Chapter 24

11.3K 204 5
                                    

Umiling lang ako at naupo sa tabi niya. Sumandal ako sa balikat niya kaya agad niya akong niyakap. "Dinner is ready. Tara sa baba?"

Padating namin sa lobby, kumaliwa kami sa isang hallway. Unti-unting bumagal ang lakad ko habang pinagmamasdan ang mga kandila at rose petals sa sahig. Nilingon ko siya agad at ngumiti. "Ang dramatic naman nito."

Ngumiti rin siya at umiling. "Akala ko, magugustuhan mo."

Hinaplos ko ang braso niya habang naglalakad kami. "Siyempre nagustuhan ko."

Binuksan ng dalawang gwardiya ang isang double door na gawa sa kahoy at saka tumambad sa 'kin ang malawak na restaurant. Gawa sa rattan ang mga upuan at lamesa at sa pinakagitna, nakahanda na ang pagkain. Naupo ako sa ipinaghila niyang upuan at pinagmasdan ang mga nakahain.

Tumagilid ang ulo ko habang nangingiti pa rin. "Ikaw ang nagluto nito 'no?"

Ngumiti rin siya at tumango. "Para mas special?"

Hinayaan ko ang isang waiter na maglagay ng wine sa baso namin habang inililibot ko ang tingin ko. "Ang ganda pala rito."

"Mas maganda 'to sa umaga."

Umangat ang tingin ko sa kaniya at nginitian siya. "Pero mas romantic dahil gabi."

Ngumiti siya at tumango. Sa gitna ng pagkain namin, huminto siya at pinagmasdan ako kaya nag-angat ako ng tingin.

"Ano talagang pinag-usapan n'yo ni Eros? Bakit ka umiyak nang ganyan?"

Bumuntonghininga ako at ibinalik ang tingin sa plato ko. "Gusto niyang layuan kita." Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya ulit. "Pero as you can see..." I smiled. "I chose you."

He blinked and stared at me. "Why?"

Kumalabog ang dibdib ko at saka ngumiti. Mag-isip ka, Clariz.

"Kahit ganito ang ginawa ng pamilya mo sa 'kin, pinili pa rin kita. Why do you think?"

Pinagmasdan niya ako nang mabuti at hindi rin ako kumurap tulad niya. Tila kinikilatis niya kung totoo ang pinapahiwatig ko pero habang nagtatagal ang tingin ko sa kaniya, si Sir Eros lang ang nakikita ko.

"Kung ako ang pinili mo, para saan 'yang mga luha mo?"

"Para sa mga magulang ko," taas-noo kong sagot. "Dahil sana, nandito sila para nakikita nila 'yong mga desisyon ko sa buhay. Kung paano ako nagpatawad at kung paano ko pinili ang taong gusto ko."

Napabuntonghininga siya habang nangungusap ang mga mata. Sa gilid ng mata ko, natanaw ko ang violinist na nagsimulang tumugtog. Bumaling ako kay Eric na tumayo na at naglahad ng kamay kaya ngumiti ako agad at pinunasan ang bibig bago tinanggap ang kamay niya.

Ipinatong niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at saka ako hinapit para magdikit ang katawan namin. Suminghap ako nang maglapit ang mukha namin at saka ngumiti para itago ang lungkot.

Hindi na nawala si Sir Eros sa isip ko at mas lalo ko lang siyang naaalala dahil sa mukhang nakikita ko ngayon. Kung pinili ko lang siya at kinalimutan ang plano ko, siya sana ang kasama ko ngayon. Pero ito ako, inaamo ang isang demonyo.

Yumuko siya para mahalikan ako kaya kusa akong pumikit. Gumuhit ang kirot sa dibdib ko habang nagluluksa. Ito ang pinili ko kaya kailangan kong panindigan. Kahit gaano kasakit.

Hinapit niya ako palapit habang pinalalalim ang halik. Suminghap ako nang tumatagal na ang halik niya hanggang sa marahan siyang lumayo at hinalikan ako sa noo.

"Kapag ipinakilala kita ulit kay Papa, siguradong hindi niya magugustuhan."

Pinagmasdan ko siya at nginitian. "Hindi naman siya ang makakarelasyon ko kung sakali."

When Liars PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon