jocelyn sa likod ko. Nagtinginan ang iba naming kaklase kaya tumikhim ako.
"Sa labas lang. Kanina," sagot ko.
"Magkamukhang-magkamukha ba talaga?"
"Afternoon," biglang bati ni Sir Eros sa pinto.
Sabay-sabay namin siyang nilingon. Masama ang timpla ng mukha niya habang naglalakad palapit sa desk. Natunugan din ng mga classmate ko na wala siya sa mood kaya wala masyadong nag-ingay.
Kinuha ni Anjie ang paper bag sa sahig kung nasaan ang mga lettering na ginawa namin ni Sir Eros kagabi.
Isa-isa niyang tinignan at saka binuklat ang mga banner.
"Ang ganda. Ginawa mo lahat 'to?" tanong niya.
"Tinulungan ako ni Sir," bulong ko.
Mabilis niyang natakpan ang bibig niya sa gulat. Lumingon siya sa paligid habang nakangisi. "Totoo? Ang lala ng pretty privelege mo," pang-aasar niya.
Umirap ako at humalukipkip. Sinulyapan ko saglit si Sir Eros. Nagse-set up siya ng laptop sa lamesa para i-connect sa TV screen.
Saglit lang ang lecture. Pagkatapos ng 20 minutes, pinalabas niya rin kami para makapag-set up na ng booth.
Bumaba kami sa building at hinintay na mai-deliver ang ilan sa mga gamit na kailangan namin. Simple lang ang mga booth kaya natapos din kami sa loob ng isang oras.
"Picture!" sigaw ni Denny, isa sa mga groupmate ko.
Nag-picture-picture muna kami habang hinihintay si Sir Eros.
Pagdating niya, nag-ready kami para sa inspection. May kasama siyang dalawa pang prof sa Marketing. Binisita nila isa-isa ang mga booth. Nasa apat na booth ang nandito at kami ang huling kinausap.
Tumayo lang ako sa gilid habang nakahalukipkip at hinayaan ang groupmates ko na makipag-usap kila Sir Eros. Habang nagpapaliwanag si Anjie tungkol sa napili naming business, nakatuon ang atensyon ni Sir Eros sa kartulinang nakasabit sa lamesa ng kiosk.
![](https://img.wattpad.com/cover/87758040-288-k903068.jpg)
BINABASA MO ANG
When Liars Play
RomanceEros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing more than a civil relationship with him. But a wealthy man kills her parents and he is Eros' father. T...